Tumataas Ang Tyansa Na Magkaroon Ng An An Kapag Buntis, Sabi Ng Derma

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag buntis, marami talagang pagbabago sa katawan na dulot ng hormones. Pero hindi mo siguro iisipin na apektado pati ang iyong balat, kaya gusto mong malaman, halimbawa, anong gamot sa an an.

    Ano ang an an?

    Tinatawag ang an an o an-an sa medical term na tinea versicolor. Isa itong uri ng mga sakit sa balat na sanhi ng fungus, ayon kay Dr. Boyet V. Bautista Jr., isang dermatologist at miyembro ng Dermatologic and Aesthetic Surgery International League.

    Aniya, “Makikita ito na patse-patseng bilog at namumuting balat sa mukha, leeg, likod at mga iba pang lugar sa katawan. Maaaring makaranas din ng pangangati at konting pagbabalat sa mga lugar na tinamaan nito.”

    “Hindi ito nakakahawa,” sabi pa ni Dr. Bautista, na fellow din ng Philippine Association of Primary Health Physicians, Inc. “Ang fungus na sanhi ng an-an ay normal nang natatagpuan sa balat at  hindi ito nagiging problema sa ordinaryong sitwasyon.”

    May dagdag na paliwanag ang mga eksperto ng American Academy of Dermatology Association (AAD). Sabi nila, pityriasis versicolor ang isa pang tawag sa an-an o tinea versicolor. Ang halimbawa ng fungus na maaaring magdulot ng infection ay yeast, na namumuhay sa balat ng tao.

    Kapag daw masyadong dumami ang yeast sa balat, pinagsisimula ito ng sakit, gaya ng an-an. Isa raw itong common skin disease sa mga maiinit na bansa (tropical at subtropical), tulad ng Pilipinas.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sino ang madalas na magkaroon ng an an?

    May ilang dahilan kung bakit dumadami ang fungus, gaya ng yeast, sa balat at nagdudulot ng sakit, sabi ni Dr. Bautista. Isa raw diyan “kung lumakas ang aktibidad ng iyong sebaceous at sweat glands,” na kadalasan iyong “mga edad na 15 to 24 taong gulang.”

    Ang nangyayari tuloy, “nagkakaroon na ng pagdami at paglago ng fungus na nagiging sanhi ng paglabas ng mga sintomas nito.” Tataas din daw ang tyansa ng paglago ng fungus, na sanhi ng an-an, ang mga sumusunod:

    • Mainit at mahalumigmig (humid) na panahon
    • Oily at mamasa-masang balat
    • Paghina ng immune system
    • Pagbabago ng hormones (tulad ng mga nagbubuntis)

    Totoo na “more susceptible” ang mga buntis sa tinea versicolor, sabi ng mga eksperto ng Cleveland Clinic. Kaya mainam daw na maging alerto sa mga ganitong sintomas:

    • Patse-patse (patches) sa balat, hindi lang puti pero puwede ring may pagka-pink, yellow-brown o di kaya tan
    • Pangangati sa mga apektadong parte ng balat
    • Pagkatuyot ng balat at pagkakaroon ng kaliskis (scales)
    • Sobrang pagpapawis

    Anong gamot sa an an?

    May mga anti-fungal creams at solutions na nabibili sa botika, sabi ni Dr. Bautista, na chief executive officer (CEO) at consultant ng Ageless You Anti-Aging and Skin Clinic sa Dagupan City, Pangasinan. Mga halimbawa raw ang sulphur soaps at creams, pati na ketoconazole at miconazole.

    Pero payo niya, “Mainam pa ring magpakunsulta sa iyong dermatologist o doctor para masigurong tama ang lunas na iyong ilalagay lalo na sa mga may espesyal na kundisyon tulad ng mga buntis at may mga iba pang karamdaman.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bilin pa niya, “Tandaan lang po natin na hindi lahat ng namumuting balat ay an-an at maaring may iba pang sanhi ito na puwedeng ikasama ng kundisyon sa paglalagay ng maling gamot.”

    Kapag naresetahan ng kung anong gamot sa an-an, makakatulong na sundin ang skin-care tips ng mga dermatologist ng AAD:

    • Hugasan at patuyuin ang apektadong balat bago lagyan ng gamot
    • Magpahid lamang ng manipis na layer ng anti-fungal cream o ointment
    • Iwasan ang paggamit ng mga produkto na oily para sa balat
    • Piliin ang mga produktong oil-free o di kaya non-comedogenic
    • Magsuot ng maluluwag na kasuotan na makakahinga ang balat
    • Iwasan ang pagbibilad sa araw

    Basahin dito ang beauty tips para sa mga buntis.

    What other parents are reading

Tumataas Ang Tyansa Na Magkaroon Ng An An Kapag Buntis, Sabi Ng Derma
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments