Mabubuntis Ka Ba Agad Kapag Tumigil Sa Birth Control Pills?

  • Mahalagang magbasa, kumunsulta sa doktor, at magtanong sa mga eksperto lalo na kung tungkol sa ating reproductive system. Popular na paksang kaugnay nito ang contraceptives.

    Isa ang hormonal birth control pills sa mabisang mga paraan upang maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Pero tandaan na hindi ito 100% guarantee na hindi ka mabubuntis.

    Sa isandaang gumagamit ng pills, siyam ang nabubuntis rin kada taon, ayon sa Planned Parenthood sa U.S. Mayroong mga pasyente na nabubuntis kahit uminom ng pills dahil nakaliligtaan nila ang kanilang schedule.

    Hindi lang sa pag-delay ng pregnancy ang pills. Nakatutulong ito sa pag-regulate ng menstrual cycle. Naiibsan din nito ang hormonal acne, dysmenorrhea, at heavy bleeding. Bahagi rin ito ng treatment plan para sa mga dumaranas ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at endometriosis. Basahin dito ang karanasan ng mga nagbahagi ng kanilang kuwento.

    Walang maituturing na “best pill.” Para sa mga doktor, individualized dapat at batay sa pangangailangan ng bawat babae ang kanilang ibinibigay sa mga pasyente. Kung mayroong mga babaeng nagsisimula pa lang, nariyan din ang mga nagpapasyang tumigil sa paggamit nito.

    Ano ang epekto ng paghinto sa paggamit ng pills?

    “Keep in mind that the pill is a type of hormonal medication,” paliwanag ni ob-gyn Salena Zanotti, MD ng Cleveland Clinic. “Every woman reacts differently to going on the pill and then coming off it. Some women may notice huge changes, while others notice little difference.”

    May iba nagsasabi na kapag nasa pill sila, nababawasan ang kanilang timbang pero meron din ang na weight gain ang nangyayari. Meron din ibang hair loss o nalalagas na buhok ang nagging issue o kaya naman madalas na pagkahilo at chronic fatigue

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Narito pa ang ilang epekto ng paghinto sa paggamit ng pills.

    Ovulation

    Sa loob lamang ng ilang araw pagkatapos mong ihinto ang pills, magsisimula kang mag-ovulate at tataas ang pagkakataong mabuntis agad.

    “If you are taking birth control pills, most patients will get pregnant as soon as they stop using it,” paliwanag ni Dr. Jennifer Co, isang ob-gyn at infectious disease specialist. “But it depends din sa individual using it. ‘Di pare-pareho.”

    PMS (Premenstrual Syndrome) symptoms

    Karamihan sa mga nireresetahan ng pills ay dahil sa PMS. Kung ititigil ito, asahang babalik din ang mga sintomas tulad ng mahapding puson o mas matinding cramps, acne, mood swings, at mas malakas na daloy ng dugo kapag darating na ang dalaw.

    Pagbabago sa interval ng period

    Kung regular ang dalaw noong may pills pa, magbabago ang schedule nito. Kapansin-pansin ding magiging mas malakas at matagal ang iyong period kumpara sa noong umiinom ka ng pills.

    Muling pagsigla ng sex drive o libido

    Ang pills ay sanhi rin ng vaginal dryness. Isa sa mga reklamo ng mga umiinom ng pills ang pagtamlay ng kanilang libido. Kapag itinigil na ang pag-inom ng pills, babalik at mas mapabubuti ang sex drive ng isang babae.

    Pagbalik ng suso sa orihinal na laki nito

    Dahil sa progesterone at estrogen components ng pills, lumalaki ang mga suso ng babae pero pansamantala lang naman. Posible ang pagliit ng mga suso sa oras na ihihinto ang pag-inom ng pills. Babalik ito sa orihinal nitong laki.

    Pagbagsak ng Vitamin D levels

    Kakailanganing kumonsulta sa doktor upang malaman ang mga alternatibong paraan upang maging sapat ang Vitamin D sa katawan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang pagsisimula at pagtigil sa paggamit ng alinmang hormone-based contraceptive ay mayroong impact sa reproductive system. Kung hihinto na sa paggamit ng pills, mawawala ang proteksyon laban sa unwanted pregnancy.

    Mayroong ibang alternatibong pamamaraang maaaring subukan. Track your cycle, payo rin ng mga eksperto. May ovulation calendar si SmartParenting.com.ph na magagamit  para dito.

    Kailangang magsaliksik nang mabuti at kumunsulta sa doktor kung mananatili kang sexually active ngunit wala pang planong magkaanak.

    Kung tumigil ka na sa paggamit ng pills at hindi pa ka pa dinadatnan makalipas ang tatlong buwan, mainam kung makapag-set ka na ng appointment sa iyong doktor. Responsibilidad natin ang ating kalusugan, na siya rin nating kayamanan.

    Basahin dito para sa karagdagang paliwanag tungkol sa naidudulot ng paggamit ng pill. Mababasa dito ang mga karanasan ng mga nanay sa paggamit ng birth control pills. Mayroon ding reviews sa iba’t ibang brands ng pills na available sa Pilipinas.

    What other parents are reading

Mabubuntis Ka Ba Agad Kapag Tumigil Sa Birth Control Pills?
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments