Walang Ebidensya Na Mataas Ang Risk Na Makunan Dahil Sa COVID-19 Vaccine: Study

  • Kung bago ka pa lang nabuntis, siguro nangangamba ka na makunan kapag tumanggap ng COVID-19 vaccine. Pero wala naman daw palang ebidensya na nagdudulot ng miscarriage ang pagpapabakuna sa first trimester.

    Ito ay ayon sa resulta ng bagong pag-aaral o study na ginawa sa Norway gamit ang COVID-19 vaccine mula sa Pfizer-BioNTech, Moderna o AstraZeneca. Nailathala ito kamakailan sa The New England Journal of Medicine (NEJM), kung saan may pagsusuri mula sa mga kapwa nila eksperto.

    Ang ginawa ng mga researcher, pinag-aralan nila ang mga nagpabakuna sa iba-ibang health registry sa Norway. Pagkatapos, ikinumpara nila ang mga iyon sa mga nakaranas ng miscarriage sa loob ng first trimester at saka doon sa mga nagpatuloy sa pagbubuntis.

    Lahad ng mga researcher sa kanilang sulat sa online edition ng medical journal: “Our study found no evidence of an increased risk for early pregnancy loss after COVID-19 vaccination and adds to the findings from other reports supporting COVID-19 vaccination during pregnancy.”

    Ibinahagi rin ng mga researcher ang ilang detalye ng kanilang pag-aaral. Umabot sa  13,956 na kasalukuyang buntis ang mga nasubaybayan, at 5.5 percent sa kanila ang bakunado. Sinubaybayan din ang 4,521 na nakaranas ng miscarriage, at 5.1 percent sa kanila ay nagpabakuna.

    Sa Norway daw kasi hindi rekomendado na magpabakuna ang mga buntis kung nasa first trimester pa lang sila, puwera na lang kung meron silang comorbidities. Pero posible rin daw na hindi alam ng ilan sa kanila na buntis pala sila nang magpabakuna.

    Sa kabilang banda, mahigpit ang bilin ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na magpabakuna ang mga buntis, pati na iyong mga bagong panganak, nagpapadede, at balak pa lang mabuntis. (Basahin dito).

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa ng mga eksperto, walang dulot na pinsala ang COVID-19 vaccine sa fertility ng mga kababaihan (basahin dito).

    Dito sa Pilipinas, hinihikayat ng Department of Health (DOH), alinsunod sa guidelines ng World Health Organization (WHO), ang pagpapabakuna ng mga buntis. Rekomendado rin ito ng mga doktor at mga buntis mismo (basahin dito).

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Walang Ebidensya Na Mataas Ang Risk Na Makunan Dahil Sa COVID-19 Vaccine: Study
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments