Kumakati Ang Balat Dahil Sa Buni? Alamin Ang Mga Pagkaing Dapat Iwasan

  • Mayroon bang mga bawal na pagkain sa may buni? Sa lahat ng mga sakit sa balat, isa sa mga karaniwang nararanasan ang buni o ringworm. Madalas na nagkakaroon tayo nito kapag mainit ang panahon o kaya kapag hindi napatutuyo nang mabuti ang katawan.

    Lapitin din ng buni ang mga taong mahina ang immune system at ang mga may diabetes. Kahit sino rin ay maaaring madapuan nito dahil nakahahawa ang buni.

    Maraming uri ng buni depende sa lokasyon o bahagi ng katawang kinaroroonan nito. Kapag sa singit, ang tawag dito ay hadhad (jock’s itch) at kapag nasa paa naman, ang tawag dito ay alipunga (athlete’s foot). Tandaang naiiba ang buni sa an-an at sa tagulabay (hives).

    Madaling matukoy ang mga sintomas at katangian ng buni

    Mukha itong singsing na mayroong border o margin. Ayon sa mga doktor, sa margins na ito sila kumukuha ng samples kapag kailangang i-test sa laboratoryo upang higit na masuri ang buni.

    Namumula, nagbabalat, at nangangaliskis ang pabilog nitong hugis. Mas nakaumbok at namumula ang mga gilid nito at namumuti naman ang mas manipis na nasa gitnang bahagi. Kung minsan ay mahapdi ito. Mas madalas na makati at kung minsan, mamasa-masa pa.

    Gamot sa buni

    Hindi uod ang pinagmumulan ng buni. Fungal infection ang sanhi nito. Isa rin sa pinakamabisang mga gamot sa buni at iba pang sakit sa balat ay ang anti-fungal creams o ointments. Sa ibang pagkakataon, kailangang uminom ng anti-fungal pills ang pasyente.

    Makatutulong din ang paggamit ng anti-fungal soaps at medicated shampoos kung may buni sa anit. Sa mga probinsiya, dala ng payo ng nakatatanda, gumagamit sila ng aloe vera at bawang para maibsan ang kating dulot ng buni.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Tandaan lamang na kailangang maging maingat dahil nakasusunog ng balat ang bawang kapag direktang inilalagay ito. Pinakamainam na paraan ng pag-iwas at lunas sa mga sakit sa balat ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan.

    Ano-ano nga ba ang mga bawal na pagkain sa may buni?

    Patuloy ring sinusuri ng mga eksperto ang koneksyon ng diet sa mga sakit sa balat. Sa natural na medisina, pinaniniwalaang ang fungal organisms o yeast ang responsable sa mga impeksyon tulad ng buni. Nabubuhay ang mga ito sa mga pagkaing mataas sa asukal, sa refined carbohydrates, at sa mga pagkaing fermented, may amag (mold), at yeast.

    Makatutulong diumano kung “gugutumin” ang fungi sa katawan ng taong may buni. Iwasan muna ang mga pagkaing nabanggit sa itaas sa loob ng dalawa hanggang tatlong mga buwan. Paalala lang na wala pang nagpapatunay na mawawala ang buni dahil sa diet.

    Mababasa sa artikulong ito ang payo ni Dr. John Briffa, espesyalista sa nutrisyon, sa isang nanay na humihingi ng tulong para sa anak na pabalik-balik ang buni sa anit. Makatutulong daw ang probiotics upang mapigilan ang pagdami ng fungal organisms sa katawan at sa mabilis na paggaling ng buni.

    Narito pa ang ilang inumin at pagkain na ipinapayo ng mga natural medicine professionals magandang iwasan muna upang hindi lumala ang buni.

    • alak at beer dahil ginagamitan ng yeast sa proseso ng fermentation
    • fermented products tulad ng tinapay, suka, toyo, tamari, salad dressing, mayonnaise, ketchup, at mustard  
    • mga pagkaing mataas sa asukal tulad ng tsokolate, cane sugar, honey, syrup, mga prutas (sariwa man o pinatuyo), fruit juice, keso, gatas, cream, refined starches at simple carbohydrates
    • processed carbohydrates tulad ng harina at puting bigas ay nagiging asukal din sa katawan. Kasama rin dito ang crackers, chips, pasta, puting bigas, tinapay, at noodles. 
    • starchy vegetables gaya ng patatas, carrots, peas, beans
    • mushrooms dahil ito ay fungus at nakapagdudulot din ng yeast overgrowth.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Anomang anyo ng processed sugar (white o brown sugar) at mga simple sweeteners ay nagdudulot ng yeast overgrowth sa loob ng katawan, partikular sa bituka. Ang dried fruits at anomang prutas na inilalagay sa bote o lata ay mataas din sa asukal. Kailangang basahin ang labels o packaging ng mga kinakain upang makasiguro.

    Kasama ang mga pagkaing ito sa tinatawag na anti-fungal diet, na inirerekomenda rin para sa mga may irritable bowel syndrome at candida.

    Sa ganitong mga diet, binabawasan din ang mga pagkaing may food additives at mold. Kasama rito ang mga karneng pickled, smoked o dried tulad ng hotdogs, smoked salmon at cured pork bacon. Isa pang dapat iwasan ang cheese, lalo na ang ‘moldy cheese’ tulad ng brie at camembert.

    Dahil kailangang iwasan ang caffeinated drinks, kailangang tubig na lamang ang iinumin at huwag nang magkakape, tsaa, o soda. Iwasan din ang malalansang pagkain, pinritong mga pagkain, at mga pagkaing matataba.

    Anumang pagkain na mayroong fungal component ay dapat munang iwasan upang mapigilan ang yeast growth sa bituka.

    Ano ang magandang kainin kung may buni? Ang dapat i-focus ay yung pagkain na may anti-inflammatory benefits gaya ng protein gaya ng lean meat at itlog, pagkain na may omega-3, whole grains, gulay, yogurt at tubig. Maari ding subukan ang DASH diet na ipinapayo sa may mga hypertension.    

    Nakakahawa ang buni

    Tandaan nakahahawa ang buni kung kaya’t hindi dapat maghiraman ng mga damit, kumot, at iba pang personal na gamit sa bahay kung mayroong may buni. Basahin dito ang mga paalala upang hindi mahawa at makahawa ng buni sa ibang tao.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mainam din kung agad na magpapatingin sa doktor o licensed dermatologist sa inyong lugar kung hindi pa rin gumagaling ang buni pagkatapos ng ilang araw ng gamutan.

    Makatutulong na alam natin ang bawal na pagkain sa may buni upang hindi na ito kumalat sa katawan at hindi na lumala pa. Kung mayroon kang buni, huwag mahihiyang komunsulta sa mga doktor. Malaking tulong din kung ibabahagi mo ang bagong kaalamang ito sa iyong mga kaibigan at pamilya.

    What other parents are reading

Kumakati Ang Balat Dahil Sa Buni? Alamin Ang Mga Pagkaing Dapat Iwasan
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments