-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
May mga pagkakataon na tila bigla na may namumula at nangangati ang balat. Hindi mo namamalayang meron ka na palang isang uri ng mga sakit sa balat, at baka seborrheic dermatitis iyan.
Ano ang seborrheic dermatitis?
Ang seborrheic dermatitis ay isang pangkaraniwang sakit sa balat na kahanay ng eczema, na siya naman kinalilituhan sa iba pang kondisyon na asthma of the skin o skin asthma.
Bukod sa sebohheic dermatitis, may lima pang mga sakit sa balat na kabilang sa grupo ng eczema, ayon sa mga eksperto ng United States National Eczema Association (NEA). Anila, eczema ang tawag sa grupo ng mga health condition na apektado ang balat. Nagdudulot ang grupong ito ng pangangati, pamumula, at pagkakaroon ng rashes sa balat.
Narito ang mga uri ng eczema:
- Atopic dermatitis
- Contact dermatitis
- Dyshidrotic eczema
- Nummular eczema
- Statis dermatitis
- Seborrheic dermatitis
Mga dapat malaman sa seborrheic dermatitis
Ang seborrheic dermatitis ay ang chronic form ng eczema, ayon pa sa NEA. Ibig sabihin, pagbalik-balik at tumatagal ang pag-atake nito. May pangangati at pamumula ng balat, lalo na kapag natural na oily ang iyong balat.
Paliwanag din ng mga eksperto na may mas malaking papel ang ginagampanan ng skin fungus na Malassezia. Ito raw kasi ang nagdudulot ng iritasyon sa sebaceous glands ng anit. Nagkakaroon tuloy ng immune response at nagdudulot ng scaly rash, o iyong nagmistulang kaliskis sa sobrang pagkatuyot ng balat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKadalasang umaatake ang seborrheic dermatitis sa mga parte ng katawan na mabilis maging oily, gaya ng:
- Anit, lalo na sa mga sanggol
- Dibdib at likuran
- Mukha at noo
- Paligid ng ilong
- Likod ng mga tenga
- Pusod at tiyan
- Mga kilay
- Singit ng braso at binti
Walang pinipiling edad ang seborrheic dermatitis, sabi pa ng mga eksperto. Pero mas malimit tamaan ng sakit na ito ang mga baby at mga adults mula edad 30 hanggang 60. Mas apektado rin ang mga kalalakihan na adult at teenager.
Kung umatake ang seborrheic dermatitis sa mga sanggol, tinatawag itong cradle cap, na siyang sanhi ng grabeng balakubak. Puwede ring maapektuhan ang puwitan ni baby. Napagkakamalan itong diaper rash, na isang uri naman ng contact dermatitis. Pero sa parehong sitwasyon, kadalasan daw na kusang gumagaling ang seborrheic dermatitis at hindi na umaatakeng muli.
Ibang usapan naman kapag adult ang tinamaan ng sakit na ito. Malimit daw na merong pattern ang pag-atake ng seborrheic dermatitis. Kung bigla raw itong umatake at nabigyan naman ng lunas, mananahimik ito ng ilang taon bago umatakeng muli.
Tataas daw ang tiyansa mong dapuan ng seborrheic dermatitis kung may ganito ka nang mga kondisyon:
- Psoriasis
- Human immunodeficiency virus (HIV)
- Acne
- Rosacea
- Parkinson’s disease
- Epilepsy
- Alcoholism
- Depression
- Eating disorders
- Recovery mula sa stroke o di kaya heart attack
May mga bagay o gawain na nag-uudyok sa pag-atake ng seborrheic dermatitis. Tinatawag ang mga iyan na common triggers, gaya ng:
- Sobrang stress
- Pagbabago sa katawan dulot ng hormones
- Biglang pagkakasakit
- Matapang na sabon panligo at panglaba, pati solvents at chemicals
- Cold, dry weather
- Ilang partikular na gamot, kabilang ang psoralen, interferon, at lithium
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMga dapat gawin kung apektado ng sebohheic dermatitis
Makakatulong ang pagsunod sa skincare routine para bumuti ang iyong kalagayan. Payo ng mga eksperto na gawin ang mga sumusunod:
- Hugasan ang apektadong parte ng katawan gamit ang gentle na cleanser na mayroong zinc (2% zinc pyrithione) at punasan ng malinis na tuwalya
- Magpahid ng moisturizer
- Sikapin na maalagaan ang sarili laban sa stress
- Matulog ng may sapat na oras at mahimbing
- Uminom ng maraming tubig
Sabi pa ng mga eksperto, mahalaga na mawala ang panunuyo at pagkakaroon ng kalislis dulot ng seborrheic dermatitis. Susunod daw na maibsan ang pangangati, pamamaga, at pamumula ng balat.
Kung hindi bumuti ang iyong kalagayan at lumala pa, payo ng mga eksperto na komunsulta sa dermatologist. Kadalasang magrereseta ng topical antifungal cream o di kaya medicated shampoo para sa mild case. Para sa severe case ng seborrheic dermatitis, malamang na kailanganin ang topical corticosteroid o di kaya calcineurin inhibitor.
Para sa ibang sakit sa balat, basahin dito para sa mabisang gamot sa buni at dito para sa kung ano ang gamot sa an an.
Ganitong Skin Type Ang Kadalasang Apektado Ng Seborrheic Dermatitis
Source: Progress Pinas
0 Comments