-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
May nakilala ka na bang nakagat ng garapata o naranasan mo na ito? Ano ang itsura ng kagat ng garapata sa tao? Anong panganib ba itong dala sa iyong kalusugan? Anong sakit sa balat ang puwedeng dalhin nito?
Ang mga garapata ay arthropods na sumisipsip ng dugo. Nabibilang ang mga ito sa arachnids tulad ng mga gagamba. Mayroong mahigit sa 800 ang species ng mga garapata sa buong mundo. Karaniwang kulay itim at brown ang mga ito. Isa sa mga ito ang asian longhorned tick.
Bisitahin ang slideshow mula sa Mayo Clinic upang mas makilala mo ang mga garapata.
Hindi ba sa aso lang ang garapata?
Nakatira ang mga garapata sa damuhan, sa ating mga bakuran, at sa mga puno. Madalas silang matatagpuan sa ating mga alagang hayop, lalo na sa mga aso. Marahil, maraming hindi nakaaalam na puwede palang lumipat sa tao ang mga garapata. Dahil maliliit, madalas ay hindi mo namamalayang may gumagapang na pala sa iyong balat.
Madalas, wala namang panganib na dala ang mga kagat ng garapata sa tao maliban sa allergic reactions. Ngunit dapat ding malamang ilan sa mga uri nito ay nakapagdadala ng malubhang mga karamdaman sa parehong mga hayop at tao.
Kapag dumikit na ang garapata sa balat, asahang nasa mga bahagi ito ng kilikili, singit, o kaya sa anit. Nakikita rin ang mga ito sa likod ng tenga, likod ng tuhod, at sa buhok.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSa sandaling makahanap na sila ng mainam na puwesto, saka na sila kumakagat at sumisipsip ng dugo. Habang mas marami silang nasisipsip na dugo, mas lalong lumalaki ang mga ito.
Sa laway ng garapata naroon ang mga bacteria at kapag nalipat na ito sa iyong katawan, saka ka na makararamdam ng mga sintomas.
Itsura ng kagat ng garapata sa tao
Alam mo ba kung ano ang itsura ng kagat ng garapata sa tao? Madali lang itong matukoy dahil dumidikit talaga ang garapata sa balat. Malalaman mo ring kagat ng garapata ito kapag mayroong bull’s eye pattern sa balat. Mayroon itong dalawang bilog at kapansin-pansing mas pula ang nasa gitna at mayroong pamamaga.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKapag lone star tick ang nakakagat sa iyo, makararanas ka ng pamamantal sa loob ng pitong araw matapos kang makagat nito. Lumalaki hanggang sa tatlong pulgada ang pantal at nagkakaroon ng pamamaga. Makararanas ka rin ng fatigue, sakit ng ulo, lagnat, at muscle pains.
Ilan sa mga karamdamang naidudulot ng mga kagat ng garapata sa tao ang sumusunod:
- Lyme disease
- Rocky Mountain spotted fever
- Colorado tick fever
- tularemia
- ehrlichiosis
- Southern Tick-Associated Rash Illness (STARI)
Ayon sa mga eksperto, nagkakaroon ng Lyme disease kapag inaabot ng tatlumpu’t anim na oras ang pagsipsip ng garapata ng dugo.
Ang lone star ticks ang nagdadala ng bacteria na Ehrlichiosisia chaffeensis at E. ewingii (na parehong sanhi ng ehrlichiosis sa tao), tularemia (isang rare infectious disease na kilala rin sa pangalan na rabbit fever), at STARI (Southern Tick-Associated Rash Illness).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSa bacterial disease na Rocky Mountain spotted fever (RMSF), pulang mga pantal ang makikitang dikit-dikit sa iyong binti, sa bukong-bukong at sa bahagi ng ating pulso o wrists
Proteksyon laban sa garapata
Bakit mahalagang malaman ang itsura ng kagat ng garapata sa tao? Bukod sa mga lamok, isa ang mga garapata sa pangunahing carrier ng vector-borne diseases sa mga tao. Ang toxins, secretions, at iba pang organismong nasa laway ng garapata at nalilipat sa tao o alagang hayop ang sanhi ng karamdaman.
Mula 2014 hanggang 2018, mahigit sa 200,000 na mga kaso ng tick-borne diseases ang naiulat sa U.S. Ayon kay Dr. Gregory Poland, direktor ng Mayo Clinic Vaccine Research Group, “You can protect your dog in the U.S. against Lyme disease, but you can’t protect you or your children with a vaccine.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaano mapoprotektahan ang sarili mula sa mga kagat ng garapata? Tandaang higit na mainam ang prevention kaysa sa cure o gamot. Mas mabuting hindi ka na dapuan ng anomang sakit tulad ng mga nabanggit sa itaas.
Makatutulong ang sumusunod na mga hakbang:
- Iwasang maglakad o manatili sa mga madamong lugar o sa may matataas na mga talahib. Sakaling pupunta sa ganitong mga lugar, dapat na magsuot ng mga damit na natatakpan ang buong katawan.
- Panatilihing malinis ang iyong bakuran. Nasa mga tambak ng mga dahon din kasi kung minsan ang mga garapata.
- Gumamit ng insect repellent na may 20% o higit pang DEET, picaridin, o IR3535 sa iyong balat
- Panatilihing malinis ang katawan. Maligo araw-araw at ugaliing maghugas ng kamay.
- Ingatan din ang mga alagang aso at siguruhing wala silang mga garapata.
Tandaang mahalagang alam mo ang itsura ng kagat ng garapata sa tao upang agad itong mabigyan ng wastong lunas. Sakaling makagat ka o ang iyong anak ng garapata, agad na kumunsulta sa inyong doktor.
Karaniwang harmless ang tick bite at kailangan ay tanggalin ang garapata sa balat. Pero kung nakakaramdam na ng matinding sakit ng ulo, hirap sa paghinga, heart palpitations o paralysis, kailangan mo na ng emergency care.
Sources: CDC, Mayo Clinic
Tignan Ang Itsura Ng Kagat Ng Garapata Sa Tao: May Ilan Na Nagdadala Ng Bacteria
Source: Progress Pinas
0 Comments