-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
May pagkakataong napaparami at napapabilis ang pag kain ng bata, lalo na kung paborito niya ang ulam. Ang resulta tuloy, naiimpatso siya at hindi natunawan. Pero ibang usapan na kapag napapadalas itong mangyari.
Anong ibig sabihin ng hindi natunawan?
Sinasabi ng mga Pinoy na hindi natunawan kapag nakakaranas ng indigestion, na tinatawag ding dyspepsia. Ayon sa mga eksperto sa Nemours Children’s Health, nangyayari ang indigestion kapag kumain nang masyadong marami at mabilis, o di kaya ng pag kain ng hindi kasundo ng tiyan.
Dahil diyan, nagkakaroon ng pananakit sa itaas ng bahagi ng tiyan. Puwedeng may kasama itong iba pang mga sintomas, gaya ng:
- Pagkabundat ng tiyan
- Pagkirot ng tiyan ng parang sinisilaban
- Pagsinok ng madalas
- Pakiramdam ng pagduduwal (nausea)
Karaniwang “minor condition” ang indigestion, sabi ng mga eksperto, at inaasahang lumilipas pagkaraan ng ilang oras. Pero obserbahan ang bata kung nakakaramdam din siya ng pag-init sa dibdib na parang nasabuyan ito ng asido. Baka kasi umakyat na ang stomach acid pabalik sa esophagus, na nagsisilbing tubo sa pagitan ng lalamunan at tiyan.
Tinatawag na heartburn ang pag-init ng dibdib, pero wala itong kinalaman sa puso. May hatid din itong paninikip ng lalamunan at hirap sa paghinga. Sintomas ang heartburn ng esophageal o acid reflux. Kung meron nito ang anak mo, malamang magreklamo siya sa mapakla at maasim na panlasa sa kanyang bibig.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBagamat may over-the-counter medication para sa indigestion, heartburn, at acid reflux, bilin ng mga eksperto na komunsulta muna sa doktor bago bigyan ng gamot ang anak. Baka kasi ang nakikita mong adverstisement ng gamot ay angkop lang sa adults, at hindi sa bata.
Mga puwedeng gawin para sa batang hindi natunawan
May mga paraan para matulungan mo ang anak kung hindi lang simpleng indigestion na dulot ng overeating ang nararanasan niya. Ito ang sabi ng mga eksperto ng MyHealth resource center ng Alberta province sa Canada.
Itama ang diet at eating habits ng bata
Makakatulong ang pagbawas, kung di man lubusang maiwasan, ng pagbibigay sa anak ng mga pagkain na mataba, mamantika, at maanghang. Ibig sabihin, hinay-hinay lang sa fast-food items at junk food, pati na ang chocolate, softdrinks, at anumang may caffeine at peppermint.
Limitahan din ang mga pagkain at inuming maaasim, kahit na mainam sa katawan ang mga prutas na citrus. Himukin ang anak na kumain ng gulay, lalo ng salad gawa sa green leafy vegetables at pipino. Subukan ding painumin siya ng salabat o ginger tea, basta haluan mo ng honey para may konting tamis. Makakatulong ang luya at pipino na labanan ang stomach acid at pakalmahin ang tiyan.
Sanayin din na pakainin ang anak ng paunti-unti pero mas madalas (small frequent meals), imbes na three heavy meals kada araw. Huwag mo nang bigyan ng midnight snack para hindi siya mahirapang matulog. Kailangan niyang maghintay ng dalawa hanggang tatlong oras pagkatapos kumain bago siya huminga.
Iwasang pasuotin ng masikip na damit ang bata
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMas luluwag ang pakiramdam ng anak mo kung hindi masikip ang kanyang damit, lalo na sa bandang baywang.
Huwag bigyan ang bata ng anti-inflammatory medicines
Ang mga gamot, gaya ng ibuprofen, ay posibleng makairita ng tiyan ng bata, ayon pa sa mga eksperto. Mas paboran ang pain reliever, tulad ng acetaminophen, na hindi nakakasira ng tiyan. Iwasan ding bigyan ng dalawa o higit pang gamot ang bata, puwera na lang kung iyon ang sinabi ng doktor. Posibleng magreseta din ng antacid, at dapat sundin mo ang instructions.
Sikapin na regular ang pagdumi ng bata
Kadalasang kasabay ng indigestion ang constipation, o hirap sa pagdumi. Maiiwasan ito kung regular ang bowel movements ng bata. Makakatulong diyan ang pagbibigay o sa bata ng tamang dami ng tubig at iba pang inumin. Idagdag mo pa ang pagkaing mayaman sa fiber, tulad ng gulay, prutas, at oats.
Bawasan ang stress na nararamdaman ng bata
Maaaring may kinalaman ang stress kaya madalas na hindi natunawan ang bata. Kaya hikayatin ang anak na mag-relax, at mas mainam kung sabay kayo. Ito na rin ang magiging bonding activity ninyong mag-anak. Magugulat ka sa positibong epekto ng simpleng kuwentuhan, paglalaro, o di kaya paggawa ng household chores.
Basahin dito para sa iba pang uri ng sakit sa tiyan.
5 Puwedeng Gawin Kung Madalas Ang Indigestion Ng Bata
Source: Progress Pinas
0 Comments