-
Nitong simula ng August 2021, dumaan sa mga pagsubok ang pamilya ni Nadine Samonte na may kinalaman sa kanilang kalusugan (basahin dito).
Kaya hindi napigilan ng aktres na maging emotional nang sabihin niya sa isang Instagram post ang tungkol sa eye surgery ng panganay nila ng asawang si Richard Chua na si Heather Sloane. Dagdag pa riyan ang angiogram naman ni Richard at ang delikado niyang third pregnancy.
Sa mga sumunod na post ni Nadine, ikinuwento niya ang problema sa mata ni Heather, na 5 years old sa darating na August 27. Aniya, may alternating exotropia ang bata sa parehong mga mata at kailangang maoperahan.
Ang exotropia ay isang eye misalignment, ayon sa American Association for Pediatric Ophthalmology & Strabismus (AAPOS). Kabaligtaran daw ito ng pagkaduling (crossed eyes).
Puwede raw gumaling ang exotropia sa non-surgical treatment, tulad ng pagsusuot ng salamin at patch therapy. Pero kung mas madalas daw na saliwa kesa diretso ang mga mata, nirerekomenda ng mga doktor ang surgery ng eye muscles.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa ni Nadine sa kanyang post, kailangang maitama ang eye misalignment ni Heather “habang bata pa because it’s becoming worst” at saka “naaapektuhan na ang activities” ng anak. Naging “so strong” daw si Heather habang inooperahan at “so proud” siya sa batang nasa “stage of recovering right now.”
Sa sumunod na post ni Nadine, nagkuwento pa siya tungkol sa kondisyon ni Heather, na may nakakabatang kapatid na si Austin Titus. Hindi pa raw makakasama si Heather sa online preschool classes nito dahil “still recovering from her surgery,” at kailangan pang maghintay sa susunod na linggo.
Dagdag pa ni Nadine sa kanyang panganay, “She is so excited na talaga. She is so strong and brave. Ang bilis din ng recovery n’ya.”
Binanggit niya ang pangalan ng doktor ni Heather, na si Dr. Barbara Roque, dahil may mga nagtatanong raw. Lahad niya sa doktor, “She is so galing and very gentle and she will explain everything. My daughter loves her so much because ‘The Best’ daw, hehe.”
Sabi rin ni Nadine na “shocked” siyang malaman na maraming kaparehong kaso si Heather mula sa mga maraming mensahe na kanyang natatanggap. Kaya nagbahagi pa siya ng saloobin tungkol sa pinagdaanan ng anak.
Pag-amin niya, “Early this year iniisip ko talaga if itutuloy namin ‘yung operation kasi I’m really scared kasi mata ‘yan, eh. Pero since last year pa s’ya nagpa-patch, gumagrabe na talaga ung eyes n’ya. Nakakaawa and affected na ‘yung activities n’ya.”
Nagdasal daw siya nang ganito: “Lord, bahala Ka na po. I know hindi Mo pababayaan si Heather.” Dadalhin na kasi ang bata sa operating room (OR).
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKuwento pa niya, “Bago ako pumasok sa OR with my daughter, I really prayed hard for our doctors and all the people there. With the help of a very good doctor and guidance ni Lord, everything will fall into the right place.”
Naging matagumpay ang operasyon, at hindi maubos ang pasasalamat ni Nadine. Ika nga niya, “Just trust in Him with all what you have talaga. Thank you again to everyone who prayed for my family.”
Samantala, sabi pa ni Nadine, naging maayos din ang naging resulta ng angiogram test ni Richard. Anim na taon na kasi ang nakaraan nang unang sumalang si Richard sa X-ray procedure para sa puso. Marami raw kasi blockages kaya nilagyan siya ng stents sa pamamagitan ng angioplasty.
Lahad pa niya, “Kaya ‘yung stress level ko was very high kasi I was thinking na baka malagyan ulit s’ya or my makita na naman na hindi namin magustuhan (pero s’yempre ando’n pa din ako sa positive side na wala ‘yun , hindi kami pababayaan).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW“And thank God, everything was clear daw, even his stents before was very nice. Nakakaiyak.” Pinasalamatan ni Nadine ang doktor ng kanyang asawa, at sabay sabing, “God is really good to us talaga.”
‘Alternating Exotropia’ Ang Dahilan Ng Eye Surgery Ng Panganay Ni Nadine Samonte
Source: Progress Pinas
0 Comments