-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Inaasahan na ang pagsakit ng balakang ng buntis, pero maaaring may pangamba at pag-aalala ka pa rin lalo na kung unang beses mo itong pagdadalang-tao. Kaya malaking bagay ang pagkakaroon ng support group na naiintindihan ang pinagdadaanan ng buntis.
Sa Parent Chat community ng SmartParenting.com.ph, halimbawa, may firstimer na buntis ang nag-post noong kanyang ika-29 na linggo.
Aniya, “Ask ko lang bakit madalas na sumasakit balakang ko? Dahil ba sa biglaang pag galaw or dahil malaki ang baby sa loob ng tummy? May times kasi na talagang napapahinto ako maglakad.”
Bumuhos naman ang sagot ng ibang miyembro sa online community. Sabi ng isa sa kanila, “Ang pananakit ng balakang eh dahil sa paglaki ng tiyan mo, at mga ganyang months nararanasan talaga ‘yan. Minsan parang ngalay to the highest level ‘yung pananakit.”
Dagdag pa niya, “‘Yung paglalakad naman eh di masama. In fact, mas mabuti nga ‘yun as form of exercise…Huwag lang masyadong mabilis at baka naman madulas ka. Consult your ob-gyn also pag di na tolerable ‘yung sakit ng balakang mo. Mas alam nila ang pwedeng iba pang cause no’n.”
Bakit may pagsakit sa balakang ng buntis?
May paliwanag ang mga eksperto mula sa American Pregnancy Association (APA) tungkol sa pagkirot na nararamdaman mo. Bilang buntis, anila, nagpapakawala ang iyong katawan ng hormones na nagpapa-relax at nagpapalambot ng connective tissues.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAng nangyayari raw, lumuluwag ang joints at ligaments sa pagitan ng mga buto sa iyong balakang, partikular sa pelvis. Kailangan kasi na tumaas ang flexibility ng mga buto sa parteng iyon ng katawan para maging kumportable ang sanggol sa iyong sinapupunan at madali siyang makakilos kapag oras na ng panganganak.
Kapag lumuluwag ang joints at ligaments sa pelvis, sumasakit tuloy ang iyong balakang. Dagdag pa diyan ang pagbabago sa iyong posture at pagiging mabigat na iyong uterus.
Isa pa raw dahilan ng pagsakit ng balakang sa buntis ay ang pagtaas ng pressure sa sciatic nerve. Ang dalawang sciatic nerves sa iyong katawan ay tumatakbo mula sa lower back hanggang sa mga paa.
Sa patuloy na paglaki ng iyong uterus, tumataas naman ang pressure na ibinibigay nito sa sciatic nerves. Kaya nakakaramdam ka ng kirot, pamamanhid, at tingling sensation sa balakang, puwitan, at mga hita. Tinatawag ang kondisyon na ito bilang sciatica.
Paliwanag pa ng mga eksperto na habang papalapit ang iyong due date, nagbabago na ng posisyon si baby upang maghanda sa kanyang paglabas. Sa puntong ito, dapat daw nababawasan na ang pagsakit sa balakang ng buntis.
Kung tumitindi ang kirot, mainam daw na sabihin ang nararamdam sa iyong doktor. Baka kasi hindi na lang simpleng sciatica ang kondisyon mo.
Paano mababawasan ang pagsakit ng balakang sa buntis?
May mga suhestiyon ang Pelvic, Obstetric & Gynaecological Physiotherapy (POGP) ng United Kingdom. Makakatulong daw kung gagawin ang mga ganitong hakbang:
- Maging active hanggang kaya ng katawan
- Iwasan ang mga gawain na magpapalala ng sakit
- Humingi ng tulong sa gawaing bahay
- Maghanap ng kumportable posisyon sa pagtulog
- Huwag tumayo o umupo nang matagal
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMga subok na remedyo ng mommies
Sabi naman ng mommies sa Parent Chat, malaking remedyo sa pagsakit ng balakang ng buntis ang pagre-relax, pagsunod sa breathing exercises, at pagtanggap ng gentle massage.
Ika nga ng isa sa kanila, “Basta rest mode lang, take a deep breath then kung iba na talaga ang feeling niyo, better go to ob-gyn na nga then ask why. Much better kasi na ipaalam natin what we are going through para namo-monitor nila ‘yung galaw ni baby at tayo din.”
Sang-ayon ng isa pang mommy, “I agree makakatulong ‘yung breathing exercises kapag naninigas ‘yung tummy at balakang natin. Sabi ng Mama ko, makakatulong din daw ‘yung gentle massage natin sa atin mga tiyan at balakang. ‘Yung stroke ng paghimas is parang hawak natin si baby.”
Kapag Masakit Ang Balakang Ng Buntis, May Subok Na Remedyo Ang Mommies
Source: Progress Pinas
0 Comments