-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Isang araw, nagulat ka na lang sa sarili mo sa salamin. Bakit ang laki mo na bigla? Kaka-kdrama? Sino ba kasi ang hindi matatakam sa mga eksenang kumakain ng ramen at tteokbokki? Tuloy, sa bawat kdramarathon mo may kasabay ring midnight snacks! Ngayon naghahanap ka na ng pampaliit ng puson.
Bakit lumalaki ang puson?
Iba’t iba ang mga dahilan ng paglaki ng puson, lalo na sa mga babae. Isa rito ang postpartum puson ng mga nanay. Sa ibang pagkakataon, hindi lang din ito simpleng paglaki ng puson kundi diastasis recti na. Kailangang kumunsulta sa doktor upang magabayan ka. Kailangang masuri nang wasto ang iyong katawan upang malaman ang wastong gamutan o dapat mong gawin.
Ayon sa Mayo Clinic, posible rin daw na may kaugnayan sa menopause ang paglaki ng puson ng isang babae. Sa ganitong panahon sa buhay ng babae kasi mas nadaragdagan ang body fat sa bahagi ng puson at tiyan. Basahin din dito ang ibinahagi ni Jo Sebastian, na isang nutrionist at dietician.
Isa pa sa factors ng pagkakaroon ng malaking puson ay genetics. Hindi naman ito nangangahulugang hindi mo na mapaliliit ang puson. Natural lang din na lumalaki ang puson at tiyan kapag busog. Bloating ang tawag dito. Nakikita rin ito sa mga lalaki, idagdag pa natin ang kanilang beer belly kapag mahilig uminom ng beer at alak.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAyon kay Sebastian, ang pagpapapayat, lalo na ang mga pampaliit ng puson ay hindi lamang umiikot sa ab workouts at fat burning na mga ehersisyo. Kailangang core muscles ang target at total body workouts ang gagawin kung nais mong magbawas ng timbang.
Paano nga ba paliitin ang malaking puson?
Sa artikulong ito, ibinahagi ng isang nanay kung paano niya nagawang magbawas ng timbang. Para sa kanya, ang pagkain ng karne, mga prutas, at mga gulay ang nakapagpalakas sa kanya at nakapagbigay ng enerhiya para sa kaniyang workouts. Kumain din siya ng malunggay para sa consistent at malakas na supply ng gatas para sa kanyang baby.
Kailangang maging maingat sa pagkain at makatutulong kung babantayan ang calories na nakukuha ng katawan kada araw. Ang inirerekomendang daily calorie intake para sa mga babae ay 2,000 at 2,500 para sa mga lalaki.
Mga pagkaing makabubuti sa kalusugan
- Whole foods (lentils, quinoa, isda, beans)
- Prutas tulad ng avocado
- Gulay
- Olive oil
- Pag-inom ng maraming tubig
Makatutulong din ang pagkain nang mas mabagal. Mas madali kasing mada-digest ang kinakain kapag hindi minamadali ang pagnguya.
Uminom ng isang basong tubig bago kumain
Nakapagbibigay ito ng pakiramdam na busog ka na bago pa kumain. Ang magiging epekto? Mas kaunting calories dahil hindi na mapaparami ang kain mo! Iwasan ang matatamis na mga inumin, mula sa mga soft drinks, juice, iced tea, at milk teas dahil malakas ang mga ito magpalaki ng tiyan at puson. Iwasan ding uminom palagi ng alak upang hindi magkaroon ng tinatawag na beer belly.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMatulog nang maaga at sapat
Matulog nang maaga upang makakuha ng sapat na pahinga. Iwasan ang pagpupuyat upang hindi tumaas ang cortisol level ng katawan. Kapag mataas ang cortisol, mas madalas na nakararamdaman ng gutom.
Mag-ehersisyo nang tatlo hanggang apat na beses kada linggo
Mapalalakas ng exercise ang mga muscle sa tiyan at sa buong katawan. Bukod sa popular na crunches, mas mainam kung magbabawas ng timbang at bababa ang pangkalahatang body fat percentage.
Puwede mong subukan ang Pilates, weightlifting, strength training, vertical leg crunches, at jogging. Isa pang maaari mong subukan ay ang pagsasayaw. Sabi nga ng BTS, mayroon kang permission to dance!
Pagdating sa walking, sinasabing ideal ang maka-10,000 steps a day upang mapanatili sa ligtas na bilang ang iyong timbang. Mas maraming calories din ang mawawala sa mga ehersisyong tulad ng paglangoy, aerobics, at jumping rope, na sikat na sikat ngayon.
Sanayin ang sarili sa wastong postura o posisyon ng katawan
Tumayo at umupo nang tuwid at maayos. Mahalaga ang wastong posture, kahit nakaupo. Pagkatapos kumain, maaari ding maglakad-lakad o tumayo lamang imbes na umupo lang agad.
Pagsusuot ng girdles o binders
Para sa ibang mga babae, gusto nila ang epekto ng pagsusuot ng girdles. Malaking tulong din ito sa mga babaeng kapapanganak lamang at gustong magpaliit ng postpartum puson.
Mahalaga ang self-care sa panahong ito. Hindi kailangang maging harsh o marahas sa sarili. Kainin mo ang nais mong kainin at siguraduhin lamang na may pisikal ka ring activity upang ma-burn ang fats at hindi ito maging delikado ang pagtaba para sa iyo. Kailangang mayroon kang magaan at positibong pananaw tungkol sa pagbabago sa iyong lifestyle, mula sa pagkain at mga ehersisyong gagawin.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKung magpapapayat, kailangang malinaw para sa iyo kung bakit mo ito sisimulan at gagawing bahagi na ng pang-araw-araw mong buhay.
Ano ang mabuting naidudulot ng maliit na puson?
Dapat ding maunawaan na dalawa ang uri ng fats o taba.Ang visceral fat ay ang taba na nakapaligid sa mga organ ng iyong katawan. Ang subcutaneous fat naman ang nasa ilalim ng balat. Parehong mahalaga ang dalawang ito. Pagdating sa pagpapapayat, mas madaling i-burn ang visceral kaysa sa subcutaneous.
Ayon sa Johns Hopkins Medicine, mas mataas ang panganib sa mga babaeng malaki ang baywang at puson.
May kinalaman kasi ang visceral fat sa sumusunod na mga karamdaman:
- heart disease
- Type 2 diabetes
- High blood pressure
- Abnormal cholesterol
- Breathing problems
Ipinaliwanag din ni Dr. Francisco Lopez Jimenez ng Mayo Clinic na tumitigas ang arteries kapag masyadong maraming taba sa iyong katawan. Ang arteries ang responsable sa pagdadala ng dugong puno ng oxygen sa lahat ng bahagi ng iyong katawan. Nagpo-promote rin ito ng inflammation.
Mayroon ding mga pag-aaral na nagsasabing nagdudulot ng increased risk ng premature death ang malaking puson at tiyan.
Tandaang kailangang hindi aabot ng 35 pulgada ang iyong baywang upang malayo sa panganib na dala ng sakit sa puso at diabetes. Sakaling lampas na sa inirerekomenda ang sukat ng iyong baywang at laki ng tiyan, sikapin mo sanang maging disiplinado sa pang-araw-araw mong pag-aalaga sa sarili.
Huwag pahirapan ang sarili. Kahit ano ay maaari pa rin namang kainin, basta in moderation pa rin. Bawasan lang ang pagkain ng kanin at sitsirya. Iwasan din ang processed foods na mataas sa trans fat, asukal, at asin. Kung kaya, iwasan na talaga ito at mas lalo pang kumain ng makapagbibigay ng sapat na sustansyang kailangan ng katawan araw-araw.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMahalagang hakbang ang pagkain ng masustansyang mga pagkain at ang tamang pag-e-ehersisyo kung nagpapapayat.
Alamin dito ang ilang kuwento at iba pang tips mula sa mga nanay na nagawang magpapayat at paliitin ang kanilang puson ilang linggo pagkatapos manganak.
Kung kaya nila, kakayanin mo rin! Para din ito sa iyong kalusugan at sa kinabukasan ng iyong pamilya. Hindi man simple at madali ang mga paraang pampaliit ng puson, posibleng makasanayan mo rin ito tungo sa mas malusog at panatag na bersyon ng iyong sarili!
Hindi Basta Liliit Ang Puson Sa Ab Workout: Ang Mga Kailangan Gawin
Source: Progress Pinas
0 Comments