-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Pangkaraniwang sintomas ang pangangati ng balat, pero may ilang posibleng dahilan para diyan. Iba-iba kasi ang mga sakit sa balat. Nariyan ang eczema, seborrheic dermatitis, kurikong sa balat, at marami pa.
Mga dapat malaman tungkol sa kurikong sa balat
Isang pangkaraniwang problema sa balat ang kurikong, o scabies sa English, ayon sa Kids Health. Sanhi ito ng mga maliliit na peste (mites), na kilala bilang Sarcoptes scabiei. Sumisiksi sa balat ang mites at nag-iiwan sila doon ng kanilang dumi (feces). Nangingitlog naman ang female mites sa mga lagusan (tunnel) na ginawa nila sa balat ng apektadong tao.
Bilang reaksyon sa mga peste at kanilang mga dumi at itlog, may mga sumusulpot na mga umbok (bumps) at paltos (blisters) sa balat. Nagdudulot ang mga ito ng mga rashes at grabeng pangangati.
May dagdag na paliwanag ang mga ekserto ng University of Rochester Medical Center (URMC). Anila, isang infestation ang scabies, at lubhang nakakahawa. Inaatake ito kahit sino, pero mas madalas daw sa mga bata at young adults. (Basahin dito para sa itsura ng kurikong.)
Mga sintomas ng kurikong sa balat
Tinatayang mula apat hanggang anim na linggo pagkatapos magkaroon ng contact, halimbawa, ang bata sa taong infected ng scabies, at saka pa lang magsusulputan ang mga sintomas. Pangunahin diyan ang rashes, blisters, at tila mga kaliskis sa balat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKung baby o wala pang 2 years old ang anak mo, makikita mo ang rashes sa mga ganitong parte ng kanyang katawan:
- Palad
- Talampakan
- Leeg
- Ulo
Maaaring mapagkamalan mo ang rashes bilang pimples o blisters, pero sobra silang kati at, kung minsan, itsurang tutong pa. Dahil diyan, magiging iritable si baby at mawawalan siya ng ganang dumede.
Kung lampas 2 years old na ang anak mo, makikita mo ang rashes dulot ng kurikong sa balat sa mga ganitong parte ng katawan:
- Kamay at paa
- Sa pagitan ng mga daliri (webs of skin)
- Sa loobang parte ng pulso (wrists)
- Sa tupi ng mga braso (folds under the arms)
- Baywang (waistline)
- Hita (thighs)
- Pusod (belly button)
- Singit (groin area)
- Kili-kili
- Dibdib
Mga dapat gawin para sa kurikong sa balat
Payo ng mga eksperto na ipatingin ang anak sa doktor para mabigyan ng tamang diagnosis at treatment. Kung kumpirmadong scabies ang umatake sa bata, kailangan niyang mag-isolate sa kuwarto para maiwasan ang hawaan sa inyong bahay.
Narito ang mainam na paraan ng pangangalaga sa anak, ayon sa mga eksperto:
- Paliguan ang anak gamit ang maligamgam na tubig
- Banayad na patuyuin ang balat ng anak gamit ang tuwalya
- Pahiran ng niresetang gamot (cream o lotion) ang balat ng anak kahit iyong walang rashes
- Pahiran ng gamot ang mukha ng bata, basta iwasan lang ang mga mata at bibig
- Pahiran ng gamot pati ang anit at mga tenga
- Gupitan ng mga kuko ang bata para mapahiran ng gamot pati ang mga dulo ng kanyang daliri
- Siguraduhin na malagyan mo ng cream o lotion ang mga kasingit-sigitin ng katawan ng anak
- Suotan ang anak ng damit na matatakpan ang buong katawan
- Hayaang matuyo ang cream o lotion sa katawan ng bata mula 8 hanggang 12 na oras
- Kung naghugas ng mga kamay ang bata, pahiran ulit ng gamot ang kanyang mga ito
- Pagkatapos ng 8 hanggang 12 na oras, hugasan nang maigi ang katawan ng bata
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSuhestiyon ng mga eksperto na gawin ang treatment sa gabi, bago matulog ang bata para kapag gising niya sa umaga, huhugasan mo na ang kanyang katawan. Masasabing effective ang treatment kung walang sumulpot na mga bagong rashes sa loob ng 24 hanggang 48 na oras. Pero kailangan pa rin itong ulitin, depende sa ibibigay na direksyon ng doktor.
Maaari ring magreseta ang doktor ng antihistamine dahil hindi kaagad mawawala ang pangangating dulot ng kurikong sa balat kahit wala na ang mga rashes. Samantala, sikapin na hindi mahawa ang iba pang kasama niyo sa bahay. Ayon sa mga eksperto, makakatulong ang mga sumusunod:
- Bigyan ng treatment para sa scabies ang mga miyembro ng pamilya na nagkaroon ng close contact sa batang may sakit.
- Labhan ang inyong mga damit, tuwalya, at kumot sa washing machine gamit ang hot setting para mabanlian ang mga gamit.
- Itabi ang stuffed toys ng anak na hindi puwedeng labhan at saka ilagay sa sealed plastic bag sa loob ng tatlong araw.
- Maglinis ng bahay gamit ang vacuum cleaner at, pagkatapos, itapon ang ginamit na vacuum cleaner bag upang hindi na kumalat pa ang kurikong sa balat.
Para sa iba pang sakit sa balat, basahin dito ang mabisang gamot sa buni at dito kung ano ang gamot sa an an.
Nakakahawa Ang Kurikong: Mga Paraan Para Maiwasang Kumalat Ito Sa Bahay
Source: Progress Pinas
0 Comments