-
Para kay Manilyn Reynes, mahalaga ang exercise sa pagiging healthy hindi lang ng katawan bagkus pati sa iba pang aspeto ng kanyang buhay.
“I’m not getting younger, kaming mag-asawa,” sabi ng actress-singer sa interview niya sa Pinoy MD, ang health and fitness show na napapanood sa GMA-7 tuwing Sabado ng umaga.
Kasal si Manilyn, 49, sa dating artista at kasamahan niya sa That’s Entertainment na si Aljohn Jimenez, 52, sa nakalipas na 25 taon. May tatlo silang anak, na pawang mga lalaki: Kyle, 25; Kirk, 19; at Kael, 10.
Sabi ni Manilyn, nakakahiligan nilang pamilya ang running bilang bonding activity.
Lahad niya, “We find time para sa pamilya kasi importante ’yun. Ang weekends namin, as much as possible, ayokong pinapagalaw talaga. Kasi talagang kailangan mo ’yun. Kasi nga para ’yun sa family.”
Bilang pansariling exercise ni Manilyn, regular ang pagtakbo niya sa threadmill at paggiling ng baywang sa hula hoop. Aniya sa hula hoop, na uso noong 1980s bilang laruan, nakakatuwang balikan ang pagkabata. Mainam din daw itong cardio exercise tulad ng running.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaliwanang niya, “Cardio exercise, you’re moving, nagpapawis ka. Ang mga kasu-kasuan mo nagagalaw mo rin.”
Isa pang kinagigiliwan ni Manilyn na uri ng exercise ay ang boxing. Kuwento niya, “Ako ay boxing fan talaga kahit noon pa. Maliit pa lang ako, nanonood ako ng boxing kasama ang lolo ko.”
Bukod sa exercise, ibinahagi ng Kapuso star ang isa pang sikreto sa pagiging healthy: “Mommies, huwag tayong ma-stress!”
Alam niya kasi ang mga tulad niyang nanay ay may tendency na maging hard sa sarili: “Kailangan maging ganito ako, ngayon na, ngayon na, ngayon na.” Pero, aniya, “Kasi pumunta rin ’yun sa isip.”
Basahin dito ang sikreto naman ng successful marriage nila Manilyn at Aljohn.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Bukod Sa Exercise, Ito Ang Sikreto Ni Manilyn Reynes Para Maging Healthy
Source: Progress Pinas
0 Comments