-
Inaasahan ang makinis na balat ng sanggol, kaya hindi maiiwasan ng magulang na mabahala kapag may nagsulputang mga butlig sa mukha ng kanyang anak. Ano nga ba ang mga ito at paano sila magagamot?
Milia ang medical term para sa mga butlig sa mukha
Tinatawag na milia ang mga tila puting tuldok na kadalasang tumutubo sa bandang ilong, baba, at pisngi. Mga sanggol ang karaniwang nagkakaroon ng milia, partikular ang neonatal milia, pero puwede ring makaapekto sa kahit anong edad.
Hindi mapipigilan ang pagtubo ng milia, ayon sa Mayo Clinic. Sumusulpot din daw ang mga ito sa ibang bahagi ng katawan, tulad ng dibdib at likuran. Minsan pa nga raw pati sa gilagid (gums) at ngalangala (roof of the mouth) ni baby ay nagkakaroon ng butlig. Pero Epstein pearls na ang medical term para sa ang mga ito.
Mula sa milia, posible raw mabuo naman ang tigyawat sa sanggol (baby acne). Mapupula naman ang mga ito na kilala bilang bumps at pustules na tumutubo sa mga pisngi, baba, at noo. Maaari rin daw magkaroon ng ganyang kondisyon si baby kahit wala siyang milia.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNabubuo ang milia, ayon naman sa Cleveland Clinic, kapag ang dead skin cells ay nakulong sa ilalim ng balat (skin’s surface) at naging maliliit pero matitigas na butlig. Madaling tubuan ng butlig ang mga sanggol dahil nagsisimula pa lang matuto ang kanilang balat na kusang matanggal ang dead skin cells. Tinatawag ang ganitong proseso bilang exfoliation.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAnong dapat gawin kung may butlig sa mukha?
Nagkakasundo ang mga eksperto sa pagsasabing hindi maiiwasan ang pagtubo ng milia at wala ring garantisadong gamot para dito. Kaya mainam daw na huwag na lang pansinin at iwasan na galawin hanggang kusa silang mawala sa loob ng ilang linggo o buwan.
Pero kung pagkaraan ng tatlong buwan at hindi pa rin nawawala ang butlig sa mukha ni baby, payo ng mga eksperto na komunsulta na sa doktor. Baka hindi na lang ito simpleng problema sa balat bagkus may mas malalim na dahilan.
Para pababain ang tyansa na tubuan si baby ng milia, may tips si Dr. Melissa Piliang ng Cleveland Clinic para sa mga magulang:
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPanatiliing malinis ang mukha ni baby
Gamit ang maligamgam na tubig, linisan ang mukha ng anak araw-araw. Gumamit rin ng baby soap kung oily ang kanyang balat, lalo na sa bandang ilong.
Ingatan ang balat ni baby
Kapag patutuyuin na ang anak galing sa paglilinis ng mukha at katawan, banayad na dampian lang ang kanyang balat gamit ang tuwalya at huwag kuskusin.
Iwasan ang chemicals para sa balat ni baby
Huwag magpahid ng lotion kay baby na may halong salicylic acid o iba pang exfoliating agents na ginawa lamang para sa adults. Hindi pa kakayanin ng delicate skin ni baby ang ganyang chemicals kahit pa sa butlig sa mukha.
Butlig sa mukha ng mga bata at matanda
Bukod sa neonatal milia na umaatake sa mga sanggol, sabi ng mga eksperto, may ilan pang mga uri ng butlig na apektado ang kids at adults.
Juvenile milia
Masasabing namamana o inherited ang ganitong klase ng butlig. Minsan pagkapanganak pa lang ay tumutubo na ito at saka sumusulpot muli pagkaraan ng ilang taon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPrimary milia
Ang mga butlig na tumutubo sa talukap ng mata (eyelid), noo, pisngi, at maging sa genitals ng bata o matanda ay kadalasang primary milia. Walang kinalaman dito ang pagbababad sa araw at kusang nawawala na lang sa loob ng ilang buwan.
Secondary milia
Kadalasang nag-uugat ang secondary o traumatic milia mula sa pinsalang natamo ng balat galing sa sunog, paltos, rashes, at matinding sikat ng araw. Kapag naghihilom na ang balat at saka sumusulpot ang mga butlig. Isa pang dahilan ang paggamit ng heavy skin cream o ointment.
Milia en plaque
Madalas na mga kababaihan na may edad 40 pataas ang apektado ng milia en plaque, na isang hindi pagkaraniwang kondisyon. Grupo-grupo ang pagsulpot ng butlig sa likod ng mga tainga o di kaya sa mga talukap ng mata at bandang pisngi at panga.
Multiple eruptive milia
Isa pang pambihirang uri ng butlig ang multiple eruptive milia. Grupo-grupo rin sila kung magsulputan sa mukha, braso, at tiyan. Makati pa sila kung minsan at tumatagal ng ilang linggo o buwan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi ng mga eksperto, kusang gumagaling ang milia. Pero puwedeng gumamit ang adults ng over-the-counter treatment para mapabilis ang exfoliation at matanggal ang dead skin cells, lalo na kung nako-conscious sa butlig sa mukha.
0 Comments