-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kung nagtataka ka kung bakit biglang lumaki o tumaba ang mga paa mo, may simpleng paraan upang malaman na namamaga nga ang mga parteng iyon ng katawan mo. Meron ding first aid sa pamamaga ng paa.
Mga posibleng dahilan sa pamamaga ng paa
Kahit sino ay nakakaranas ng pamamaga ng paa paminsan-minsan. Sabi kasi ng mga eksperto, karaniwan itong nangyayari kapag napatagal ang pagtayo o paglalakad mo. Malulunasan ito sa simpleng pahinga, pero kung magpatuloy ang pamamaga, baka may mas malalim ng dahilan.
Sabi nga ni Dr. James Ioli, isang espesyalista sa mga sakit sa paa (podiatrist), sa ulat ng Harvard Health Publishing, binibigyan niya ng konsiderasyon ang ibang potensyal na problema. Kabilang diyan ang mga uri ng sakit sa puso at blood vessels, pati na mga sakit sa balat at sa mga buto.
Edema o oedema ang tawag sa pamamaga o pamamanas ng mga paa, binti, at bukung-bukong (ankle), sabi naman ng mga eksperto sa United Kingdom National Health Service (NHS). Napupuno ng tubig o fluid ang mga parteng iyon ng katawan kadalasan dahil sa:
- Pagtayo o pag-upo sa iisang posisyon nang matagal
- Pag kain ng mga sobrang maalat
- Pagiging overweight
- Pagbubuntis
- Pag-inom ng gamot na may side effect na pamamaga (blood pressure medicines, contraceptive pills, antidepressants o di kaya steroids)
Bukod sa mga iyan, puwede ring sanhi ng pamamanas ng paa ang mga sumusunod:
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW- Pinsala (injury) na natamo, halimbawa, sa muscle strain o di kaya muscle sprain
- Kagat ng insekto
- Sakit sa mga bato (kidney), atay (liver), o di kaya puso (heart)
- Pagkakaroon ng blood clot o deep-vein thrombosis
- Pagkakaroon ng infection
- Epekto ng venous insufficiency, kung saan humihina ang veins
- Epekto ng phlebitis, o ang makirot na pamamaga ng veins
First aid sa pamamaga ng paa
Para malaman na pamamaga ang dahilan ng maumbok na paa, payo ng mga eksperto na ilapat ang daliri sa bukung-bukong (ankle) at pisilin ito. Kung lumubog ang daliri at mag-iwan ito ng dimple sa balat, may pamamaga nga sa paa.
Maaari mong subukang gawin ang mga sumusunod bilang home remedy:
- Humiga at ipatong ang mga paa sa isa o dalawang unan
- Puwede mo ring itaas ang mga paa at ilapat sa dingding upang umaayos ang daloy ng dugo (blood flow)
- Maglakad-lakad o gawin ang iba pang gentle exercise para bumuti ang blood flow
- Magsuot ng maluwag na damit at kumportableng sapatos na mababa lang ang takong
- Iwasan ang pagtayo o pag-upo nang matagal
Bilin ng mga eksperto na komunsulta sa iyong doktor kung:
- Hindi bumuti ang iyong kalagayan
- Naging malala ang pamamaga at may pagkirot pa
- Isang paa lang ang namamaga
- Nag-iba ang kulay ng balat sa may paa
- Namumula ang paa at mainit ang pakiramdam
Bukod sa kondisyon ng paa, may nararamdaman kang ibang sintomas, tulad ng:
- Lagnat
- Ginaw (shivering)
- Pananakit ng dibdib
- Hirap sa paghinga
- Pag-ubo
Malaking factor din daw ang pagkakaroon ng diabetes, kaya kailangan mo itong sabihin sa doktor habang nagpapakonsulta.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMga paraan para maiwasan ang pamamaga ng paa
Kung ang trabaho mo ay maghapong nakaupo sa harap ng computer, malamang mapansin mo na tila mas malaki na kaysa sa dati ang mga paa mo at parang namamaga ang mga ito. Resulta raw iyan ng gravity, sabi ng mga eksperto ng Cleveland Clinic, kaya papunta ang direksyon ng tubig sa ibabang parte ng iyong katawan.
Mareremedyuhan kaagad ang pamamanas kung hihiga ka sa kama at itataas pahilig sa dingding ang mga paa sa loob ng 20 minutes. Kunin na rin ang pagkakataon na ipahinga ang mga mata mula sa pagbabad sa computer screen. Gawin ito kahit dalawang beses sa isang araw o di kaya bago matulog.
Ugaliin din na maglagay ng patungan ng mga paa habang nakaupo sa harap ng computer. Sa ganitong paraan, maipapahinga mo ang mga paa kahit nagtatrabaho. Sikapin mo rin na maya-maya ang pagtayo at mag-inat-inat.
Makakatulong din daw ang ilang pagbabago sa iyong lifestyle para hindi na umabot pa sa paghanap ng first aid sa pamamaga ng paa. Ilan diyan ang pagbabawas ng timbang, pag-iwas sa mga maalalat na pagkain, pag-exercise nang regular, at pag-inom ng maraming tubig.
Basahin dito ang tungkol sa manas sa paa dahil sa diabetes at dito para sa manas sa paa ng buntis.
First Aid Sa Pamamaga Ng Paa Na Puwedeng Gawin, Ayon Sa Mga Eksperto
Source: Progress Pinas
0 Comments