-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Hindi nakakapagtaka kung magkaroon ng bulate sa tiyan ng mga bata dahil naglalaro sila kahit sa hindi kalinisang lugar. Pero puwede ring magkaroon ng bulate sa tiyan ng matanda, siguro nang hindi sinasadya o baka naging masyadong kampante pagdating sa kalinisan.
Paano nagkakaroon ng bulate sa tiyan ng matanda?
Maaari mong makuha ang bulate (intestinal worms) mula sa dumi ng taong infected nito, ayon sa mga eksperto ng United Kingdom National Health Service (NHS). Isa pa raw paraan ang mula sa pagkain na mayroong mga bulate o itlog nila (worm eggs)
Ilan pang mga halimbawa:
- Paghawak sa objects o di kaya surfaces na may worm eggs, na mula naman sa ibang tao na infected
- Paghawak o pagtapak sa lupa na may mga bulate
- Pag-kain o pag-inom na kontaminado ng bulate
- Pag-kain ng hilaw o kulang sa luto na karne o di kaya isda mula sa tubig-tabang (freshwater)
Puwede rin magmula ang bulate sa mga alagang hayop, pero bihira raw itong mangyari.
Mga uri ng bulate sa tiyan
May iba-ibang klase ng intestinal worms, pati na parasites, ang maaari mong makuha at maging sanhi ng infection. Ayon sa mga eksperto ng American Academy of Family Physicians (AAFP), ilan sa mga ito ang:
- Enterobius vermicularis (pinworm)
- Giardia lamblia
- Ancylostoma duodenale
- Necator americanus (hookworm)
- Entamoeba histolytica
Sinasabi ng mga eksperto na pinakakaraniwang umaatake ang mga pinworm. Kilala rin ang mga ito sa tawag na threadworm dahil sa itsura nilang mapuputing hibla na mapapansin mo sa iyong dumi.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKapag naging infected ng pinworms, maaaring wala kang maramdamang sintomas o di kaya mild symptoms lang. Isa sa malaking palatandaan ang pagkati sa paligid ng anus, lalo na sa gabi. Kaya malamang maging balisa ka sa kama at hindi makatulog.
Dahil kumakalat din ang mga pinworm sa vagina, puwedeng maging sintomas ang pagkati sa parteng ito at ang vaginal discharge. Kung magdulot naman ng sugat ang pagkamot sa kating dulot ng mga pinworm, puwedeng maging sanhi ito ng bacterial skin infection.
Kung umabot ka sa severe case, posible ka ring makaramdam ng:
- Pagsakit ng tiyan
- Pagkahilo at pagduduwal (nausea)
- Pangangayayat
- Pagkawala ng ganang kumain
Mga dapat gawin kung may bulate sa tiyan
Para makasiguro na mga pinworm ang umaatake, suhestiyon ng mga eksperto na kumolekta ng mga itlog ng bulate pangkagising na pagkagising mo at saka gawin ang “tape test.” Iwasan mo lang muna na gumamit ng banyo, maligo, at magpalit ng damit para hindi matanggal ang mga ito sa iyong balat.
May mga gamot na nabibili over-the-counter bilang panlaban sa mga pinworm. Makakatulong din ang pagligo at pagpapalit ng underwear para mabawasan ang mga itlog na umaatake. Pero kahit mapuksa mo na sila at gumaling ka na mula sa infection, posibleng umatake silang mula. Kaya payo ng mga eksperto na patuloy ang pagi-ingat.
Gawin ang mga sumusunod:
- Dalasan ang paghuhugas ng mga kamay at kuskusin ang mga kuko. Gawin ito lalo na bago kumain at pagkatapos gumamit ng banyo.
- Maligo kada umaga.
- Banlawan muna ang toothbrush bago ito gamitin.
- Siguraduhing maiksi at malinis ang mga kuko.
- Labhan ang mga pantulog, kumot, at tuwalya gamit ang mainit ng tubig.
- Mag-disinfect ng surfaces ng kusina at banyo.
- Mag-vacuum ng bahay.
- Punasan ang mga alikabok gamit ang basang basahan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosIwasan ang mga sumusunod:
- Pagpag ng mga damit at kumot para hindi kumalat ang mga itlog ng bulate.
- Paggamit ng tuwalya na hindi sa iyo.
- Pagkagat ng mga kuko.
Bilin pa ng mga eksperto na maging alerto sa mga ganitong sintomas:
- Pagsulpot ng malaking bulate sa iyong dumi
- Pagkakaroon ng mapula at makating rashes na hugis bulate
- Pagsakit ng tiyan at pagtatae
- Pangangayayat nang husto kahit hindi sinasadya
Malamang daw na hindi mga pinworm ang bulate sa tiyan ng matanda, bagkus baka roundworm, hookworm, o di kaya tapeworm. Kaya mainam na magpatingin ka na sa doktor.
Basahin dito kung bata ang may bulate sa tiyan.
Hindi Lang Bata Ang Inaatake Ng Pinworms At Iba Pang Intestinal Worms
Source: Progress Pinas
0 Comments