-
Marami naniniwala na may natural na mga lunas sa karamihan ng mga karamdaman. Posible ring nasa bakuran o hardin mo lang ang mga ito nang hindi mo namamalayan. Ating tuklasin ang ilan sa mga halimbawa ng mga halamang gamot.
Epektibo ba ang mga halamang gamot?
Ang mga halaman sa ating paligid ang ilan sa pinagkukunan ng mga sangkap para sa mga gamot na ginagawa ng pharmaceutical industry. Pagdating sa herbal medicines at alternatibong remedyo sa mga karamdaman, patuloy pa rin ang pagsusuri sa industriyang ito kahit pa ng mainstream medical professionals.
Bukod sa bahagi ng sinaunang panggagamot ng ating mga ninuno ang mga halamang gamot, patuloy ring lumalago ang paggamit sa mga halamang gamot na ito upang gawing essential oils, tsaa, at supplements.
10 halamang gamot na nasa listahan ng DOH
Kung isa ka sa mga nais magtipid at nagtataka kung maaasahan nga ba ang mga halamang gamot, magandang balita para sa iyo na naaprubahan ng Department of Health ang 1o sa medicinal plants na kilalang-kilala sa bansa.
Akapulko (ringworm bush)
Kilala rin ito bilang “ringworm bush” o “candle shrub.” Mabisa itong gamot sa buni (o ringworm) at iba pang tinea infections, kagat ng insekto, eczema, scabies at pangangati ng balat.
Ampalaya (bitter melon/gourd)
Sinasabing mas mabisa kung kakainin nang hilaw o iinumin ang ampalaya. Gamot ito sa diabetes, almoranas, at paso sa balat.
Bawang (garlic)
Ginagamit ang bawang para sa diabetes (diabetes mellitus), almoranas o hemorrhoids, ubo, burns o mga paso, at pinag-aaralan na rin ang anti-cancer properties nito. Mabisa rin ito upang mapababa ang cholesterol level sa dugo. Kadalasang naglalagay ng bawang sa maligamgam na tubig bago inumin ang mga nakaaalam sa halamang gamot na ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBayabas (guava)
Kilalang panlanggas ng sugat, galis, at bakokang ang bayabas. Gamot din ito sa ulcer, rayuma, sakit ng ngipin, pamamaga ng gilagid, pagtatae, at lagnat. Mayroong alkaloids, flavonoids, glycosides, polyphenols, saponins, tannins ang bayabas. Ang balat ng kahoy nito ay ginagamit ding pangmumog at panghugas ng katawan.
Lagundi (5-leaved chaste tree)
Popular na halamang gamot ang lagundi. Gamot ito sa ubo, sipon, at lagnat. Ginagamit din ito para sa asthma, pharyngitis, rheumatism, dyspepsia, boils o mga paso, at pagtatae.
Niyog-niyogan (Chinese honeysuckle o rangoon creeper)
Hindi lang pala ornamental ang halamang ito. Mabisa rin ito kapag mayroong intestinal parasites.
Sambong (Ngai camphor o blumea camphor)
Nabanggit ito ni Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere. Ginagamit ang sambong para sa ubo, lagnat, sipon, kidney stones, mga sugat, rheumatism, anti-diarrhea, anti spasms, at hypertension.
Tsaang gubat (wild tea)
Ginagamit ang halamang gamot na ito para sa skin allergies tulad ng eczema, scabies at pangangati ng mga sugat, dala ng panganganak.
Ulasimang bato (pansit-pansitan)
Mabisang panlaban sa rayuma o arthritis at gout ang pansit-pansitan.
Yerba buena (Clinopodium douglasii)
Kilala sa tawag na peppermint. Analgesic ang peppermint at nakatutulong itong mapawi ang pananakit ng katawan dala ng rheumatism at gout. Mabisa rin ito sa ubo, sipon, at kagat ng mga insekto.
Iba pang sinasabing medicinal plants
Bukod sa mga halamang nasa listahan ng DOH, marami pa ang napatunayang mabisa rin tulad ng sumusunod na mga halamang gamot:
Alingatong (stinging nettle)
Popular na halamang gamot ang alingatong, lalo na ang mga ugat nito. Mabisang gamot ito sa UTI, prostate, anemia, diabetes, pagtatae, at asthma.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAloe vera
Ginagamit ang aloe vera bilang gamot sa mga paso o burns, acne, dandruff, at iba pang mga sugat. Pampalago ng buhok at pampakinis ng kutis ang gel nito.
Alugbati (malabar spinach)
Masustansyang gulay ang alugbati. Sagana ito sa fiber, vitamins A, B, at C, iron, calcium and antioxidants. Mabisang gamot din ito sa buni, altapresyon, sugat, ulcers, at sakit ng ulo. Nagbibigay rin ito ng proteksyon sa kidney at atay.
Ashitaba (tomorrow’s leaf)
Native sa bansang Japan ang halamang gamot na ito. Mabisang gamot ang ashitaba sa heartburns, ulcers, constipation, at high blood pressure.
Asparagus
Ginagamit na gamot ang asparagus para sa rayuma, tuberculosis, hirap sa pag-ihi, gout, cancer, pananakit ng ngipin, hirap sa pagdumi, at panlaban sa hangover.
Balanoy (basil)
Ubo, pagsusuka, kabag, pananakit ng tenga, buni, pananakit ng ngipin, pagtatae, iritasyon sa mata ang ilan sa mga sakit na nalulunasan ng balanoy.
Balbas pusa (cat whiskers)
Mabisang gamot sa mga sakit sa pantog at bato ang balbas pusa. Ang dahon ng balbas pusa ay sagana sa potassium, alkaloids, carbohydrates, at tannins. Puwede rin ito sa pananakit ng ngipin at kasukasuan.
Banaba
Ginagamit na pampaligo sa bagong panganak ang banaba. Puwde rin itong tsaa para sa mga may balisawsaw, sakit sa bato at pantog, diabetes, at altapresyon.
Damong maria (mugwort)
Ubo, lagnat, at sipon mo’y agad na mawawala kapag uminom ka ng tsaa ng damong maria. Marami itong alkaloids at flavonoids. Isa rin itong expectorant at antiseptic.
Ang mapait na katas nito ay mabisa para matunaw ang sipon at ang mga plemang naiipon. Mabisa rin ang damong maria upang maibsan ang pangangati sa katawan dulot ng eczema at scabies.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWEucalyptus
Sugat sa balat, mabahong amoy ng katawan, ubo, pagtatae, lagnat, malaria, at sinusitis ang nagagamot ng eucalyptus. Isa rin ito sa mga sikat na essential oils.
Gotu kola
Ang gotu kola ay itinuturing na herb of longevity. Gamot ito sa syphilis, hepatitis, stomach ulcers, mental fatigue, epilepsy, diarrhea, fever, at asthma. Sa U.S. at Europa, ginagamit na itong lunas sa varicose veins at chronic venous insufficiency.
Gumamela
Gamot sa pigsa ang gumamela. Dikdikin ang buko ng bulaklak at haluan ito ng kaunting asin bago ihilot o itapal sa pigsa. Ginagawa ring gugo ang katas nito.
Kamuning (orange jasmine)
Mabango ang halamang ito. Kabag, rayuma, pilay, at pagtatae ang kayang gamutin ng kamuning. Gamot din ito sa ubo at pananakit ng sikmura.
Mayana
Gamot sa mga sugat, bukol, at mga galos ang mayana na kilala rin bilang lamponaya.
oreganoGamot ito sa mga paso, kagat ng alupihan at iba pang insekto, hika, sore throat, at sakit ng tiyan at ng ulo. Nakalilinis din ito ng balat.Pandakaki
Iregular na regla, eczema, mga sugat, pangangati ng balat, pananakit ng sikmura, pananamlay o pagbaba ng libido, at pananakit ng paa ang ilan sa mga sakit na magagamot ng pandakaking kulay puti.
Pandan
Pagsusugat ng gilagid, hirap sa pag-ihi, pananakit ng ulo, sugat, rayuma, pigsa, at pagsusuka ang maaaring malunasan ng pandan. Pakuluan lamang ang mga dahon nito at gawing tsaa.
Saluyot
Hirap sa pag-ihi at pagdumi? Kumain ka ng saluyot! Mabisa rin ito para maibsan ang pagtatae at lagnat. Kahit ang kawalan ng gana sa pagkain ay nasosolusyonan ng saluyot. Malagkit ang dahon nito kapag nailuto na. Puwede rin itong gawing tsaa.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWTarragon
Mabisang lunas sa insomnia ang tarragon at mainam itong gawing tsaa.
Tawa-tawa
Kilala ang tawa-tawa bilang mabisang gamot sa hika at dengue. Tinatawag din itong asthma plant at gatas-gatas. Puwede rin itong gamitin kapag nagtatae o kaya kapag may buni, kuliti, lagnat, pigsa, sugat, at altapresyon.
Ilang paalala sa paggamit ng halamang gamot
Madalas, lahat ng bahagi ng halaman mula sa mga ugat, sanga, dahon, balat, bulaklak hanggang sa bunga ang ginagamit bilang gamot.
Siguraduhing huhugasan nang mabuti ang mga dahon o bulaklak bago pakuluan o ilaga sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Salain nang mabuti at saka inumin bilang tsaa ang mga halamang gamot.
Halimbawa, sa paggamit ng balbas pusa, maglaga ng 6-12 grams ng dahon at tangkay nito araw-araw at inumin ang tsaa tatlong beses sa isang araw sa loob ng isang linggo.
Kung gagawing pantapal sa mga sugat, hugasan nang mabuti ang mga dahon bago dikdikin. Ipunin ang katas at ipahid sa bahagi ng katawang may sugat o impeksyon kasama ang mga dahong dinikdik. Maaari ding panghugas sa sugat ang tubig na ginamit sa paglaga sa mga dahon.
Para sa mas detalyadong mga hakbang ng wastong paggamit ng halamang gamot, bisitahin ang link na ito.
May mga pagkakataong ginagawang capsules o powder ang mga halaman. Nagiging sangkap din ang mga ito ng juice, tablets, creams, at ointments na nagiging available rin sa merkado kapag napatunayan at naaprubahan nang ligtas at epektibo.
Tandaang laging mahalaga ang pagkonsulta sa iyong doktor. Makatutulong din ang masusing pananaliksik tungkol sa mga nabanggit na halimbawa ng mga halamang gamot bago mo ito inumin o gamitin. Kailangan pa ring lumapit sa doktor upang makakuha ng medical diagnosis ng nararamdamang sakit bago uminom ng alinmang herbal remedies.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAlin sa mga halimbawa ng mga halamang gamot ang nasubukan mo na?
10 Halamang Gamot Na Aprubado Ng DOH
Source: Progress Pinas
0 Comments