-
Hindi na bago kay Jim Bacarro at Saab Magalona na palakihin ang kanilang dalawang anak na si Pancho at Vito na exposed sa iba’t-ibang music genres. Kwento nga ng mag-asawa sa SmartParenting.com.ph, naniniwala silang nakatulong ang musika sa paggaling ni Pancho habang nasa NICU siya noon. (Basahin ang buong kwento dito.)
‘Yun nga lang ay habang lumalaki, naging pihikan na ang mag-kapatid sa mga kanta na gusto nilang pakinggan. Kaya naman naisipan ni Jim na gumawa ng mga nursery rhymes base sa mga tugtog na nagugustuhan ng kanyang mga anak.
Noong una ay pagsasama-samahin lang dapat ni Jim ang mga tunog na gusto ng dalawang bata. “So when we go on a car ride, for example, My Sharona drums on a one-hour loop,” aniya.
Pero dahil nag-enjoy siya, naisip ni Jim na gumawa na lang ng original songs. Nagulat na nga lang raw si Saab na seryoso na pala ang kanyang asawa sa bago nitong business venture. Aniya, “He was actually making stuff and he was calling people na. Wait, what? This is actually happening?”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWDito nagsimula ang Puddy Rock, isang YouTube channel for kids. May cute animal characters ang Puddy Rock kung saan makakarelate ang mga bata — kabilang na ang mga batang may special needs at disabilities.
Sabi ni Saab, tuwang-tuwa ang magkapatid nang mapanood nila ito. “They went wild,” kwento niya.
Para malaman ang buong kwento kung paano nagsimula ang Puddy Rock, panoorin ang latest episode ng Smart Parenting Exclusive kasama si Jim at Saab:
Alamin ang sikreto ng happy marriage ni Jim at Saab dito.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Dahil Sa ‘My Sharona,’ Gumawa Na Ng Original Songs For Kids Si Jim At Saab
Source: Progress Pinas
0 Comments