-
Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic at napirmi ang mga tao sa bahay, hindi kataka-taka ang pagdagdag ng timbang sa karamihan dahil panay ang food delivery pero wala namang exercise. Kaya hindi rin mapigilan ang pag-alala na baka maging diabetic at paano malalaman kung mataas ang sugar.
Pagtaas ng mga kaso ng diabetes sa panahon ng pandemya
Sang-ayon si Dr. Jeremy F. Robles, isang internist at endocrinologist, na malaki ang posibilidad na tumataas nga ang bilang ng mga kaso ng diabetes nang magsimula ang pandemya noong March 2020.
Nagbigay ng talk si Dr. Robles, ang immediate past president ng Philippine Society of Endocrinology, Diabetes and Metabolism (PSEDM), sa diabetes care media roundtable discussion na ginanap nitong May 28, 2021.
“The Choice to Live Free: Continuous Glucose Monitoring and Diabetes in the Time of COVID-19” ang titulo ng online event na inorganisa ng Abbott Philippines global healthcare company.
Kahit pre-pandemic ang datos na ibinahagi ni Dr. Robles sa kanyang talk, maliwanag na malaking banta ang obesity at diabetes sa kalusugan ng mga Pinoy. Katunayan, kabilang ang diabetes sa top comorbidity ng maraming COVID-19 patients.
Binanggit ni Dr. Robles ang study na nailathala sa Philippine Journal of Internal Medicine, kung saan lumabas na 63% ng mga tinamaan ng coronavirus na kanilang sinuri ay may comorbidity. Una sa listahan ang hypertension, ikalawa ang diabetes mellitus, at ikatlo ang chronic kidney disease.
Inisa-isa ng doktor ang mga dahilan kung bakit maaaring tumaas ang tyansa ng taong diabetic na mahawa ng COVID-19:
- Higher affinity cellular binding and efficient virus entry
- Decreased viral clearance
- Diminished T-cell function
- Increased susceptibility to hyperinflammation and cytokine storm syndrome
- Presence of cardiovascular disease
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaano malalaman kung mataas ang blood sugar
Bukod sa pagdagdag ng timbang, sabi ni Dr. Robles, malaking senyales ang madalas na pag-ihi (frequent urination) ng pagiging diabetic. Tradisyunal na paraan daw ang paghintay kung lalapit ang mga langgam sa ihi para malaman kung mataas ang blood sugar.
Pero, aniya, mas malaking indikasyon ang pagkakaroon ng dati nang elevated blood sugar. Ito ang minsang nagpa-medical test ka at lumabas na mataas ang iyong blood sugar, pero hindi mo itinama ang iyong lifestyle at hindi ka rin nagpatingin sa doktor.
Sabi nga ni Dr. Robles, “Pag pre-diabetic tayo, there’s a risk to proceed to diabetes.” Para makasiguro sa iyong kondisyon, komunsulta sa doktor nang mabigyan ka ng treatment at maturuan ka kung paano mag-monitor ng blood sugar.
Traditional blood sugar monitoring (finger pricking)
Sa loob ng mahabang panahon, lahad ni Dr. Robles, blood sugar monitoring o finger pricking ang kinikilalang “gold standard” upang malaman ang lagay ng blood sugar levels. Dito, gumagamit ng maliit na karayom pangtusok sa daliri o iba pang parte ng katawan ng pasyente upang makakuha ng kaunting dugo na siyang susuriin.
Bagamat subok na epektibo ang sistema ng finger pricking, ayon pa kay Dr. Robles, marami pa rin itong limitasyon. Pangunahin daw diyan ang pagsasabi ng lagay ng blood sugar sa mismong oras o araw na iyon lamang. Hindi raw nito kayang magbigay ng mas mahabang pagbasa ng blood sugar o di kaya trends.
New technology CGM
Sa kabilang banda, may bagong technology na higit pa ang nagagawa sa sistema ng finger pricking. Nagbigay ng paliwanag si Dr. Robles tungkol sa tinatawag na continuous glucose monitoring (CGM) at kilala rin bilang FreeStyle Libre.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSa CGM system, hindi na kailangan matusok ang daliri para makakuha ng dugo na susuriin sa capillary blood glucose. Ang kailangan kasi nito ay interstitial fluid upang mabantayan ang blood sugar levels sa loob ng 24 oras gamit ang scanner at reader na nagpapatakbo sa sistema.
Paliwanag pa ni Dr. Robles, malalaman kaagad ng pasyente ang epekto ng kung ano man ang kinain nito sa kanyang blood sugar. Ganyan din ang paraan para sa epekto naman ng exercise. “More convenient” at “easier to use” pa raw ito.
Lahad niya, “You will actually see the trends the whole day… You get a bigger picture.” Pero malaking tulong pa rin naman daw ang paggamit ng finger pricking, kaya sa tingin niya, “both of them will actually exist.”
Tulad ng traditional na finger pricking system, mabibili na rin ang new technology na CGM sa Pilipinas sa major drug stores. Bilin lang ni Dr. Robles na komunsulta muna sa iyong doktor upang maintindihan ito nang husto at magamit nang tama hindi lang paano malalaman kung mataas ang sugar.
Needle-Free, No Finger Prick Ang Bagong Paraan Para Malaman Ang Lagay Ng Blood Sugar!
Source: Progress Pinas
0 Comments