-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Nasubukan mo bang gamitin ang sibuyas bilang gamot sa lagnat? May mga sabi-sabi kasing nakakagaling daw ang sibuyas at nakakataboy pa ito ng mga mikrobyo. Pero may sagot naman ang mga eksperto tungkol sa usaping iyan.
Benepisyo mula sa sibuyas
Maraming archaeologists, botanists, at food historians ang naniniwalang nagmula ang sibuyas o onion sa central Asia. Ito ay ayon sa United States National Onion Association (NOA). Pero meron din daw mga research na nagsasabing unang itinanim ang sibuyas sa Iran at West Pakistan hanggang makarating ito sa iba-ibang panig ng mundo.
Sa Pilipinas, malawak ang pananim ng sibuyas sa 22 probinsya at mainam na negosyo, ayon sa Department of Agriculture (DA). Karamihan daw sa mga mabentang uri ng sibuyas ang kulay pula (red creole), puti na may halong dilaw (yellow granex), at iyong maliliit na may mahabang dahon (shallots).
Ayon naman sa NOA, naglalaman ang isang katamtamang laki (medium size) na sibuyas ng mga ganitong nutrisyon:
- Vitamin A (3 iu)
- Vitamin C (11.8 mg)
- Vitamin B6 (0.2 mg)
- Folate (28.5 mdg)
- Calcium (34 mg)
- Iron (0.31 mg)
- Magnesium (15 mg)
- Phosphorus (43.5 mg)
- Potassium (190 mg)
- Zinc (0.3 mg)
- Copper (o.1 mg)
- Manganese (0.2 mcg)
- Selenium (0.7 mcg)
- Sodium (5 mg)
- Total carboydrate (11 g)
- Dietary Fiber (3 g)
- Sugars (9 g)
- Protein (1 g)
- Calories (45)
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAng kagandahan pa sa sibuyas, wala itong taglay na fat at cholesterol. Meron naman itong kadalasang sahog sa pagluluto na “naturally occuring chemicals” na tinatawag na organosulfur compounds. May papel daw na ginagampanan ang organosulfur compounds sa pagpapababa ng level ng cholesterol at high blood pressure (hypertension).
May ilan pang dagdag na benepisyo ang sibuyas:
- Flavonoid quercetin bilang panlaban sa pamamaga (anti-inflammatory) sa katawan
- Low-density lipoprotein oxidation bilang panlaban sa mga sakit sa puso
- Proteksyon at pagtubo ng Vitamin E bilang powerful antioxidant
- Proteksyon laban sa maraming uri ng cancer
Sibuyas gamot sa lagnat?
Sa loob ng maraming siglo (century), ginagamit ang sibuyas bilang preventive medicine, ayon pa rin sa NOA. Noong 1500s, halimbawa, naghihiwa ng sibuyas para ilagay sa kuwarto bilang proteksyon laban sa bubonic plague. May paniniwala kasing dulot ang mga sakit ng miasma o masamang hangin dahil hindi pa naman nadidiskubre ng mga panahon na iyon ang germs.
Pero kahit lumawak ang kaalaman at umunlad ang pamumuhay sa pagdaan ng maraming siglo, dekada, at taon, nagpatuloy daw ang sinaunang paniniwala. May bisa raw ang sibuyas laban sa trangkaso (flu), bulutong tubig (smallpox), at iba pang “infectious fevers,” o nakakahawang lagnat. Kaya meron pa rin mga naglalagay ng hiniwang sibuyas sa bahay bilang pangontra sa flu virus.
Paalala ng mga eksperto na kumakalat ang mga virus na sanhi ng sipon at trangkaso sa pamamagitan ng close contact sa taong maysakit. Hindi raw ito dahil sa hangin na kayang puksain ng sibuyas. Samakatuwid daw, walang ebidensyang base sa agham (scientific evidence) ang sibuyas bilang gamot sa lagnat o iba pang sintomas at sakit.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSang-ayon ang iba pang mga eksperto. Nang magsimula kasi ang COVID-19 pandemic noong 2020, may mga nagsulputang impormasyon sa social media na nagtataboy daw ng virus ang sibuyas.
May paliwanag si Dr. Jen Caudle, isang family physician at associate professor sa Rowan University in New Jersey, sa ulat ng Associated Press (AP News). Aniya, isang uri raw ng old wives’ tales ang paggamit ng sibuyas panlaban sa virus na naipasa-pasa sa mga pamilya. Wala naman daw masama sa ganoong paniniwala at gawain, pero hindi iyon ang lunas sa problema.
Nagpaliwanag din si Dr. Jason G. Newland, isang professor ng pediatrics sa Washington University, sa parehong ulat. Imbes daw na subukan ang sibuyas bilang gamot sa lagnat at iba pang karamdaman, mas makakabuti raw na magpatingin sa doktor.
Basahin dito ang tungkol sa halamang gamot sa lagnat.
Sibuyas Bilang Gamot Sa Lagnat? Ito Ang Sabi Ng Mga Eksperto
Source: Progress Pinas
0 Comments