Masakit Ang Tiyan At Parang Nasusuka: Mga Dahilan Gaya Ng Food Poisoning At Appendicitis

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Pangkaraniwan na sa mga bata at matatanda na makaranas ng sakit na tiyan at kung minsan may kasamang pagduduwal o pakiramdam na nasusuka. Nagdudulot ito ng pagka-iritable at hindi ka mapakali kapag ganito ang nararamdaman mo.

    Pero kung minsan pansamantala lang naman ang ganito gaya ng kabag na maalis din pagkaraan ng ilang minuto o kapag nailabas ang hangin sa tiyan. Ang pagtatae o diarrhea na nagdudulot din ng sakit sa tiyan ay maiinuman ng gamot.

    Kapag nalipasan tayo ng gutom o hindi nakakain sa tamang oras, nakakaramdam tayo ng pananakit ng tiyan. Ngunit paano kung masakit na ang tiyan mo at parang nasusuka ka pero hindi ka naman buntis? O kaya pabalik-balik na sakit pagkatapos mong kumain o mas tumindi pa ang sakit?

    Bakit masakit ang tiyan at parang nasusuka?

    Nartio ang ilang sa mga kondisyon na may sintomas ng pananakit ng tiyan na may kasamang pagsusuka.

    Hindi natunawan

    Nagdudulot ng indigestion ang pagkain nang mabilis o labis na pagkain kasama na rin ang pag-inom ng sobra ng alak, kape, o kaya naman dahil sa stress. Posibleng sintomas din ito ng gastrointestinal gaya ng acid reflux.

    Bukod sa sakit sa tiyan at pagsusuka, makakaramdam ka rin ng bloating, hapdi sa tiyan at lalamunan, hangin sa sikmura, at palagiang pagdighay.

    Pagkalason sa pagkain 

    Makararanas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka kapag nalason mula sa kontaminadong pagkain. Kasama ring sintomas nito ang pagtatae at lagnat. Maaaring maranasan ang sintomas pagkaraan ng ilang oras o posible pang paglipas ng ilang araw depende sa uri ng nakain.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pagkabalisa

    Ang pagkakaroon ng pakiramdam na labis na pagkabalisa o anxiety ay nakapagdudulot na pananakit ng tiyan lalo na sa mga bata. Bukod pa rito, maaaring makaranas ng hirap sa pagdumi o kaya naman pagtatae. (Basahin ang sintomas ng anxiety attack.)

    Viral gastroenteritis

    Tinatawag din “stomach flu” ang gastroenteritis na isang anyo ng impeksyon sa bituka. Mahahawa o posibleng makuha ito mula sa pagkagat sa pagkain ng iba o paggamit ninyo ng parehong utensils, paghawak sa kontaminadong bagay o gamit, o pag-inom sa iisang baso ng taong mayroon nito. Kusang nawawala naman ito pagkalipas ng ilang araw. May kasama rin itong pagtatae, pagsusuka, at lagnat.

    Norovirus

    Isa itong uri ng nakahahawang virus na nagdudulot sa tiyan at bituka ng pamamaga at makaramdam ng paghapi ng sikmura. Makararanas ng pagsusuka at pagtatae bukod sa sakit ng tiyan at pagduduwal. Nakukuha ito mula sa taong mayroon nito o sa pagkonsumo ng kontaminadong pagkain o tubig.

    Gallstones

    Isang organ ang gallbladder na kinalalagyan ng apdo. Ang nasa  loob ng apdo ay maaaring magdikit-dikit at maging gallstones. Maaaring bumara ito sa bile duct na humarang sa pagdaloy ng apdo na magdudulot ng spasm sa gallbladder at makaranas ng sintomas ng lagnat, panginginig, jaundice, at matingkad na kulay ng ihi.

    Kidney stones

    Bukod sa masakit na balakang o pananakit ng likod, mararanasan din ang pananakit ng tiyan kapag mayroon kang kidney stones. Maaaring lumabas ito nang kusa lalo na iyong maliliit ngunit ang maiiwan ang malalaki at bumara na magdudulot ng ibang sintomas pa gaya ng lagnat, dugo sa ihi, at kakaibang amoy ng ihi.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Appendicitis

    Kapag naharangan ang appendix, mamamaga ito at titigil ang pagdaloy ng dugo. Ito ay sanhi ng impeksyon o kaya naharangan ng dumi o bukol. Kapag pumutok ang appendix, mamimilipit ka sa matinding pananakit ng tiyan, nangangailangan ito ng agarang atensyong medikal.

    Paano maiwasan ang pananakit ng tiyan at pagsusuka

    Para maisawan ang mga karaniwang pananakit ng tiyan at pagsusuka, mahalaga ang pagpapanatili ng “good hygiene.” Ito ang susi para makaiwas sa pagpasok ng germs sa ating katawan na makaapekto sa ating sikmura.

    Bukod dito, ugaliin din ang mga sumusunod:

    • Palagiang paghuhugas ng kamay o handwashing na may kasamang sabon at malinis na tubig. Gawin ito pagkatapos gumamit ng banyo at bago at pagkatapos kumain.
    • Mabuting hugasan din muna ang anumang gagamiting lalagyan ng pagkain o inumin na matagal nang nakatabi bago gamitin ulit.
    • Tamang pag-iimbak o pagtatago ng pagkain
    • Maayos na paghahanda ng pagkain
    • Pagdi-disinfect ng mga kontaminadong lalagyan, gamit o lalagyan

    Posibleng maranasan mo ang pagsakit ng tiyan at pagsusuka anumang oras. Maaaring umatake ito sa umaga, araw, o gabi pero kadalasan pagkaraan ng pagkain. Bagaman karaniwan ang pananakit ng tiyan at kung minsan may kasamang pagduduwal, mahalagang alamin kung ano ang pinagsimulan ng iyong nararamdaman.

    Importante ring malaman kung ano ang kasamang sintomas ng nararamdaman mo at kung kalian ito nagsimula.

    Pakiramdaman ding mabuti ang iyong sarili kung labis o lumalala ang sakit, lalo na kung nakainom ng mga gamot na over-the-counter, hindi pa rin nawala at halos namimilipit ka na sa sakit. Agad na magpatingin sa doktor para masuri ka at mabigyan ng tamang diagnosis sa iyong nararamdaman.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Masakit Ang Tiyan At Parang Nasusuka: Mga Dahilan Gaya Ng Food Poisoning At Appendicitis
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments