Paano Malalaman Kung Sinisikmura Dahil Sa Gastric Ulcer O Sa GERD

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kapag may pangangasim kang nararamdaman sa tiyan, hindi maiiwasan na mapaisip kung anong sinisikmura in English. Baka kasi makatulong ang kaalaman na iyan para magkaroon ka naman ng kamalayan sa posibleng health condition habang inaayos mo pa ang pagpapatingin sa doktor.

    Bakit ka sinisikmura?

    Kadalasang sanhi ang pangangasim, pati na ang pag-init at paghapdi, ng sobrang stomach acid o hyperacidity. Kaya kung pagbabasehan ang definition ng Merriam-Webster para sa hyperacidity, sinisikmura in English ay “condition of containing more than the normal amount of acid.”

    Kadalasan ding dalawa ang pinagsususpetsahang dahilan ng pananakit ng sikmura: stomach (gastric) ulcers at gastroesophageal reflux disease (GERD). Ang mga ito kasi ang ilan sa common gastrointestinal disorders, ayon sa mga eksperto sa University of California, Los Angeles (UCLA) Health.

    Pero ang GERD daw ay nangyayari kapag ang muscle sa pagitan ng esophagus at stomach ay nanghina. Sa kabilang banda, ang ulcer ay sugat (sore) sa tiyan o di kaya sa lining ng small instestine. Nabibigyan daw ng lunas ang parehong kondisyon sa tulong ng gamot na pambababa ng acidity sa tiyan. Magkaiba lang ang haba o tagal ng gamutan.

    Sinisikmura dahil sa stomach ulcer

    Kabilang ang stomach ulcers, na tinatawag ding gastric ulcers, sa mga uri ng sakit na peptic ulcer. Ang pepctic ulcers ay anumang ulcer na nakaapekto sa tiyan at maliliit na bituka sa loob ng katawan.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Nangyayari ito, ayon pa sa mga eksperto, kapag ang makapal na layer ng mucus na nagpoprotekta sa iyong tiyan mula sa digestive juices ay nabawasan. Magdudulot daw ito ng sugat o butas sa lining ng iyong sikmura na siyang dahilan ng pananakit ng tiyan.

    Ang ilan sa mga pangkaraniwang sanhi ng ulcer ang:

    • Impeksyon na may kinalaman sa Helicobacter pylori (H. Pylyori), ang bacteria na tumitira sa ating digestive tract at sumisira sa stomach lining o duodenum kaya nagkakaroon ng stomach ulcer
    • Matagal na paggamit ng  mga anti-inflammatory drugs tulad ng ibuprofen, naproxen at aspirin
    • Sobrang asido sa sikmura (hperacidity), na maaaring dulot ng stress, paninigarilyo, o mga pagkaing maaanghang at mamantika, pero puwede ring namamana.
    • Sobrang pag-inom ng alak
    • Pagpapalipas ng gutom
    • Family history ng ulcer

    Pangunahing sintomas ng stomach ulcer ang pananakit sa gitna ng iyong sikmura, na nasa pagitan ng iyong dibdib at pusod. Kadalasang mas tumitindi ang pananakit kapag walang laman ang tiyan, na tumatagal nang ilang minuto hanggang ilang oras.

    Posible ring wala kang maramdamang kirot, sabi ng mga eksperto sa UCLA, pero dapat mong bantayan ang iyong pagdumi. Kung may kasama raw dugo ang iyong dumi o di kaya maitim ito, baka nagdudugo na ang iyong ulcer. Makukumpirma lang ito sa pamamagitan masusuri ka ng doktor. 

    Sinisikmura dahil sa GERD

    Kapag nakaramdam ka ng pag-init, na parang sinusunog, sa may lalamunan. Heartburn ang tawag diyan. Umakyat kasi ang stomach acid pabalik sa dinaanan na nitong esophagus, o ang tubo na kumukonekta sa bibig at tiyan. Acid reflux ang tawag sa ganyang pangyayari sa katawan, na kapag dumalas, tumutuloy sa pagkakaroon mo ng GERD.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bukod sa heartburn, may ilan pang sintomas ang GERD:

    • Mapaklang panlasa pagkatapos kumain (acid regurgitation)
    • Hirap sa paglunok
    • Biglang paglalaway
    • Madalas na pananakit ng lalamunan (chronic sore throat)
    • Pamamalat ng boses (hoarseness, laryngitis)
    • Pamamaga ng gilagid (inflammation of the gums)
    • Pagkasira ng ngipin (cavities)
    • Pagbaho ng hininga
    • Paninikip ng dibdib  (kailangan mo na ng tulong)

    Ang mga taong overweight o obese at naninigarilyo ang kadalasang nagkakaroon ng GERD. Kaya malaking tulong ang pababago ng lifestyle para umayos ang kondisyon. Dagdag pa diyan ang pag-inom ng resetang gamot (basahin dito) at pag-iwas sa mga partickular na pagkain, pati na inumin (basahin dito).

    Para makatukoy nang tama ang iyong kondisyon na sinisikmura, in English hyperacidity, paala ng mga eksperto na komunsulta sa doktor. (Basahin dito para sa gamot sa sinisikmura at dito para gamot sa sinisikmura herbal.)

    What other parents are reading

Paano Malalaman Kung Sinisikmura Dahil Sa Gastric Ulcer O Sa GERD
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments