Tandaan: Walang Pinipiling Gender Ang Sexually Transmitted Infection

  • Ang reproductive system ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi sa loob at labas ng katawan. Syempre, magkaiba ang mga bahaging ito sa mga babae at lalaki.

    Female reproductive system

    • vagina – ang tubo o canal na nagkokonekta sa vulva at cervix
    • uterus (womb o matris) – dito nai-implant ang fertilized egg cell at nabubuo ang fetus (ang cervix ang ibabang bahagi ng uterus)
    • fallopian tube – ang nagdadala ng egg cell galing sa ovaries papunta sa uterus
    • ovaries – dito nabubuo ang mga egg cell

    Male reproductive system

    • penis – ang primary reproductive organ ng mga lalaki; nasa loob nito ang urethra na dinadaanan ng ihi at sperm
    • testicles o testes – dito nanggagaling ang sperm at sex hormones ng mga lalaki
    • epididymis – maliliit na tubo na nakakabit sa testicles, kung saan naiipon at dumadaan ang sperm papunta sa vas deferens
    • vas deferens – mas malaking tubo kaysa sa epididymis, na nagkokonekta naman sa urethra
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Tandaan na ang mga body parts na nabanggit sa itaas ay may kanya-kanya ring bahagi.

    Procreation ang primary function ng reproductive system. Ang mga lalaki ang nagbibigay ng sperm o semilya na nagfe-fertilize sa egg cell. Ang mga babae naman ang nagpo-produce ng egg cell at nagdadala ng fetus hanggang sa maipanganak na ang baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa kasamaang palad, maraming klase ng sakit ang nakakaapekto sa reproductive system na pwedeng makaapekto sa kakayahan ng mga babae o lalaki na makapag-reproduce. Dagdag dito, kahit na walang balak ang babae o lalaki na magka-anak, marami pa ring masamang epekto ang reproductive diseases sa katawan na pwede namang maka-apekto sa quality of life.

    Kasama sa mga senyales ng reproductive disease sa mga babae ang vaginal itching at vaginal discharge na hindi maganda ang amoy. Sa mga lalaki naman, pwede silang makaranas ng erectile dysfunction. Minsan ay nahihirapan din silang umihi; pwede ring magkaroon ng kakaibang discharge galing sa kanilang ari.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Iba-ibang sintomas ng mga sakit sa reproductive system

    Bukod sa mga nabanggit na sintomas sa itaas, marami pang sintomas ang mga sakit sa reproductive system. Halimbawa, kung sexually transmitted infection o STI ang pag-uusapan, pwedeng maranasan ng mga babae at lalaki ang mga sumusunod pangkaraniwang sintomas

    • hindi normal na discharge mula sa ari o sa puwet
    • masakit na pag-ihi na pwedeng may kasamang dugo
    • masakit na pagdumi
    • mga bukol sa ari o malapit sa ari
    • rashes, sugat, o singaw (sores) sa genital area
    • pananakit ng ari habang nagse-sex
    • pangangati ng ari

    Dapat tandaan na ang mga nabanggit na sintomas sa itaas ay hindi lang mga sintomas ng mga STI. Pwede ring senyales ito ng iba pang sakit sa reproductive system katulad ng cancer.

    Isa pa, depende sa klase ng reproductive disease, pwede ring makaranas ng iba pang sintomas na malayo sa genital area. Halimbawa dito ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sa mga babaeng may PCOS o polycystic ovarian syndrome naman, isang kilalang sintomas ang irregular menstruation. (Hindi nangangahulugan na hindi magkakaroon ng PCOS ang may regular na regla batay sa karanasan ng isang staff namin.) Hirap din mabuntis ang mga babaeng may PCOS at madalas ay nakakaranas sila ng excessive weight gain.

