-
Alam mo bang umaabot sa halos 2 billion users ang aktibong gumagamit ng video platform na YouTube buwan-buwan? Sa katunayan, ayon sa mga huling lumabas na datos, pumapangalawa ang YouTube bilang pinaka popular na social media platform ngayon.
Lalo pa ngang tumaas ang bilang nang pumutok ang COVID-19 pandemic. Marami na ring nagsulputang trabaho na may kinalaman sa content creation at video production dahil sa pagsikat ng YouTube.
Para mas maintindihan mo kung paano kumita sa YouTube, inimbitahan ng SmartParenting.com.ph sa isang eksklusibong Sweldoserye interview si John Lemuel Jumawid, isang dad at YouTube strategist at content creator.
Ayon sa kanya, maraming misconceptions pagdating sa pagtatrabaho bilang YouTuber o content creator. Isa na riyan ang pag-aakalang simpleng paga-upload lang ito ng mga videos.
“Sa clients ko, I always tell them to have their audience in mind,” sabi niya. “If you know who you want to speak to mas magre-resonate ‘yung video mo.”
Hindi lang din daw paga-upload ng video o pagiging vlogger ang pwedeng paraan para kumita ka ng pera sa YouTube.
Panoorin ang kabuuan ng video para malaman kung anu-ano pa ang mga techniques para mapagkakitaan mo ang hilig mo sa panonood at paggawa ng mga videos:
Kumikita ka ba sa pamamagitan ng YouTube o mayroon ka pang ibang wais na paraan para kumita ng malaki? I-share mo ‘yan sa comment section o ipadala ang iyong kwentong sweldo sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Paano Kumita Ng Hanggang P200,000 Sa YouTube Ayon Sa Isang Strategist
Source: Progress Pinas
0 Comments