‘Nanay Ka, Kahit Ano Pang Delivery Procedure Ang Pinagdaanan Mo’

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Hindi ako normal.

    Three weeks ago, inilabas ko ang isang healthy baby boy. Palagi akong tinatanong kung normal delivery ba o CS. Kapag sinagot ko na CS, nadi-disappoint sila at parang malaking kasalanan sa mundo na hindi ako normal.

    Proud si mommy sa moment na ipinanganak niya ang kanyang baby. Kaya naman panawagan niya, iwasan ang pag-discriminate sa mga nanay na na-CS.
    PHOTO BY courtesy of Jessica Rose Tinio
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Dapat kasi nag-exercise ka. Dapat kasi uminom ka ng maraming tubig. Dapat kasi kumain ka ng gulay noong buntis ka pa lang.”

    Kapag ganyan na ang tirada sakin, hindi ko na nire-replyan. Kakapanganak ko lang at mahirap i-explain na lahat ng sinasabi nila, ginawa ko noong buntis ako.

    Pero bakit ako na-emergency CS?

    Weeks prior to delivery, lahat naman normal. Sa 39th-week routine check-up ko, healthy heartbeat, sapat ang tubig sa amniotic sac, pero term ko na. May inabot ang OB ko sa akin na papel. For induction na ako. Admission slip.

    Sa lahat ng manganganak, ako ‘yung nabigyan pa ng privilege na maligo, kumain, bumili ng gamot sa tindahan, um-attend ng meeting, at maglagay ng BB Cream. Oha!

    Saka ako dumiretso sa ospital para i-admit. Chill lang. Kinabitan ng kung anu-anong aparato sa tiyan para ma-monitor ang heartbeat ng baby at paghilab ng tiyan. Simula na raw ang labor.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sinimulan na akong i-induce kinaumagahan. May ininject sa pwerta ko para lumambot, may ininom akong gamot, may inilagay rin sa dextrose ko. Lahat ng pwedeng pampahilab at pampalambot ng pwerta, ibinigay sa akin.

    Pero ako? Wala akong naramdaman. Hindi masakit. Dalawang buntis na naglalabor ang idinaan sa labor room. Pareho silang nagsisisigaw at nagdadasal sa sakit dahil sa labor.

    Pero ako? Wala.

    Kung mayroon man, tolerable para sa akin. Hindi ako umaabot sa puntong sisigaw o hihiyaw. Hindi rin maya’t-maya. Siguro, isang beses sa isang oras lang, despite all the medicines na itinurok at ipinainom sa akin.

    Ang sabi sa aparato na nakadikit sa tiyan ko, every two minutes, strong contractions. Pero, hindi talaga ako maka-relate sa ano mang ganda ng hilab na sinasabi ng mga nurses na nakikita nila.

    Hindi masakit. Gusto kong masaktan. Gusto kong sumigaw. Gusto ko maranasan ‘yung labor na sinasabi nilang nakakatakot.

    Kaso, kahit gaano kalakas ang contractions na naire-record nila, hindi ako nasasaktan. Mind you, nakakapag-chat at video call pa ako habang strong na raw ang contractions ko.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    At the end of the day, sumuko rin ang mga doctor at nurse. Ramdam ko na rin ang pagod ng katawan ko sa dami ng mga gamot na inilagay nila. Simula umpisa hanggang dulo, 1cm lang ang nasusukat nila na bukas sa pwerta ko at imposibleng makapagpalabas ka ng bata sa 1cm.

    Tinanong ko ang OB ko kung bakit wala akong maramdaman, sabi niya mataas daw ang pain tolerance ko, hindi normal kumpara sa ibang tao. Kaya napagdesisyunan na namin mag-emergency CS. Ipinahinga the whole night ang katawan ko at biniyak ako kinaumagahan.

    Bago ako biyakin, sinabi ko sa OB ko na may isa akong pag-aalala. Paano kung hindi tumalab sa akin ang anesthesia? Hinawakan niya lang ang kamay ko ng mahigpit at para bang sinasabi niya na siya na ang bahala sa akin. Pumikit ako. Naramdaman ko na tinurukan ang spinal cord ko.

    Nararamdaman ko na may kumakalikot sa tiyan ko pero hindi masakit. Parang may dumudutdot na maraming kamay.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Gising ako hanggang sa mailabas nila ang anak ko. Agad nilang ipinatong sa dibdib ko para masimulan ang skin-to-skin contact at maipalatch agad sa akin ang bata na makakapagstimulate ng milk production. Inilalabas na niya agad ang dila niya at hinahanap ang utong ko. Magaling siyang sumupsop.

    Pinapupurihan siya ng mga nurses dahil very good latch daw siya. At ako? Para akong stage mother sa tuwa dahil magaling sumupsop ang anak ko. Daldal ako nang daldal. Paulit-ulit na “Ang galing naman ng anak ko.”

    Sinita ako ng doctor ko. Hindi naman ako aware na usually pala, kapag naiturok na ang anesthesia, tulog na ang pasyente. Ako? Nakalabas na ang anak ko at lahat-lahat, gising pa rin ako at nagdadadaldal. Pinilit nila akong matulog after ng initial skin to skin contact. ‘Yun daw kasi ang normal.

    Karamihan naman siguro sa mga buntis, normal delivery ang gusto. Maliban sa mas mura ito, mas mabilis daw ang recovery kumpara sa CS. Agree naman ako. Kahit na sa ikalawang araw ko sa ospital ay nakakalakad na ako. Sa unang linggo ay nakalaboy na kami ng anak ko. Sa ikalawa ay nakapag out-of-town na kami. Iba naman kasi ang case ko.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pero sana, matapos na ang diskriminasyon sa mga nanay na nagdeliver via CS. Hindi raw kasi naranasan ang pagiging ina kung hindi normal delivery.

    Para sakin, nanay ka pa rin, normal, CS, o emergency CS ka man.

    Nanay ka pa rin dahil willing kang magkaron ng mga pagbabago sa katawan mo sa loob ng siyam na buwan para sa pinapalaki mong baby sa tiyan mo.

    Nanay ka pa rin kapag willing kang mapuyat at gumising oras-oras mapadede at mapalitan mo lang ng diaper ang anak mo.

    Nanay ka pa rin kung willing kang magkanda sugat-sugat ang utong mo, maipalatch mo lang ng maayos ang anak mo kung breastfed siya.

    Nanay ka kung willing kang bumalik agad sa trabaho may maipambili lang ng gatas ng anak mo kung formula fed siya.

    Nanay ka, kahit ano pa ang delivery procedure na pinagdaanan mo.

    Nanay ka kapag mas mahal mo ang batang ngayon mo lang nakit at nakilala pero lahat ng pwede mo isakripisyo, isasakripisyo mo, under hardcore labor or under the knife. Nanay ka.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Naramdaman mo rin ba na ‘disappointed’ sa iyo ang mga tao dahil CS ka? I-share ang iyong experience sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakwentuhan ang mga kapwa mo CS moms.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments