Mall, Drive-Thru, EDSA: 20 Hilarious Of ‘Where My Water Broke’ Stories

  • It is natural to feel anxious especially if you’re pregnant and approaching your due date. That’s because no matter how much you prepare, anything can happen and catch you off guard.

    We asked moms where they were and what they were doing when their baby decided, “I want to come out now!” Read on their hilarious experiences, which the moms handled pretty well considering the circumstances.

    Ooops, that’s my water bag breaking in the mall 

    “Nasa mall kami namimili ng crib. Sabi ko pa sa baby ko sa tiyan, ‘Be, pwede ka na lumabas, may crib ka na.’ Sus, after ilang minutes sumakit na tiyan ko! Nagstart na ako mag labor! Oh, di ba very masunurin na anak, lumabas agad!” – Carla J.

    “While doing shopping ng gamit ni baby, doon na rin pumutok ang panubigan ko. Sinakay na ako sa wheelchair ng mga guards. Haha!” – Maria V.

    “Mag wi-withdraw sana ako, kaso, biglang pumutok ‘yong panubigan ko. Nahiya pa ako kasi akala ko naihi ako. Hahaha!” – Joy B.

    “Sa SM cinema, nakahiga na ako sa may entrance sa sobrang sakit! Already bought the tickets to watch a movie with my kids, but, biglang sumakit.” – Cassie T.

    “I was shopping for dresses at SM with my husband and then my water bag broke! Had to walk to the parking lot with all the water on my shorts and legs.” – Joerii L.

    Mom’s priorities

    “Sa kwarto, nanonood ako ng It’s Showtime. Sa katatawa ko, akala ko naihi lang ako. Ayun pala, pumutok na ang panubigan ko. Naiwan pa ako ng tricycle kasi nagkikilay pa ako!” – Jekjek L.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Nagp-iprito ako ng hot dog noon nang biglang pumutok ‘yong panubigan ko. Kahit pumutok na tinapos ko pa rin ‘yong ginagawa ko. Chillax lang. Tapos si mama, todo taranta!” – Belle M.

    “Nanonood ako ng PBB Celebrity Edition that time. Dinugo na ako. Then, pinaligo na ako ng nanay ko. Nasa banyo ako nang nagsisisigaw ako. Natakot nanay ko haha! Ayun pala itatanong ko lang sino nanalo as big winner.” – Roxanne T.

    “Nasa kapitbahay ako, nakiki-chismis pa. Ayun pala, lalabas na si baby! Syempre tinapos ko muna ang chismisan.” – Arianne G.

    “‘Yung sa panganay ko, nasa Giligan’s resto kami noon sa Makati. Gumigimik pa muna habang nagla-labor na!” – Anj L.

    “Nagugutom na raw siya kaya nag drive thru muna kami sa Jollibee bago ilabas si baby! Labor na pero talagang food is life siya.” – Nelmor DA

    Don’t come out yet, baby! Mommy is at work

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “I was having a tattoo session with my last client that day. I thought back pain lang. I took a break and nagpa-sub ako kay hubby to continue the tattoo, so I can rest my back. Five minutes later, I went out again and said, ‘I think manganganak na ako.’” – Ann

    “Assisting ako ng mga pasahero papuntang flight noon. Hahaha! Talagang labor every 10 minutes na ako that time, juskopo! Tiis talaga.” – Maine C.

    “Sa aking youngest, nasa school ako noon giving report cards sa parents. Hirap!” – Ginang V.

    “Nagse-erve ako ng customer noon sa canteen. Tapos, bigla na lang akong ngumingiwi na napapaiyak na sa sakit. Nagtaka na lang ‘yung customer ko sakin. Haha!” – Honey P.

    Anak, gusto mo talaga dito ako manganak?

    “Nagpunta ako sa lying-in dahil nagpa-check up ako. Four cm na pala ako kaya sabi ko, papa-admit na ako sa gabi at uuwi lang muna saglit para ayusin mga gamit. Kaso while driving, nag start na ako mag labor! Hulaan niyo na lang kung ano nangyari after.” – Aica R.

    “Naka-biyahe kami noon sa bus. Muntik na ako manganak talaga sa loob ng bus kung hindi ko tiniis ang eight hours na paghihilab ng tiyan ko.” – Bhea S.

    “Nakasakay kami sa motor noon. Kaso hindi na kami umabot sa clinic kaya kumatok na lang kami sa mga bahay bahay doon sa daan. Haha!” – Jessica G.

    “Sabi sa amin sa ospital, hindi pa raw ako manganganak. Pero pag-uwi, feel ko talaga lalabas na! Ayun balik ospital, kaso hindi umabot. But, thank God at safe nakalabas si baby sa kotse habang nasa EDSA!” – MJ B.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Nasa banyo ako nang biglang pumutok na ‘yung panubigan ko and lumabas na si baby! Talagang ‘di na nakaabot sa hospital. #SelfGivingBirth” – Anne E.

    Had a good laugh? Have your own story to tell? Share it with us! Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject “My birthing story.”

    What other parents are reading

Mall, Drive-Thru, EDSA: 20 Hilarious Of ‘Where My Water Broke’ Stories
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments