#SPConfessions: ‘Hindi Totoo Ang Mother’s Day’ Sabi Ng Partner Ko Sa Mga Anak Namin

  • Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

    I hope you can help me out.

    My partner and I have been together for 8 years. We have 2 kids and I have been a stay-at-home for the past 6 years.

    My partner is not a believer of any occasions maliban sa mga birthdays. He is not a catholic and he is not active sa religion na kinabibilangan niya.

    On the other hand, I am an active Catholic. He celebrates Christmas because he knows that our kids love the holidays. Pero kung siya lang, he won’t celebrate.

    He is the type of person who prays and has his personal relationship with God, but he is not religious.

    He will always say na hindi totoo ‘yang mga Valentine’s Day, Father’s Day, Mother’s Day at kung anu-ano pa. Gawa-gawa lang daw ng tao.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa niya, dapat daw ay araw-araw mong ipinaparamdam na importante ang isang tao sa iyo—kahit sa maliit at simpleng paraan. Point taken.

    Ang ikinakasama ng loob ko, we have two little girls. Excited sila sa Mother’s Day. Sabi pa ng mga bata, gagamitin nila ang naipon nilang pera para ibili ako ng cake.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sinagot sila ng asawa ko na hindi totoo ang Mother’s Day. Na ‘yung mga pinausong celebrations na ganyan ay hindi maka-Diyos.

    Nasabi ko naman na sa mga anak na hindi naniniwala ang daddy nila sa mga okasyong tulad ng Mother’s Day. Pero syempre, bata ang mga iyan. Hindi nila masyadong maintindihan kung bakit hindi naniniwala ang daddy nila.

    I was offended. Sobra. Nagalit ako habang kumakain kami at tinanong ko siya kung ano bang problema niya. “It’s a harmless celebration that is part of the Filipino culture,” sabi ko sa kanya.

    Sabi lang niya, basahin ko raw sa Bible.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Gusto ko siyang sigawan ng malakas pero hindi ko magawa kasi nandoon ang mga bata. Dinuro ko ang ulo niya habang hindi nakatingin ang mga bata at sinabi ko sa kanywang lawakan niya ang utak niya.

    My partner is a very good provider. He helps me in household chores, too. Shares tasks talaga kami kapag andito siya.

    He is a good father, too, especially kapag wala siya abroad for work. He is actually the spoiler. Kapag nasa abroad siya, he calls every day. He is loyal and faithful.

    But is that enough? Okay lang ba na hindi niya maparamdam sakin na thankful siya that I stopped working kasi mas importante ang mga anak ko?

    Okay lang ba na there are times that he makes me feel small kasi minsan sasabihin niya na wala akong pera kaya hindi ko siya iiwan. Minsan kasi, nagbibiruan kami na kapag nagloko siya, iiwan ko siya. Sasagutin naman niya ako na hindi ko ‘yun magagawa dahil wala akong trabaho at wala akong pera.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Okay lang ba na once in a blue moon ko lang marinig ang pasasalamat sa kanya para sa mga ginagawa ko para sa aming pamilya?

    Okay lang ba na babatiin niya ako sa Mother’s Day nang pili kasi non-believer siya? Okay lang ba na never ko an ulit ma-experience ‘yung maging special kapag Valentine’s Day? Okay lang ba na I feel unappreciated kasi he’s a good provider naman?

    Okay lang ba na hindi ko ma-experience ‘yung marriage because unfortunately he is also a non-believer?

    Alam niyo ba kung ano ang masakit? My daughters ask me kung kailan kami magpapakasal ng daddy nila. “I want you and dad to get married,” my eldest would say.

    Wala akong maisagot. Kahit siya, kapag tinatanong siya ng mga anak niya, he just shrugs it off. Kung makikita niyo lang anak ko, how she reacts when we tell her we’re not sure or we’ll see.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    To be honest, dati malambing ako sa kanya. Kinalaunan, nababawasan na ‘yun kasi hindi reciprocated. Ganon talaga siya—insensitive.

    Tinatanggap ko na, unti-unti. Pero ‘yung basic courtesy like thank you and all, I make sure na hindi nawawala sa akin iyon. We do say we love each other, especially kapag wala siya dito sa Pilipinas at during video calls, pero sa personal. hindi kami nagsasabihan unless may kailangan ako sa kanya o may kasalanan siya sa akin.

    I feel like our relationship is basically because of the kids. Parang kung walang batang involved, baka naghiwalay na kami kahit hindi kami nag-aaway.

    It’s just that our beliefs, culture, and some values are so different from each other. It’s like we are drifting apart without us knowing.

    If you’re going to ask me kung mahal ko siya, my answer is yes. But love kasi is not enough to sustain the relationship. Hindi ba?

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments