Paano Malalaman Kung Kulani Ang Biglang Sumulpot Na Bukol

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kahit anong bukol na masalat saan mang parte ng katawan, hindi maiiwasan na magulat at magtaka. Pero kung ang bukol ay nasa bandang panga, leeg, kili-kili, at singit, baka dahil ito sa namamagang kulani.

    Ano ang kulani?

    Tinatawag ang kulani in English lymph nodes. Ayon sa definition ng Merriam-Webster dictionary, ang lymph node (kung singular), ay kahit anong bukol ng lymphoid tissue na nababalutan ng connective tissue. Higit sa isa ang bukol kaya plural form na lymph nodes ang kadalasang ginagamit na term.

    Sabi nga ni Dr. Ronald John Unico, isang general practitioner, “Parte ng katawan ang mga kulani. Parte ang mga ito ng ating immune system.”

    May paliwanag ang mga eksperto ng University of Michigan Health. Anila, parte ang mga kulani ng lymph system. Ang mga ito ang nagdadala ng lymph fluid, nutrients, at waste material sa pagitan ng body tissues at bloodstream.

    Mahalaga ang papel na ginagampanan ng lymph system. Ito ang dumedepensa sa katawan laban sa mga sakit. Ang kasapi nilang lymph nodes naman ang sumasala sa lymph fluid habang tinatanggal ang mga bacteria, virus, at iba pang foreign substances. Sinisira naman ang foreign substances ng special white blood cells na lymphocytes kung tawagin.

    Tinatayang 600 ang bilang nga mga kulani o lymph nodes na nakakalat sa katawan, sabi ng mga eksperto. Pero mararamdaman mo lang ang mga ito kapag namaga at naging bukol (basahin dito). Gamit ang daliri, masasalat mo ang kulani sa kili-kili at kulani sa lalamunan bandang leeg, pati na sa ilalim ng panga at sa singit.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Masasabing normal ang nasalat mong kulani kung:

    • Maliit lang ito na parang munggo o di kaya holen
    • Makinis pero medyo matalim sa paligid (sharply edged)
    • Nababanat o elastic
    • Hindi nakadikit sa balat o di kaya tissue sa katawan
    • Hindi kumikirot kapag may palpitation

    Bakit namamaga ang kulani?

    Lahad ni Dr. Unico, “Namamaga ang kulani kapag may infection sa katawan. Ibig sabihin, active ang immune system. Madalas kasabay ng infection ang tagal ng pamamaga ng mga kulani. Minsan kahit magaling na ang pasyente, medyo maga pa rin ang kulani dahil dahan-dahan mawawala ang pamamaga nito.”

    May ilang sanhi ng infection, ayon sa mga ekperto. Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Problema sa ngipin (abscessed o di kaya impacted tooth)
    • Pamamaga ng gilagid (gingivitis)
    • Mga sugat sa bibig (mouth sores)
    • Namamagang tonsils (tonsillitis)
    • Infection sa tengaInfection sa balat
    • Sipon, trangkaso, at iba pang infection
    • Side effects sa gamot (seizure medicines, typhoid immunization)

    Meron ding mga sakit na nagdudulot ng infection, gaya ng:

    • Mononucleosis
    • Sexually transmitted illness (STI)
    • Tuberculosis
    • Human immunodeficiency virus (HIV)
    • Rheumatoid arthritis (RA)
    • Leukemia
    • Hodgkin disease
    • Non-Hodgkin lymphoma

    Kung may infection, mararamdaman mong nilalabanan ito ng katawan dahil namamaga at sumasakit ang mga kulani. Kaya hayaan mo lang daw kusang humupa ang pamamaga at mawawala rin ang sakit sa loob ng ilang araw. Puwede mo ring subukan ang ilang paraan bilang gamot sa kulani na namamaga. Inaasahang babalik sa normal size ang lymph nodes pagkaraan ng ilang linggo. 

    Kailan dapat mabahala?

    Kung magpapatuloy ang pamamaga at pananakit ng mga kulani ng ilan pang linggo, payo ng mga eksperto na komunsulta ka na sa doktor. Bantayan din daw ang ibang sintomas, tulad ng:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • Pamumula at paglambot sa parte ng mga namamagang kulani
    • Paninigas ng mga kulani o di kaya pagiging irregular ng hugis
    • Pagkakaroon mo ng lagnat, pamamawis sa gabi, o di kaya biglang pangangayayat

    Paliwanag ni Dr. Unico: “May mga kulani na kailangan ng mas malalim na imbestigastion tulad ng kulani na sa may baga (lungs). Ito ay maaring senyales ng sakit sa baga o di kaya naman ay maaring sensyales ng tumor ng lymph nodes. Kadalasan ang paggamot sa pamamaga ng kulani ay gamutin ang sanhi ng pamamaga nito.”

    Sabi pa ng mga eksperto, ang bacterial infection ay maaaring magamot ng antibiotics, samantalang kusang gumagaling ang viral infection. Pero kung cancer ang suspetsa ng doktor na dahilan ng pamamaga, sasabihan kang sumailalim sa biopsy para matukoy ang tamang diagnosis.

    Lymphadenopathy ang tawag sa mga kulani na hindi normal ang laki, hugis, dami, o di kaya consistency. Ito ay ayon kay Dr. Robert Ferrer sa kanyang artikulo para sa American Academy of Family Physicians (AAFP).

    Kapag daw kasi lampas 1 cm na ang kulani, tinatawag na itong abnormal. Kaya kailangan nang obserbahan mula tatlo hanggang apat na linggo. Payo ni Dr. Ferrer na komunsulta sa doktor para matukoy kung malignant ang kulani.

    What other parents are reading

Paano Malalaman Kung Kulani Ang Biglang Sumulpot Na Bukol
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments