-
Madalas problema ng mga magulang kung paano pakainin ang mga anak nila. Dumarating kasi ang mga bata sa edad na wala silang ibang gustong gawin kundi maglaro o mag-explore.
Marami nang naisip na paraan ang mga magulang para hikayating kumain ang mga anak nila. Nariyang mag-bento box sila o ‘di naman kaya ay bumuo ng iba’t-ibang hugis at kulay gamit ang mga masusustansiyang prutas at gulay.
May mga nanay at tatay din na dinudurog na lang ang gulay para maisingit sa mga paboritong pagkain ng mga anak nila.
Effective ito sa iba, pero sa ilan, pahirapan pa rin ang pagpapakain sa mga bata. Kaya naman may mga magulang na kakaiba at kung anu-ano na ang sinusubukan.
Naalala niyo pa ba ang tatay na nagluto ng ‘pak-see-won‘? Sinabi niya sa anak niya na ang paksiw na niluto niya ay paboritong pagkain ng K-pop idol ng anak niya. Simula noon, easy na lang pakainin ang bata ng mga ganitong recipes.
‘Yan din ang technique na gumana sa isang nanay na nag-trending sa Twitter kamakailan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKwento niya, pinalitan lang niya ang pangalan ng niluto niya. Sa halip na sabihin sa anak niya na chicken parmesan ang iniluto niya, tinawag ito ni mommy na “spaghetti chicken nuggets with cheese”.
“The likelihood that my kids will eat it increases at least 5,000%,” sabi niya.
Patunay ang mga magulang na ito na minsan, wala sa ulam kundi nasa presentation ang likelihood na kakainin ng anak mo ang iniluto mo.
Nang mabasa ng mga nanay ang post tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng pagkain, nag-iwan din sila ng kanilang mga suggestions.
Halimbawa, pwede mong tawaging “egg pizza” ang omelet. Kung tamad uminom ng tubig ang anak mo, payo ng mga nanay, tawagin mo itong “ice popsicles”. Maglagay ka lang ng tubig sa baso na may dinurog na yelo. Bigyan mo ng kutsara ang anak mo ay hayaan mo siyang kainin ang “popsicle”.
May isang nanay din na nag-trending dahil ang ginawa naman niya para kumain ang anak niya ng gulay ay baguhin ang ‘branding’ ng gulay na binibili niya.
Dinidikitan lang niya ito ng mga stickers ng mga paboritong cartoon characters ng anak niya. Kwento niya, benta sa mga bata ang mga Frozen, Paw Patrol, at iba pang brands. Kaya naman naisip niyang idikit ang mga stickers nito sa mga gulay.
Ngayon, gustong-gusto na ng mga anak niya na kumakain ng “Winnie the Pooh spaghetti squash” at “Toy Story broccoli”.
Minsan, kapag magulang ka, marami kang kailangang gawin at techniques na isipin para lang maibigay mo ang mga dapat na nakakain at naiinom ng mga anak mo.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKung sakali mang hindi pa rin gumana ang techniques na ito, maaari mong basahin ang mga Smart Parenting articles na ito.
Mayroon ka bang kakaibang technique para pakainin ang anak mo? I-share mo na iyan sa comment section. Pwede ka ring sumali at magbahagi sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Ayaw Kumain Ng Toddler Mo? Nakakatawa (Pero Effective) Ang Parenting Hack Na Ito
Source: Progress Pinas
0 Comments