Diskarte Ni Patricia Javier Sa Pagdidisiplina: ‘Give Them Tasks’

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Hindi mapigilan ni Patricia Javier, 46, na ikumpara ang panahon noong bata siya at ngayong may dalawang anak na sila ng asawang si Robert “Rob” Walcher, isang American chiropractor sa Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic. Ang panganay nilang si Robert ay 14 years old at ang bunsong si Ryan, 9 years old naman.

    Kuwento ng actress at mompreneur, “Minsan kakain na, tatawagin pa, ’Yung bahay kasi namin kailangan sumigaw ka. Nando’n kasi sila sa taas. So, naka-tatlong tawag ka na, di ba, di pa bumababa. Kasi nga di nila maiwanan ang ginagawa nila, naglalaro sila. May mga kalaro sila.”

    “Di tulad ng time natin,” sabi pa niya sa panayam niya sa SmartParenting.com.ph, “hindi na kailangang sumigaw ang parents natin. Tumingin lang ng ganyan, alam mo na. Pag hindi okay ang kilos mo, lagot ka.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Patricia, “Sa panahon ngayon, hindi na s’ya applicable. Iba ang mga bata ngayon. Ang napansin ko sa mga bata ngayon, kailangan gawin mo silang kaibigan. Puro encouragement. Ang approach daw ngayon, parang huwag mo raw silang pinapagalitan.”

    Nagbigay pa siya ng halimbawa ng sasabihin sa anak: “Okay ang ginawa mo, pero mas puwede mo pang galingan.”

    May isa pa siyang diskarte ng pagdidisiplina: “Huwag kaagad ibigay sa kanila ang gusto nila, na madali na parang hindi nila pinaghirapan. Give them tasks. Sinasabihan ko sila, ‘While I’m working, you also work here in the house.’ Para makuha nila ang gusto nila. Ma-realize nila they worked for it.”

    Pag dating naman sa gadget use at screen time, sabi ni Patricia sinisikap niyang makilala ang mga kalaro ng mga anak sa online games. Minsan daw nagsasabi siya ng “Hi!” habang naglalaro ang mga bata.

    Aniya, “Ang mga anak ko, more on sa mga games. Ang mga friends nila ngayon, name-meet na lang nila sa games…Ang advantage ngayon, at least alam mo ang anak mo, nasa kuwarto lang. Pero ang parents dapat maging aware din kung sino ang mga ka-chat ng anak nila.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hilig din daw ng mga anak niyang gumawa ng cards, lalo na ang panganay na magaling magpinta, at magsulat. Kaya kadalasan daw, homemade cards ang nireregalo sa kanya ng mga bata kapag may okasyon.

    What other parents are reading

Diskarte Ni Patricia Javier Sa Pagdidisiplina: ‘Give Them Tasks’
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments