-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bawal magkasakit, ika nga nila, lalo na sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic. Pero bago mag-panic, mainam na subukan muna, halimbawa, ang gamot sa makating lalamunan at dry cough home remedy. May iba-ibang dahilan kasi kung bakit sumasama ang pakiramdam.
Mga posibleng dahilan ng makating lalamunan at dry cough
Karaniwang inuugnay sa makating lalamunan ang sore throat, strep throat, at tonsillitis. Taliwas sa akala ng karamihan, hindi sila iisang kondisyon lamang bagkus tatlong magkakaibang sakit. Kung sore throat, namamaga ang lalamunan. Pero kapag tonsils ang namaga, tonsillitis na ito at, sa patuloy na pamamaga, maaaring tumuloy sa strep throat.
Kadasalang kasunod ng makating lalamunan ang pag-ubo, lalo na kung may plema sa lalamunan at tinatawag na productive cough. Pero puwede ring nonproductive o dry cough dahil wala itong kasamang phlegm o mucus.
Sa ganyang karamdaman, ang una mong iisipin ay magkakasipon ka. Ang sipon o common cold ay isang uri ng infection na dulot ng napakaraming uri ng virus. Ang pinaka-common sa mga ito ay ang rhinovirus. Naaapektuhan ng sipon ang upper respiratory tract, na binubuo ng ilong at lalamunan.
Iisipin mo rin na baka tuluyan kang magkatrangkaso o flu. Tinatawag rin itong influenza, na isang respiratory illness na sanhi ng flu virus. Lubhang nakakahawa ang sakit na ito at mabilis kumalat. Pero kapag naagapan, madali itong nagagamot ng anti-flu medicine.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBukod sa viral o bacterial infection, ayon sa mga eksperto ng University of Michigan Health (UMH) puwede ring kumati ang lalamunan at magkaroon ng dry cough dahil sa mga sumusunod:
- Cigarette smoke
- Environmental irritants
- Allergies
- Postnasal drip
- Asthma
- Acid reflux
- Bronchitis
Gamot sa makating lalamunan at dry cough home remedy
Sa simula pa lang ng sintomas, bigyan ito ng atensyon at huwag balewalain nang hindi na lumala. May ilang paraan bilang gamot sa makating lalamunan bago pa humantong sa dry cough.
Magmumog ng tubig na may asin
Maglagay lang ng 1/4 hanggang 1/2 teaspoon ng asin (sea salt o di kaya table salt), sa isang baso na may 8 ounces na maligamgam na tubig. Ito ang ipangmumog nang ilang beses hanggang maubos ang isang basong tubig. Tinatawag din itong salt water gargle.
Ang tubig na may asin ay may kakayahang tanggalin ang excess fluid sa inflamed tissues sa lalamunan at bawasan ang pagkirot dito, paliwanag ng mga eksperto. Pinaluluwag din daw ng pagmumumog ang plema upang matanggal ang irritants, gaya ng allergens, bacteria, at fungi, na nasa lalamunan. Sila kasi ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sipon at sore throat.
Uminom ng honey
Ang isang kutsarita ng honey ay katumbas ng maraming sustansya at gamot. Sabi ng mga eksperto, maaaring nagmumula ang medicinal effect na benepisyo ng honey sa taglay nitong antibacterial, anti-inflammatory, apoptotic, at antioxidant properties.
Ngumata ng luya
Kabilang sa mga hatid na benepisyo ng luya sa katawan ang maraming anti-inflammatory antioxidants, tulad ng gingerols, shogaols, at zingerones. Ang gingerol, halimbawa, ay nakakatanggal ng kirot (analgesic), nakakapangkalma (sedative), at nakakapanglaban sa bacteria (antibacterial). Dahil sa gingerol, nakakatulong ang luya sa paggamot ng ubo, sipon, trangkaso, at makating lalamunan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosUminom ng salabat
Kung hindi gamay ang lasa ng hilaw na luya, subukang hiwain ito sa maliit na piraso at saka ilagay sa kumulong tubig para maging salabat. Lagyan mo lang ng katas ng kalamansi o di kaya lemon para sa dagdag na vitamin C. Puwede mo rin itong haluan ng honey para may konting tamis at dagdag pa ring sustansya.
Uminom ng tsaa
Bukod sa salabat, mainam din ang iba pang tsaa para lumuwag ang pakiramdam sa may lalamunan. Kabilang diyan ang herbal tea na peppermint, chamomile, at kahit simpleng black tea.
Uminom ng apple cider vinegar
Sapat na ang isang kutsarita ng apple cider vinegar (ACV), pero kung hindi mo magustuhan ang lasa, puwede mo itong ihalo sa maligamgam na tubig bago inumin.
Produkto ang ACV ng mga mansanas na dinurog at dumaan sa proseso ng distillation at fermentation. Ang mataas na antas na taglay nitong acetic acid at ilan pang compounds ang nagbibigay ng benepisyo sa katawan, gaya ng improved health, detoxification, at weight loss.
Humigop ng mainit na sabaw
Makakatulong din ang mainit na sabaw para guminhawa ang pakiramdam ng lalamunan, pati na ang buong katawan. Kilala ang chicken soup na mabisang panlaban sa sakit, pero subok rin ang masabaw na lutong Pinoy tulad ng tinola at sinigang.
Gumamit ng air purifier o humidifier sa kuwarto
Maaaring makakatulong ang air purifier o di kaya humidifier para hindi matuyo ang lalamunan. Baka kasi dry air ang dahilan ng pangangati ng lalamunan mo at pag-ubo na rin.
Over-the-counter medicines
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPosibleng malaking tulong din ang hatid ng lozenges para maibsan ang pangangati ng lalamunan at ang cough drops para sa pag-ubo.
Magpahinga nang husto
Habang nagpapahinga, iwasan din ang pagsigaw at pagsasalita nang mapahinga rin ang lalamunan.
Tandaan lang na kung hindi umubra ang gamot sa makating lalamunan at dry cough home remedy, mas makakabuti kung komunsulta ka na sa doktor. Baka kasi hindi na lang simpleng karamdaman iyan at kinakailangan na pala ng mas masusing gamutan.
10 Home Remedies Para Sa Makating Lalamunan At Dry Cough
Source: Progress Pinas
0 Comments