Healthy Baby Girl Ang Nabuo Mula Sa Embryo 27 Years Nang Frozen

  • Mula sa embryo na 27 years nang frozen, nagkaroon muli ng anak ang mag-asawa sa U.S. state ng Tennessee. Pinangalanan nila Ben at Tina Gibson ang kanilang baby girl na Molly. Isinilang si Molly noong October 2020.

    Iyan na ang pinaniniwalaang pinakamatagal na frozen embryo na nagresulta sa live birth, ayon sa ulat ng The New York Times nitong December 3.

    Sinira nito ang record ng isa pang embryo na 25 years nang frozen noong 2017. Ang embryo na ito ang panganay na anak ng mag-asawang Gibson. Si Emma, ang ate ni Molly bale, ay 3 years old na ngayon.

    Mula sa donated embryos ang parehong anak nina Ben, 36, at Tina, 29 — hindi sa kanila galing ang sperm at egg. Ang embryos na nag-resulta kay Emma at Molly ay donated sa National Embryo Donation Center (NEDC), isang Christian at clinic-based organization nakabase sa Knoxville, Tennessee.

    Nakakatanggap ng donasyon ang NEDC galing sa mga mag-asawang sumailalim ng in vitro fertilization (IVF) at nakabuo na ng pamilya. Ngunit mayroon pa silang hindi nagagamit na embryo, o “early developing fertilized egg.” Ito ang napunta sa mga Gibsons.

    Base sa records ng NEDC, galing sa isang couple ang parehong embryos nang i-donate ito noong 1992. Samakatuwid, biological sisters sina Emma at Molly. Lumipas nga lang ang maraming taon — 25 kay Emma at 27 years kay Molly— bago sila tanggalin sa frozen state.

    Noong 1992, 2 years old pa lamang ang kanilang mommy Tina! Ngayong 2020, isa na siyang elementary schoolteacher. Kuwento niya sa news report na nagdesisyon sila ni Ben na gumamit ng donated embryos pagkatapos makita ang isang ulat tungkol dito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sumubok na silang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng adoption. Pero hindi matuloy-tuloy ang proseso sa loob ng limang taon na inasikaso nila ito. 

    Nag-alangan silang sumailalim sa IVF dahil si Ben ay may cystic fibrosis, isang inherited disorder na nakasisira ng lungs, digestive system, at iba pang organs. Carrier naman daw si Tina. Kaya natatakot silang maipasa ang sakit sa mga magiging anak nila.

    Sa NEDC, nalaman nila Ben at Tina ang mga impormasyon tungkol sa embryo donor parents, tulad ng age, physical characteristics, educational at medical backgrounds, pati na hobbies. Pero hindi nila alam ang edad ng mga embryo noong una.

    Inamin ni Tina na ninerbyos siya sa simula. Napawi lang ang kanyang alinlangan nang paliwanagan siya ni Dr. Jeffrey Keenan, ang director ng NEDC. Sabi daw ng doktor sa kanya, walang kinalaman ang edad ng embryo sa kalusugan ni baby.

    Totoo nga, dahil naging smooth ang pareho niyang pagbubuntis, una kay Emma at sumunod kay Molly. Lumabas at lumaki ring malusog ang mga bata. Kaya ngayon daw, pinagtatawanan na lang nilang mag-asawa ang edad ng mga embryo na napunta sa kanila.

    Lahad ng mom of two, “We always joke that Emma is an old soul. She does something and I’ll say, ‘That’s the ’90s baby coming out in you.’”

    Dagdag pa niya, “We feel so blessed that God so long ago decided this was going to be our family. I can’t imagine having any other kids but these kids. They’re just meant to be ours.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments