-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Maraming eksperto ang nagsasabing mainam na hayaang maglaro ang bata (basahin dito) at maging aktibo. Kaya hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na siya ay madapa, masaktan, at maaksidente. Kailangan lang, bilang magulang at tagapangalaga, alamin ang tamang gawin kapag, halimbawa, nagkaroon ang anak ng sugat sa paa o iba pang parte ng katawan.
Mga dapat malaman tungkol sa sugat
Nagkakaroon ng sugat (wound) kapag naputol ang continuity ng tissue sa katawan (bodily tissues) sa anumang parte ng katawan, ayon sa Encyclopedia Britannica. Nangyayari ito nang hindi inaasahan, gaya sa aksidente, at puwede ring sinasadya, tulad sa operasyon (surgery). Nagkakaroon ngayon ng pinsala sa bodily tissues.
May dalawang uri ng sugat: open wound at closed wound.
Tinatawag na open wound kapag nadale at bumuka ang balat (skin), mucous membrane, o iba pang protective body surface. Nagkakaroon tuloy ng pagkakataon na makapasok ang foreign material sa bodily tissues.
Sa kabilang banda, closed wound naman ang tawag sa napinsalang bodily tissue na hindi lantad sa panlabas na parte ng katawan (exterior). Kaya walang panganib ng contamination habang ginagamot ang ganitong uri ng sugat.
Kapag sugat sa paa (open wound of the foot) ang natamo ng anak, sabi ng Kids Health, puwedeng minor ito at mababaw lang ang tama sa balat. Pero puwede ring maging seryosong kaso ito kung apektado ang malalim na bodily tissues sa paa. Kabilang diyan ang tendons, muscles, ligaments, nerves, at blood vessels, pati na hanggang buto.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIsa pa raw dapat bantayan sa sugat sa paa ng bata ay kung gaano ito kalaki, kalalim, at kadumi (dirty). “Dirty wound” ang tawag sa sugat na pinasukan na ng mikrobyo (germs). Kadalasan kasing nadudumihan ang mga paa, lalo na kung hilig ng bata na magtanggal ng tsinelas o sapatos, kaya malaki ang tyansa ng infection dulot sugat sa parteng ito ng katawan.
Mga dapat gawin sa sugat sa paa at iba pa
Kapag nasugatan ang bata, kaagad na bigyan siya ng first aid. Sabi ni Dr. Empress Carlos, isang pediatrician, sa dati niyang panayam sa SmartParenting.com.ph, ito ang dapat mong gawin:
- Linisin ang sugat sa pamamagitan ng running water at mild soap, pero hindi kailangang antibacterial soap.
- Kung nahugasan na ang sugat, hindi na kailangang lagyan ng alcohol at lalong hindi kailangan lagyan ng agua oxigenada (hydrogen peroxide).
- Pahiran ang sugat ng kaunting antibiotic cream gamit ang iyong daliri (basta siguradong malinis) o di kaya cotton bud (para hindi mahawa ng infection kung may nana ang sugat).
- Bendahan ang sugat, at piliin ang bandage na may proboritong disenyo ng bata para gumaang kahit paano ang kanyang pakiramdam.
Paalala ni Dr. Carlos na hindi “kailangan pahanginan ang sugat para gumaling,” na taliwas sa sinaunang paniniwala sa paggamot ng sugat. Paliwanag niya na mahihilom ang sugat sa loob ng bandage. Paalalahanan na lang ang bata na iwasan ang paghawak at pagkamot sa sugat para maiwasan din ang infection at pagpeklat.
Kung hindi umubra ang first aid, mainam na komunsulta sa doktor o di kaya dalhin sa ospital ang anak, lalo na kung:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- Hindi tumitigil ang pagdudugo ng open wound, kahit bigyan mo ito ng pressure
- Higit sa 1 inch ang sugat at malalim pa
Makakabuti na dalhin ang anak sa ospital o clinic. Ang doktor ang may kakayahan na gamutin ang sugat sa pamamagitan ng stitches, tape, o di kaya adhesive glue.
Mainam din na alalahanin kung paano nasugatan ang bata. Kung ang pinsala ay mula sa kalmot ng pusa o kagat ng iba pang hayop, maaari mong isipin na posible ang pagkakaroon ng rabies. (Basahin dito kung anong gagawin kapag nakagat ng aso.)
Kung ang sugat sa paa o iba pang parte ng katawan ay dulot ng matulis na bagay, gaya ng pako o karayom, at kontaminado pa ito, kailangan ng bata na makatanggap ng tetanus vaccine.
Ito Ang Unang Gawin Kapag Nasugatan Ang Bata, Sabi Ng Pedia
Source: Progress Pinas
0 Comments