    Panghuli, isang malaking concern din ang infertility o pagkabaog pagdating sa reproductive health. May mga sakit na nakaka-contribute dito (katulad ng PCOS), pero bukod dito ay wala talagang external symptoms ang infertility. Malalaman mo na lang ito kapag nagpa-check up ka na at ang iyong partner.

    Magandang bantayan mabuti ang reproductive health para mapansin agad kung merong mga sintomas. Oras na magkaroon nito, magpakonsulta agad sa doktor para masigurado kung meron ka ngang reproductive disease o disorder at magamot ito agad.

    Mas importante pa lalo ang magpakonsulta at magpagamot kung may plano kang magka-anak. Kung meron kang sexual partner, mahalaga rin na mabantayan ang iyong reproductive health para hindi kayo magkasakit.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mga pwedeng gamot sa mga reproductive disorders

    Sa tulong ng modern medicine, maraming nang gamot ang pwedeng gamitin para masolusyunan ang reproductive diseases o disorders. Nangunguna na rito ang mga antibiotic at antiviral drugs, na madalas ginagamit para sa mga STI at iba pang mga sakit na dulot ng bacteria at virus.

    Para naman sa infertility, pwedeng gumamit ng hormone therapy. Para sa mga lalaki, merong mga gamot na nagsi-stimulate ng semen production. Para sa mga babae naman, isang solusyon ang intrauterine insemination or sa tulong ng iba pang assisted reproductive technology.

    Meron ding mga reproductive disease na pwedeng magamot sa pamamagitan ng surgery. Kasama na rito ang ilang uri ng cancer, PCOS, at myoma. Pwede ring daanin sa operasyon ang ilang infertility issues katulad ng sperm blockage, endometrial polyps, at pelvic adhesions.

    Para sa mga reproductive disease na may kasamang pananakit, pwedeng magbigay ang doktor ng mga pain reliever. Depende sa sakit kung gaano katapang na pain reliever ang irereseta.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mga sanhi at risk factor ng reproductive disease

    Katulad ng ibang mga uri ng sakit, maraming pwedeng maging sanhi ang reproductive diseases o disorders. Halimbawa dito ang mga sumusunod:

    • bacteria, fungi, at virus
    • sexual intercourse sa taong may infection
    • congenital abnormalities
    • genetic abnormalities
    • mga chemical tulad ng styrene, toluene, at BPA na nagdudulot ng endocrine problems

    Meron ding mga risk factor na nagpapataas ng panganib na magkaroon ng reproductive disease o disorder ang isang tao. Kasama na rito ang mga sumusunod:

    • edad
    • pagiging obese
    • lahi (may mga lahi katulad ng mga North American at European na mas mataas ang risk na magkaroon ng ilang uri ng cancer)
    • late na pagme-menopause sa mga babae (lagpas sa 51 years old)
    • pagkakaroon ng higit sa isang sexual partner
    • hindi pagpa-practice ng safe sex
    • paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak, na pwedeng makaapekto sa fertility
    • trabaho kung saan exposed ka sa mga chemical na nagdudulot ng endocrine problems
    • history ng pagkakaroon ng reproductive diseases sa pamilya
    • pag-inom ng ilang gamot na nakakaapekto sa fertility
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Importante ring tandaan na hindi “exempted” ang mga bata sa mga reproductive disease dahil pwede silang mahawa nito, lalo na ang mga STI. Ilan sa mga sitwasyon kung saan pwedeng magkaroon ng STI ang mga baby ay ang mga sumusunod:

    • Kung merong STI gaya ng tulo habang nagbubuntis si mommy 
    • Kung merong infection sa birth canal ang babae habang ipinanganganak ang bata.

    Paano iwasan ang mga sakit sa reproductive system

    May mga sakit sa reproductive system na madali lang maiwasan. Narito ang ilang tips:

    • Maghugas ng kamay bago hawakan ang genital area.
    • Huwag kalimutang linisin ang genital area at siguraduhing tuyo na ito bago magsuot ng underwear para hindi pamahayan ng bacteria.
    • Huwag mag-share ng mga personal na gamit, katulad ng underwear.
    • Paggamit ng condom.
    • Pagiging loyal sa iyong sexual partner.
    • Huwag magpigil ng ihi.

