30 Schools Kumpirmadong Lalahok Sa Pilot Run Ng Face-To-Face Classes

  • Nasa 30 na paaralan ang inaasahang lalahok sa pilot run ng face-to-face (F2F) classes sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Department of Education (DepEd).

    Kasama ang mga paaralan na ito sa inisyal na 59 schools na unang tinukoy ng DepEd na kabilang sa implementasyon ng limited in-person classes simula November 15, 2021.

    Ayon kay Education assistant secretary Malcolm Garma, bigo ang ibang paaralan sa pagkuha ng approval na required mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan, komunidad, at mga magulang ng kanilang mga estudyante na magsagawa ng in-person classes.

    Gayunpaman, 46 na paaralan pa ang patuloy na umaapela upang mapabilang sila pilot run ng face-to-face classes.

    Sa 30 schools na kabilang sa bagong listahan, tatlo ang mula sa Luzon, 11 ang mula Visayas, habang 16 naman ang nasa Mindanao.

    Narito ang listahan ng mga nasabing paaralan:

    Luzon

    • Gutusan Elementary School (City of Masbate, Masbate)
    • Mary B. Perpetua National High School (Milagros, Masbate)
    • Sinalongan Elementary School (City of Masbate, Masbate)

    Visayas

    • Mayabay Elementary School (Barbaza, Antique)
    • Igsoro Elementary School (Bugasong, Antique)
    • Laserna Integrated School (Nabas, Aklan)
    • Basak Elementary School (Samboan, Cebu)
    • Mahanlud Elementary School (Malabuyoc, Cebu)
    • Cabagdalan Elementary School (Balamban, Cebu)
    • Luyongbaybay Elementary School (Bantayan, Cebu)
    • Cañang-Marcelo Luna National High School (Oslob, Cebu)
    • Busay National High School (Moalboal, Cebu)
    • Pilar National High School (Pilar, Cebu)
    • Siocon Elementary School (City of Bogo, Cebu)

    Mindanao

    • Dalama Central Elementary School (Baroy, Lanao del Norte) 
    • Babalaya Elementary School (Bacolod, Lanao del Norte) 
    • Napo Elementary School (Linamon, Lanao del Norte)
    • Masibay Integrated School (Nunungan, Lanao del Norte) 
    • Tambacon Integrated School (Magsaysay, Lanao del Norte)
    • Marcela T. Mabanta National High School (Kauswagan, Lanao del Norte)
    • Paco National High School (City of Kidapawan, North Cotabato)
    • Bato Elementary School (Makilala, North Cotabato)
    • Siloh Elementary School (Siay, Zamboanga Sibugay)
    • San Vicente Elementary School (Payao, Zamboanga Sibugay)
    • Manga National High School (Pagadian, Zamboanga del Sur)
    • Manga Elementary School (Pagadian, Zamboanga del Sur)
    • Lala Elementary School (Pagadian, Zamboanga del Sur)
    • Sominot National High School (Sominot, Zamboanga del Sur)
    • Tabina Elementary School (Tabina, Zamboanga del Sur)
    • Guipos National High School (Guipos, Zamboanga del Sur)
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Vaccination ng mga guro

    Iniulat din ni Garma na tuloy-tuloy ang pagbabakuna ng mga guro at empleyado ng 30 paaralan na sasalang sa unang batch ng F2F classes. Base sa kanilang datos, 317 na sa mga school employees ang nakatanggap na ng unang doses ng COVID-19 vaccine.

    “Patuloy po ‘yung ating ginagawang kampanya na ang ating mga kaguruan lalong-lalo na dito sa mga paaralan na magsasagawa ng face-to-face na masigurong sila ay nabakunahan,” ani Garma.

    Dagdag ng Deped, patuloy rin na nadadagdagan ang bilang ng mga paaralan na tinitingang maaaring mapabilang sa pagsasagawa ng F2F classes. Pinagsusumikapan umano ng ahensya na mabuo ang 100 public schools na target sana para sa pilot run. Ito ay naaayon sa inilabas nilang guidelines kasama ng Department of Health (DOH). (Basahin dito ang buong guidelines) 

    Kung magiging matagumpay ang pilot run sa Nobyembre, maaaring nang palawigin ng limited in-person classes sa mas maraming lugar hanggang Marso 2022.

    Simula nang tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas, pinapairal ang distance learning sa halos lahat ng paaralan sa bansa.

    Pabor ba kayong papasukin na sa paaralan ang inyong mga anak? Makisali sa diskusyon sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

30 Schools Kumpirmadong Lalahok Sa Pilot Run Ng Face-To-Face Classes
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments