Huwag Pisilin! Ang Kailangan Na First Aid Para Sa Pigsa

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang pigsa o boil ay isang uri ng sakit sa balat na resulta ng infection mula sa ugat hair follicle. Sa simula, mamumula ang balat na naimpeksyon saka mapapansin ang pag-umbok nito pagkaraan ng ilang araw. Ito ay galing bacteria na Staphylococcus aureus na nabubuhay sa ating balat. Ito ay karaniwang tumutubo sa leeg, kilikili, mukha, hita, binti, at puwet.

    Ang pigsa ay mapula, malambot, at nakaumbok na bukol. Kapag hinawakan mo ito, mararamdaman mo na medyo mainit ang bukol. Posibleng maging makati rin ang bahagi ng balat na apektado. Lumalaki pa ito katagalan hanggang sa lumabas ang nana at dugo na nasa loob nito. Kapag lumala at hindi nakayanang labanan ng ating katawan, nagdudulot ito ng matinding kirot at sakit.

    Ayon sa Department of Health, karaniwang nakararanas ng pagkakaroon ng pigsa ang mga batang may diabetes, malnutirsyon, at ibang kondisyon na nagpapababa ng kanilang immune system. 

    First aid at ointment para sa pigsa

    Sa mga Pilipino, nakagawian na kapag may pigsa ay pinipisa ito. Ngunit lubos na pinapaalala ng mga doktor na huwag itong pipisain dahil mas kakalat lamang daw ang impkesyon at posibleng lumala pa ang sitwasyon. Masakit din para sa bata na pisain ito. Gawin ang first aid na ito kapag may pigsa

    Panatilihing malinis ang bahagi na may pigsa

    Mahalagang mapanatili ring malinis ang katawan ng taong may pigsa dahil mabilis itong kumalat kung laging marumi. Kapag pumutok ang pigsa, agad na linisin ito. Alisin ang nana, tubig o dugo na lalabas dito. Gumamit ng bulak sa pagtanggal nito o kaya malinis na basang towel o bimpo. Pagkatapos, hugasang mabuti ang kamay pagkaraang linisin ang pigsa.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Lapatan ang pigsa ng warm compress

    Gawin ang warm compress ng ilang beses kada araw para maibsan ang sakit. Makatutulong ang warm compress para mapabilis ang sirkulasyon ng dugo at makatulong para mapagana ang immune system ng katawan na magdala ng antibodies sa bahaging may impeksyon.

    Maaaring gumamit ng bote na may lamang mainit na tubig. Ilagay ito sa pigsa nang 10-20 minuto. Puwede rin ang paggamit ng bimpo na ibinabad sa mainit na tubig.

    Linisan ng antiseptic at takpan ng plaster ang pigsa

    Gumamit ng antiseptic sa paglilinis at paggamot ng sugat mula sa pigsa. Takpan ng plaster o gasa para maiwasan ang pagkalat at para hindi rin kamutin ng bata. Maiiwasan din na pasukin o dapuan ng mikrobyo. Huwag kalimutang hugasan ang kamay pagkatapos.

    Hayaan itong kusang pumutok at maglabas ng nana

    Hindi gagaling ang pigsa kapag tiniris ito o pinisa. Magdudulot lamang ng impeksyon kapag ginawa ito. Kusang puputok ito at maglalabas ng nana pagkaraan ng ilang araw.

    Tingnan o suriin araw-araw ang pigsa

    I-check ang pigsa palagi kung nagkakaroon ng pagbabago o umiimpis na ang bukol. Tingnan din kung may bagong lumalabas na pigsa sa iba pang bahagi ng katawan.

    Subukin din ang halamang gamot

    Naniniwala ang mga Pilipino sa bisa ng mga halamang gamot na magpapahinog sa pigsa para mapabilis ang pagputok nito. Mawawala kasi ang sakit o kirot na dulot ng pigsa kapag nailabas na ang nana na nasa loob nito. Dikdikin lamang ang dahon ng gumamela, alugbati, sambong saka ilagay sa ibabaw ng pigsa. Gawin ito nang dalawang beses kada araw.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kung nagawa mo ang mga first aid na ito pero walang naging pagbabago sa pigsa at lalo pang lumala ang sitwasyon o makaramdam ng matinding pangingirot, agad na kumonsulta sa doktor para sa mas mabuting lunas.

    Karaniwang inirerekomenda ng doktor ang paggamit ng topical antiobiotics. Isa sa ointment para sa pigsa na puwedeng pagamit ng doktor ay ang tinatawag na “drawing salve.” Meron itong ammonium bituminosulfonate (Ichthyol) at tinatanggal nito ang nana sa pigsa.

    Puwedeng maresetahan ka rin ng antibiotics. Kung mas matindi pa ang impeksyon, maaaring magsagawa ng procedure na buksan o hiwain ito para palabasin ang nana.

    Para makaiwas sa pigsa, mahigpit na ipinapayo ang proper hygiene.

    • Sa pagiging malinis sa katawan at paligid, maiiwasan ang anumang bacteria na makapasok sa katawan.
    • Maligo araw-araw para mapanatiling malinis ang katawan.
    • Gumamit ng mabisang sabong panligo na proteksyon sa germs.
    • Panatilihing malinis ang paligid lalo na ang upuan at higaan.
    • Laging maghugas ng kamay nang mabuti na may sabon at malinis na tubig.
    • Kung nasa labas, magbaon lagi ng alcohol para pantangal ng germs. 

    Maaaring mahawa ang bata kapag nagkaroon siya ng direktang kontak sa taong mayroong impeksyon o skin-to-skin contact sa mga secretion ng sariwang pigsa, o kaya naman nahawakan niya ang kontaminadong bagay o gamit. Kaya ipinapayo na iwasan ang panghihiram ng gamit sa taong may pigsa para hindi mahawa.

    Tandaan, pagdating sa kalusugan ng balat, makabubuting ipasuri sa doktor gaya ng dermatologist dahil siya lang ang puwedeng magbigay ng prescription ng ointment para sa pigsa. Kailangan mo na rin ng doktor kung may impeksyon na ang sugat at may nararamdaman ang sumusunod:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    • nasa mukha ang pigsa at higit sa 5 centimetro ang laki
    • may lagnat
    • may namamagang kulani
    • hindi man lang lumiliit at hindi gumaling sa loob ng dalawang linggo.
    What other parents are reading

Huwag Pisilin! Ang Kailangan Na First Aid Para Sa Pigsa
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments