-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isa sa pinag-aalala ng mga mommy kapag may napansin na pagbabago sa balat ng kanilang anak o may tumubong anuman na kakaiba. Madalas na itanong ng mga mommy kung normal ba ito o kung ano ang maaaring pantanggal o paano ito mawawala. Kadalasan na mapapansin ang pagkakaroon ng mga butlig o kaya patse-patse na pamumula sa balat na karaniwan na dulot ng mainit na panahon.
Ngunit may iba’t ibang uri ng sakit sa balat at magkakaiba rin ang sintomas at ang tindi ng epekto nito. May iba na panandalian lamang at kusang nawawala. Pero mayroon din na nagiging permanente. May iba na walang namang naidudulot na anumang sakit o iritasyon.
Larawan ng iba’t-ibang uri ng sakit sa balat
Bagaman karaniwan din sa mga sakit sa balat ay pansamantala lamang o panandalian, may ilan na indikasyon ng mas seryosong sitwasyon. Mayroong dahil sa genetic condition samantalang ang iba ay bunsod ng mga sitwasyon o panahon. Narito ang description o larawan ng iba’t-ibang uri ng sakit sa balat.
Atopic dermatitis
Ang atopic dermatitis ay uri ng skin condition na tinatawag na eczema. Karaniwang namumula at nangangati ang balat. Bukod pa sa lumalabas na rashes, mapapansin din ang pagbabalat ng balat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWContact dermatitis
Mamula-mula at makating rashes na lumalabas ilang oras o araw kapag na-irritate ang balat ng anumang substance o allergen na magdudulot ng allergic reaction sa balat. Mararanasan ang pagsusugat o pamamaltos sa balat kapag kinamot ito dahil sa sobrang pangangati.
Seborrheic dermatitis
Kulay dilaw o puti na nangangaliskis na mga pantal na natatanggal o natutuklap ang seborrheic dermatitis. Ang apektadong bahagi ay namumula, nangangati, nagmamantika o oily. Posible ang paglagas ng buhok o pagtanggal ng balahibo sa bahagi ng balat na apektado nito. (Silipin ang istura dito.)
Ang ganitong kondisyon sa mga newborn ay pangkaraniwan na. Tinawag itong langib sa ulo o cradle cap na hindi delikadong kondisyon sa anit. Kusa itong nawawala sa paglaki ng baby.
Ringworm o tinea corposis
May ringworm o buni ka kung ang skin rash na nakita mo ay pabilog na may nakaumbok na bahagi at makaliskis. Isa itong fungal infection na makati at namumula. Hindi gaanong apekdato ang bahagi ng balat na nasa labas ng bilog.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPsoriasis
Autoimmune na sakit ang psoriasis na ito ay nagdudulot ng pamumula, pagtigas, at paghapdi ng balat. Mabilis ang pagdami nito na nagiging magaspang at makalisikis ang balat dahil sa pagiging dry o pagtuyot. Makati rin ito at masakit kapag nagsugat. (Silipin ang larawan dito.)
Heat rash
Sa labis na pagpapawis, lumalabas ang heat rash o bungang araw lalo kapag tag-init o kaya sobrang maalinsangan ang panahon. Magkakaroon ng mga pagpapantal sa balat. Hindi tumatagal ang ganitong kondisyon dahil karaniwang nawawala naman kapag nalamigan ang apektadong bahagi ng balat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIntertrigo
Sa baby, ang intertrigo ay kadalasan nagma-manifest na diaper rash. Pero makikita din itong sa bahagi ng kilikili, sa ilalim ng suso, sa pagitan ng balat ng tiyan, o pagitan ng daliri sa paa.
Nangyayari intertrigo dahil sa pagkiskisan ng mga balat sa mga bahagi ng katawan na madalas na pagpawisan kaya nagdudulot ng pamamaga. Mahapdi at sensitibo ang mga bahagi ng balat na apektado. Makati rin ito at magsusugat ang bahaging apektado kapag matindi ang pagkiskisan ng balat lalo pa kapag kinamot ang bahaging apektado.
Hand, foot, and mouth disease
Kadalasan na naapektuhan ang mga batang nasa edad 5 pababa ng hand, foot and mouth disease. (Naikuwento ni Iya Villania na nagkaroon sina Primo at Leon nito).
Makikita sa palad at talampakan ang mga pulang pantal na hindi nakaumbok. Posibleng makita rin ang mga pantal sa puwet o genital area.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWTigyawat (acne)
Karaniwang tumutubo sa mukha ang acne pero puwede ring tubuan ng pimples sa dibdib, leeg, balikat, o itaas na bahagi ng likod ang tigyawat. Posibleng mag-iwan ng peklat o dark spot kapag napabayaan. Sa mga baby, kadalasan na panandalian lamang ang kondisyon na ito na kusang nawawala na walang kailangang gamutan. Ito ay maliliit na butlig na mapula.
Kuwento ng isang derma sa amin, hindi sapat ang sebo de macho para maging peklat remover.
Scabies
Hindi infection kundi isang skin infestation ang scabies o kurikong na dulot ng maliliit na mites na tinatawag na Sarcoptes scabiei. Labis na makati, namumula, possible ang pagsusugat, at pagbabalat ng balat. Tumatagal ang sintomas nito nang apat hanggang anim na linggo. (Makikita ang itsura ng kurikong dito.)
Shingles
Ito ay dulot ng virus mula sa bulutong o chicken pox. Mahapdi o masakit ang mga tutubong pantal sa balat. Pagkaraan ng ilang linggo, unti-unting magbabalat ang pantal at mawawala ang sakit at pangangati.
Tigdas (measles)
Mapapansin ang mapupulang rashes o spots na kalat sa buong katawan ang tigdas o measles. Unang napapansin sa dibdib at likod ng bata at maaaring kumalat sa leeg, mukha, braso, at hita. Kadalasan na flat lamang ito pero maaari ding nakaumbok.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKapag tigdas hangin, hindi ito makati.
Tagulabay
Isang reaksyon sa balat ang tagulabay na makikita ang mapula o maputing mga pantal sa mukha, likod, braso, at binti. Mararanasan ang matinding pangangati. Masakit at mahapdi naman kapag sa lalamunan, labi, kamay ito tumubo.
May iba’t ibang laki, kulay, at hugis ang mga pantal na nawawala habang tumatagal ang reaksyon sa balat. Sa ilang kaso, maaaring sanhi ito ng karamdaman gaya ng thyroid o lupus.
Kagat ng insekto
Makati ang balat kapag nakagat ng insekto at maya-maya lang nakaumbok na ang bahaging namumula. Pero kung may allergy sa kagat ng insekto gaya ng bubuyog at putakti, bukod sa mamaga ang bahaging natusok ay possibleng magkaroon ng rashes at mangati ang buong katawan. Maaaring makaranas din ng kakapusan sa paghinga at anaphylaxis.
Paltos
Karaniwan makikita ang paltos sa bahagi ng paa pero maaari ding tumubo sa ibang bahagi ng katawan. Mapapansin ang paglobo ng balat na may tubig sa loob.
Karaniwan sa mga bata ang mga sumusunod na sakit sa balat
- eczema
- diaper rash
- seborrheic dermatitis
- bulutong
- tigdas
- warts
- tigyawat (acne)
- kulugo (warts)
- hives
- ringworm
- rashes mula sa bacterial o fungal infection
- allergic reactions
Dahil sa mas madalas din silang expose sa ibang bata at dumi, posibleng madebelop sa kanila ang mga sakit sa balat na napakadalang namang maranasan ng mga matatanda. Nawawala naman ang mga sakit sa balat ng mga bata sa kanilang pagtanda maliban na lamang kung namana nila ito o napabayaan.
May nabibiling mga over-the-counter na mga pampahid na ointment at topical creams, mga lotions, at mga gamot na makatutulong sa pag-alis ng pangangati sa mga karaniwang sakit sa balat ng mga bata.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPero bago gumamit ng anumang ointment o cream, mahalagang magpakonsulta sa dermatologist para matiyak ang uri ng sakit sa balat lalo na kung baby pa ang anak. Baka lumala lamang ang sitwasyon kung maling gamot din ang ilalagay rito.
Ano Ang Mga Sakit Sa Balat Na Nasa Mukha At Kamay Sa Larawan?
Source: Progress Pinas
0 Comments