4 Kadalasang Sinasabi sa Anak Na Dapat Iwasan Sa Pagdidisiplina

  • Kung ano ang nakalakihang naririnig sa magulang bilang disiplina ay kadalasang iyon din ang sinasabi sa nagiging anak. Pero ayon sa mga pag-aaral, may mga dapat nang baguhin sa inaakalang tamang pagdidisplina sa bata.

    Ganyan ang sinasabi ng book authors na sina William Stixrud, isang clinical neuroscientist at psychiatry professor, at Ned Johnson sa artikulong isulat nila sa CNBC.

    Mayroon silang pinagsamang 60 years na karanasan sa relasyon ng magulang at anak.  Kabilang sa kanilang mga libro ang What Do You Say? How to Talk with Kids to Build Motivation, Stress Tolerance, and a Happy Home at The Self-Driven Child.

    “Pag hindi ka nagsumikap ngayon, pagsisisihan mo iyan hambang-buhay.”

    Ang pananakot sa bata ang isa sa mga hindi epektibong paraan para magkaroon siya ng motivation, sabi ng mga eksperto. Katunayan, nakakadiskaril pa ito sa kanyang paglago bilang tao. Nakakadagdag din lang ng stress sa tuwing sinasabihan siyang pagbutihin ang lahat ng gawin.

    Mas mainam daw kung magpatuloy ka lang sa pagsuporta sa, halimbawa, kinagigiliwang sport o hobby ng anak. Iwasan mo rin daw na masyadong ilagay ang focus sa pag-aaral, tulad ng pagsasabing galingan para lumaki ang tyansa na makapasok sa top university. Hindi raw ganyan advance mag-isip ang mga bata.

    “Trabaho ko na maging ligtas ka.”

    Habang lumalaki ang bata, gaya ng pagtungtong niya ng high school, hindi na mo na masusubaybayan ang kanyang bawat galaw. Kaya mas mahalaga na maturuan mo siyang gawing ligtas ang kanyang sarili.

    Kung may nakita kang dapat itama, mahinahon mong kausapin ang anak. Pero bigyan mo rin siya ng layang magkamali at matuto sa pagkakamaling iyon. Ang mahalaga maramdaman niya na maiintindihan mo siya.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Pinaparusahan kita para malaman mong hindi katanggap-tanggap ang inaasal mo.”

    Kapag daw kasi ipinilit mong parusahan ang anak, nagiging negatibo ang epekto nito sa inyong relasyon. Lalo lang daw lalakas ang loob ng bata na magsinungaling at suwayin ka.

    Mas makakatulong daw na huwag mong ipilit na pakinggan ka ng anak mo. Kung pareho na kayong kalmado, makakapag-usap kayo nang mabuti at maituturo mo ang dapat sa kanya. Sabi pa ng mga eksperto, walang patutunguhan ang paboritong babala ng magulang na “You’re grounded forever!”

    “Nakababad ka na naman sa cellphone.”

    Mahalaga na maintidihan ng magulang ang ginagalawang social world ng bata. Imbes daw na sitahin, mas makakatulong daw na alamin kung ano ang kinagigiliwan na app ng anak at pag-usapan ninyo ito. Magiging bukas siya sa iyong opinyon at suhestiyon. Para hindi lang pag-monitor ang ginagawa mo, kundi nagiging mentor ka sa paggalaw sa social media.

    Basahin dito para sa iba pang tips sa pagdisiplina ng anak.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

4 Kadalasang Sinasabi sa Anak Na Dapat Iwasan Sa Pagdidisiplina
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments