-
Iba-iba man ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa pamilyang Pilipino, hindi maikakaila na marami sa atin ang nawalan ng trabaho.
Kabilang sa mga nawalan ng pagkakakitaan ang Cebu-based tattoo artist at mom-of-five na si Ann Savage.
Kinailangan nilang isara ang kanilang tattoo shop dahil na rin sa mga restrictions na dala ng pandemya.
“Sinasabi na ng husband ko na hindi naman ito forever, pero sabi ko, hanggang kailan?” Mauubos na raw kasi ang perang naipon nila.
“Sinabi ko sa sarili ko na hindi pwedeng ganito, kasi may mga anak ako,” kwento niya sa amin sa isang Smart Parenting Exclusive interview para sa Sweldoserye.
Sa kabila ng naranasan niyang anxiety attacks at kawalan ng motibasyong gumalaw, pinilit ng pamilya ni Ann na humanap ng paraan para magkaroon sila ng pagkakakitaan.
Panoorin ang Episode 2 ng Smart Parenting Sweldoserye series para malaman kung paano sila nakabangon. Ngayon ay kumikita na sila ng hanggang Php500,000 buwan-buwan.
Kayo, paano naapektuhan ng pandemic ang inyong kabuhayan? I-share ang inyong pagbangon sa comment section.
Mapapanood ang iba pang mga inspiring stories ng mga magulang sa aming YouTube channel. Pwede niyo ring ipadala ang kwentong sweldo ninyo sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended Videos
WATCH: Kumikita Ng P500,000 Kada Buwan Si Mommy Sa Tattoo, Halaman, At Pre-loved Items
Source: Progress Pinas
0 Comments