    Makakatulong din ang mga sumusunod para maiwasan ang infertility:

    • Mag-exercise at i-maintain ang tamang timbang.
    • Iwasan o itigil ang paninigarilyo.
    • Kumain ng masusustansyang pagkain.
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Para sa mga babae, may mga research na nagsasabing nakakatulong sa pag-iwas sa ilang uri ng cancer ang pag-inom ng birth control pills. Sa mga nursing moms naman, makakatulong sa pagpapababa ng risk ng cancer ang mas matagal na pagpapa-breastfeed.

    Iba-ibang uri ng sakit sa reproductive system sa babae

    Dahil magkaiba ang structure ng reproductive system ng mga babae at lalaki, magakaiba rin ang mga sakit na pwede nilang makuha. Narito ang ilan sa babae. 

    PCOS

    Nangyayari ang PCOS kapag mas maraming pino-produce na male hormones ang ovaries ng isang babae. Dahil dito, pwedeng tubuan ng mga cyst ang ovaries.

    Depende sa sitwasyon, may mga babaeng may PCOS na nakakaranas ng malalang kaso ng acne. Meron namang tinutubuan ng mas makapal na buhok sa mukha, dibdib, at binti, o kaya ay nagkakaroon ng dark brown o black patches sa balat. Nakakaapekto rin sa fertility ang PCOS.

    Endometriosis

    Ang endometriosis ay sakit na umaapketo sa uterus o matris, kung saan ang tissue o lining na dapat ay sa loob ng uterus tumutubo ay napupunta sa ibang bahagi katulad ng ovaries o kaya ay sa pantog (bladder).

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Dahil dito, lumalakas ang menstrual flow at sumasakit ang tiyan, likod, at puson ng pasyente. Meron ding mga kaso ng endometriosis na walang kahit anong sintomas at nalalaman na lang dahil nagpa-check up na ang babae dahil nahihirapang magbuntis.

    Uterine fibroids

    Mas madalas mangyari ang sakit na ito sa mga babaeng nasa childbearing age. Kapag meron kang uterine fibroids, ibig sabihin ay tinubuan ng noncancerous tumor ang uterus.

    Hindi pa alam ang tunay na sanhi ng uterine fibroids, pero pwede namang matanggal ang tumor sa pamamagitan ng operasyon.

    Interstitial cystitis

    Ang interstitial cystitis o IC ay isang sakit sa pantog o bladder, kung saan namamaga o naiirita ang bladder walls. Madalas na sintomas nito ang masakit na pag-ihi at madalas na pag-ihi. Pwede rin makaramdam na parang may nakadagan sa puson o tiyan.

    Gynecologic cancer

    Maraming uri ng cancer sa reproductive system ng mga babae, depende kung saang bahagi ng reproductive system nabuo ang cancer.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    • Cervical cancer
    • Uterine cancer
    • Ovarian cancer (Pwedeng isa lang o parehong ovary ang magkaroon ng cancer)
    • Vaginal cancer
    • Vulvar cancer (Ang vulva ay ang labas na bahagi ng genitalia ng mga babae)

    Kadalasan, dulot ng HPV o human papilloma virus ang mga gynecologic cancer. Mabuti na lang at meron nang HPV vaccine.

    Iba-ibang uri ng sakit sa reproductive system sa lalaki

    Narito naman ang mga posibleng reproductive diseases sa lalaki.

    Erectile dysfunction

    Isa itong sexual disorder kung saan nahihirapan ang mga lalaki na i-maintain ang kanilang erection. Hindi ito malalang sakit, pero pwede itong makaapekto sa fertility at self-confidence.

    Impeksyon sa epidydymis at testes. Madalas ay na nagkakaroon ng impeksyon ang epididymis dahil sa kumalat na impeksyon galing sa urethra.

    Cryptorchidism

    Ang cryptorchidism ay ang kondisyon kung saan hindi “bumaba” ang testes papunta sa scrotal sac bago ipanganak ang mga sanggol na lalaki. Pwede naman itong ma-correct sa pamamagitan ng surgery. Kung hindi maagapan, nakakaapekto ito sa fertility. Pwede ring tumaas ang risk ng testicular cancer.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Prostate enlargement

    Kapag namaga ang prostate gland, pwede nitong maharangan ang bladder o pantog na nagre-resulta sa pagkaipon ng ihi. Kapag nangyari ito, tumataas ang risk ng impeksyon.

    Cancer

    Gaya sa kababaihan, marami ring uri ng cancer na pwedeng tumama sa reproductive organs ng mga lalaki. Kasama na rito ang penile cancer, testicular cancer, at prostate cancer.

    Iba-ibang uri ng sexually transmitted infections sa lalaki at babae

    Meron ding mga sakit na pareho lang nakukuha ng mga babae at lalaki gaya ng sexually transmitted infections. Halos lahat ng uri ng STI ay pwedeng makaapekto sa mga babae at lalaki. Ilan sa mga halimbawa ang mga sumusunod:

    Chlamydia

    Ito ang isa sa mga pinaka-karaniwang uri ng STI. Dulot ito ng bacteria na tinatawag na Chlamydia trachomatis. Pinakamadalas kapitan ng chlamydia ang cervix sa mga babae at ang mismong ari ng mga lalaki. Pwede ring magkaroon ng chlamydia sa puwet at lalamunan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Gonorrhea

    Sa Pilipinas, mas kilala sa tawag na “tulo” ang gonorrhea. Katulad ng chlamydia, bacteria ang sanhi ng tulo. Mas madalas na maapektuhan ng sakit na ito ang mga lalaki, lalo na sa kanilang urethra, puwet, at lalamunan. Sa mga babae naman, pwedeng makaapekto ang bacteria sa cervix.

    Herpes

    Ang sakit na ito ay dulot ng herpes simplex virus (HSV) at nakakaapekto sa ari. Dagdag pa dyan, pwede ring manatili sa katawan ang virus at maging paulit-ulit ang sakit. Ang pangkaraniwang sintomas ng herpes ay ang pananakit, pangangati, o pagsusugat ng ari, mapababae o lalaki man ang pasyente.

    HIV at AIDS

    Isang klase ng immune deficiency ang HIV. Kapag lumubha na ito ng tuluyan, tinatawag na itong AIDS. Sa sakit na ito, humihina at tuluyang nasisira ang immune system ng pasyente. Kung kaya naman, mas prone sila sa pagkakaroon ng mga sakit at impeksyon na pwede nilang ikamatay.

    Maliban sa mga STIs, puwede rin magkaroon ng sumusunod ang babae at lalalki.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pubic lice

    Ang pubic lice ay pangkaraniwang crab lice o kuto. Kaya lang, sa halip na sa buhok sa ulo sila kumapit, pumpupunta sila sa mga buhok sa paligid ng ari.

    Nagdudulot ang pubic lice ng pangangati na pwedeng mauwi sa pagsusugat kung madalas kamutin ang apektadong bahagi.

    UTI

    Ang urinary tract infection o UTI ay isang uri ng impeksyon dulot ng bacteria. Naapektuhan nito ang  bladder, kidneys, ureters, at urethra. Mas madalas magkaroon ng UTI ang mga babae.

    Dagdag pa rito, kahit na hindi nakamamatay ang UTI, pwede itong lumala nang husto kapag hindi naagapan at kumalat sa ibang bahagi ng katawan.

    Sources:

    Mayo Clinic, Centers for Disease Control and Prevention, Cancer.net, Microbe Notes, Center for Reproductive Health, Better Health Channel, Healthline

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments