Nakakatulong Ang Lagundi Sa COVID-19 Patients Na Nawalan Ng Pang-Amoy At Panlasa

  • Ang Pilipinas ang nagsimula ng pag-aaral tungkol sa lagundi bilang halamang gamot ng mild symptoms ng COVID-19.

    Nakatutulong ang lagundi para mabawasan ang anosmia, isa sa mga napaulat na sintomas ng COVID-19. Ang anosmia ay ang pagkawala o pagbabago sa panlasa at pang-amoy ng mga pasyenteng may COVID-19.

    Nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) ng two-stage study kung saan ang 100 healthy adults na may mild COVID-19 ay binigyan ng 600mg ng lagundi tablet o syrup tatlong beses sa isang araw sa loob ng 10 araw.

    Isa pang grupo ng 100 healthy adults na may mild COVID-19 ang binigyan naman ng placebo pills.

    Epekto ng lagundi ayon sa study

    Bagaman at walang masyadong pagkakaiba sa recovery time sa pagitan ng dalawang grupo, natuklasan ng mga researchers na ang mga pasyenteng pinainom ng lagundi ay mas mabilis na nagbalik ang panlasa at pang-amoy.

    Ayon kay Dr. Cecilia Maramba-Lazarte, direktor ng National Institutes of Health-Institute of Herbal Medicine, “In terms of symptoms, there was faster relief of symptoms for anosmia and several of other symptoms.

    “Usually by day four and eight, mas mababa na ang symptoms na nakikita sa lagundi group.”

    Dagdag pa niya, napagagaan din ng lagundi ang iba pang mild COVID-19 symptoms. “There was really a trend for having lower scores. Meaning, mas naginhawahan sila for cough, feverishness, sore throat.”

    Ito rin ang naging obserbasyon ni Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) executive director Dr. Jaime Montoya. “Mas maganda ang nangyari sa binigyan ng lagundi.

    “Yung pagkawala ng pang-amoy, kung iisahin ang sintomas, kapag tiningnan ang pagkawala ng amoy, malaki ang diperensya. Mas marami ang agad gumaling, bumalik ang pang amoy kaysa hindi binigyan ng lagundi.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kasama ang lagundi sa homecare kit para sa COVID-19 patients

    Sinabi ni Dr. Maramba-Lazarte na bahagi na ngayon ang lagundi sa homecare kit para sa COVID-19 patients ng Department of Health (DOH).

    Ipinaliwanag din niya na naisip nilang subukan ang lagundi para sa COVID-19 dahil sa multi-targeted approach nito.

    Ayon sa doktor, “There are constituents or compounds that are good for respiratory tract symptoms. We use it for coughs of non-bacterial origin.

    “It has constituents that are anti-inflammatory, and there are several computational researchers which show it has good affinity for several target sites of SARS-Cov2, specifically COVID-19 virus.”

    Nilinaw naman ni Dr. Montoya na ang lagundi ay supplemental treatment lang, kasama ng iba pang gamot at proseso para sa COVID-19 patients.

    Hindi pa napatutunayan na kaya nitong pigilan ang infection, pero makatutulong ito para mapagaan ang mga sintomas at mapigilan ang paglala ng sakit.

    Sa Pilipinas, aprubado na ang lagundi bilang halamang gamot para sa ubo at hika.

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Nakakatulong Ang Lagundi Sa COVID-19 Patients Na Nawalan Ng Pang-Amoy At Panlasa
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments