Janella Salvador Says Motherhood Doesn’t Stop Her To Do Anything: ‘I Still Act And Sing’

  • Hindi nabawasan ang pagiging aktres at singer ni Janella Salvador matapos siyang manganak.

    Ito ang ipinahiwatig ng 23-year-old Kapamilya star sa vlog ni Erich Gonzales na lumabas noong August 8.

    Sa nasabing YouTube content, habang kumakain, nagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa buhay ni Janella ngayong isa na siyang ganap na ina.

    PHOTO BY YouTube/Erich Gonzales

    Dito na naghayag si Janella ng saloobin ukol sa mga “nanghihinayang” dahil napaaga ang kanyang pagiging nanay.

    Saad ng Kapamilya star, “Well, for sure, it’s obvious naman na when people in our line of work get pregnant, lalo na at my age, ang daming different opinions and, like, judgments.

    “Ngayon, I’m sure mas open na din yung mga tao kasi ang dami ko din namang mga messages na congratulating me and ang dami ding mga positive messages.”

    Dagdag pa ni Janella, nanganak lang siya at walang nabawas sa kanyang kakayahang umarte at kumanta.

    “Pero of course, hindi mawawala yung notion na parang, ‘ay sayang,’ parang ganun.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Maraming ganun na parang, ‘sayang, sayang, sayang.’

    “But honestly, I’m out to prove that nanganak lang naman ako, e, di ba?

    “Like, I’m still Janella. I just gave birth, but I still can do what I can do.

    “Yung mga nagagawa ko dati, nagagawa ko pa rin naman.”

    Giit pa niya, “I can still act, I can still sing. All I have to do is lose more weight.

    “Basically, I just want to prove not just to others but also to myself na kayang-kaya.

    “Motherhood doesn’t stop someone from achieving their dreams.”

    Ipinanganak ni Janella ang anak nila ni Markus Paterson noong October 2020 sa United Kingdom.

    Siyam na buwan na ngayon ang panganay nilang si Baby Jude.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Janella Salvador Says Motherhood Doesn’t Stop Her To Do Anything: ‘I Still Act And Sing’
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments