5 Senyales Na Dapat Ipatingin Ang Nagmumutang Mata Ni Baby, Ayon Sa Doktor

  • Para sa mga magulang, lalo na kung first-time mom, ang daming bagong nadidiskubre tungkol sa anak. Kung may mga nakakatuwa, meron din namang nakakabahala. Isa na diyan ang kung bakit nagmumuta ang mata ng baby nang may kadalasan.

    Ilang mommies sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph ang may halos parehong karanasan at mga katanungan. Sabi ng isa sa kanila: “My Baby Alex has eye discharge in her right eye. Parang nagmumuta siya.”

    Sabi ng isa pang miyembro, “Naku, ‘yung baby boy ko grabe discharge sa eyes niya ngayon. Naaawa na nga ako kasi nasasaktan siya pag bagong gising.”

    May pag-aalala namang kwento ng isang mommy, “My baby is 2 weeks old pa lang. Pansin ko po ‘yung right eye ni baby nagmumuta, pero ‘yung sa left naman wala. Hindi naman namumula.”

    Mga posibleng dahilan kung bakit nagmumuta ang mata ng baby

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Claire Chan Lim, isang pediatrician, sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph. Aniya, depende sa klase ng eye discharge at kalagayan ng mata ng sanggol ang magsasabi kung ano ang sanhi ng pagmumuta at paano ito magagamot.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Blocked nasolacrimal duct

    Ang malapot na lumalabas sa mata (sticky eye discharge) ay pangkaraniwang nangyayari sa mga sanggol, ayon kay Dr. Lim. Kapag daw ang puting parte ng mata, o ang tinatawag na sclera, ay malinaw naman at walang pamumula, malamang mayroon lamang pagbabara sa mata.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang medical term para sa ganyang pagbabara ay blocked nasolacrimal duct. Madalas daw nagkakaroon ng pagbabara sa isang mata lamang, pero puwede ring madamay ang isa pang mata.

    Hindi na raw kailangan ng medical treatment para sa blocked nasocrimal duct dahil kusa itong gumagaling. Pero makakatulong ang warm compress at gentle massage na maibibigay kay baby. Gawin lang daw ito sa “inner portion of the eyes just above the nosebridge” para lumabas ang luha.

    Neonatal conjunctivitis o ophthalmia neonatorum

    Kapag ang eye discharge ay “crusty, yellowish, or prulent” at apektado ang parehong mga mata, baka may mas malalim ng dahilan sa pagmumuta ng sanggol. Lalo na raw kung nagsimula itong mangyari sa unang buwan ng kanyang kapanganakan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sa tingin ni Dr. Lim, maaaring nagtamo ng infection si baby habang lumalabas sa birth canal ni mommy at nagkaroon ng contact. Posible lang raw iyan kung ang nanay ay mayroong sexually transmitted disease, tulad ng chlamydia o di kaya gonorrhea.

    Hindi raw dapat balewalain ang ganitong klaseng magmumuta ni baby para hindi humantong sa “conjunctival scarring leading to permanent visual impairment.”

    Ang kadalasang treatment daw dito ay ang malimit na paglilinis ng eye discharge ni baby gamit ang bulak at ang pagpapahid ng antibacterial eye creams, gaya ng erythromycin, na nireseta ng doktor.

    Mga senyales na dapat ipatingin ang magmumuta sa mata ng baby

    Sabi ni Dr. Lim, may rason kung bakit dapat mag-alala ang magulang kung ang kanilang sanggol ay mayroon nito sa mata:

    • Redness
    • Eye discharge
    • Excessive tearing of the eyes
    • If the baby cannot open his or her eye
    • The affected area is tender to touch and the skin around the eye is red
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mahalaga raw na maipatingin na si baby sa kanyang doktor. Samantala, narito ang puwede munang gawin ng magulang bilang pag-aalaga sa anak:

    • Punasan ang eye discharge gamit ang sterile cottonball o di kaya ang bulak na sinawsaw sa maligamgam na tubig.
    • Painitin ang mga daliri bago imasahe si baby sa parteng gitna ng mga mata at itaas ng nose bridge. Makakatulong ang init mula sa mga daliri na paluwagin ang pagbabara sa mga mata at tuluyang dumaloy ang mga luha.
    • Siguraduhin na hindi nalalagyan ng bula mula sa sabon ang mga mata ni baby habang pinapaliguan siya.
    • Gumamit lamang ng antibiotic eye ointments, tulad ng erythromycin, kung nireseta na ng doktor upang magamot kung bakit nagmumuta ang mata ni baby.
    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments