-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kung napapansin mo na may bukol sa tiyan, bandang pusod, si baby, huwag kaagad mataranta. Malamang iyan ay umbilical hernia, na ayon sa mga eksperto, nangyayari sa 20 percent ng mga sanggol pagkapanganak nila.
Bukol sa tiyan hatid ng umbilical hernia
Tinatawag na umbilical hernia ang butas sa abdominal muscles ng sanggol. Sa parteng ito ng pusod ginupit ang umbilical cord pagkatapos siyang ipanganak. Ang umbilical cord ang kumunekta kay baby sa kanyang mommy habang nasa sinapupunan pa siya.
Normal na nagsasara ang butas na naiwan ng umbilical cord at naging umbilical hernia, ayon sa Johns Hopkins Medicine. Nangyayari ito sa 90 percent ng mga newborn pagtungtong nila sa 5 years old. Pero kapag hindi nagsara ang butas, maaaring lumusot dito ang bituka at bumukol.
Sinasabi ring ang mga sanggol na ipinanganak na premature o di kaya may low birth weight ang kadalasang nagkakaroon ng umbilical hernia. Maaaring magdulot ng kumplikasyon ang umbilical hernia kapag nakulong ang bituka na lumusot sa butas mula sa nagupit na umbilical cord.
Magreresulta ito sa isa pang kondisyon na kilala bilang incarcerated hernia, ayon pa sa mga eksperto. Dahil nakakulong ang bituka, hindi dadaloy dito ang dugo at mapipinsala ang mga bodily tissue. Ang mangyayari tuloy, mamamatay ang mga bodily tissue at magkakaroon ng infection sa abdominal cavity. Kung lumala pa ang sitwasyon, posibleng humantong ito sa kamatayan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMga senyales ng umbilical hernia
Mapapansin mo ang bukol sa tiyan, na dulot ng umbilical hernia, kapag si baby ay:
- Umiiyak
- Umiire para makadumi
- Umuubo
Nagiging masyadong halata ang bukol o umbok, sabi pa ng mga eksperto, dahil napipilitang gumalaw ang tiyan. Hindi naman ito nagdudulot ng pagkirot, pero posible pa ring masaktan si baby.
Bantayan din daw ang mga ganitong senyales kay baby:
- Pag-iyak na halatang nasasaktan
- Pagsusuka
- Pag-iba ng kulay ng pusod
Mainam daw na dalhin ang anak sa ospital nang matignan ang kanyang kondisyon. Ang doktor ang makakapagsabi na may umbilical hernia nga si baby. Ito ay sa pamamagitan ng physical chekup. Magbibigay din ang doktor ng payo kung dapat na bang operahan si baby para magsara ang butas dulot ng umbilical hernia, o kung kailangang obserbahan pa muna.
Umbilical hernia sa adults
Hindi lang mga sanggol ang puwedeng magkaroon ng umbilical hernia, pero pati mga adult din. Tinatayang 90 percent ng mga adult na nagkaroon nito ay nangyari noong malaki na sila, habang 10 percent lang ang nangyari noong bata pa sila. Ito ay ayon sa medical paper na nailathala sa United States National Institutes of Health (NIH).
Sabi pa ng mga eksperto, ang mga adult na kadalasang nagkakaroon ng umbilical hernia ay:
- Mga kababaihan
- Buntis
- Obese
- May ascites, isang kondisyon kung saan kumukolekta ng fluid ang mga puwang sa tiyan
- May chronic abdominal distention, isang kundisyon ng parating kinakabag
- May pabalik-balik na ubo (chronic cough)
- Hirap umihi dahil sa enlarged prostate
- Hirap makadumi dahil sa tumatagal na constipation
- Paulit-ulit na pagsusuka
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTulad sa mga sanggol na may umbilical hernia, kailangan din ng adult na magpatingin sa doktor at sumailalim sa physical examination. Dito malalaman kung ang kondisyon ay umabot na sa incarcerated hernia, kung saan nakakulong na ang bituka.
Maaari ring makaramdam ang pasyenteng adult ng mga ganitong sintomas:
- Pananakit ng tiyan
- Hirap sa pagdumi
- Lagnat
- Pakiramdam at itsura ng parating busog
- Kulay pula o di kaya purple at nangingitim na bukol sa tiyan
- Pagsusuka
Para makasiguro, maaaring sumailalim din sa blood test, pati na sa barium X-ray, ultrasound, magnetic resonance imaging (MRI) o di kaya computed tomography (CT). Ito ay upang mapag-aralan pa ang kondisyon ng bituka. Pagkatapos, magbibigay ng payo ang doktor kung kailangan ng surgery.
Sa surgery para magamot ang bukol sa tiyan hatid ng umbilical hernia, ayon pa sa mga eksperto, bibigyan ng general anesthesia ang pasyente. Gagawa ang surgeon ng maliit na hiwa sa umbilicus, bandang pusod, at ibabalik ang nakaumbok na bituka sa abdominal cavity. Isasara ang hiwa sa pagtatapos ng operasyon.
May Bukol Sa Tiyan Si Baby? Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Umbilical Hernia
Source: Progress Pinas
0 Comments