Dishwashing Liquid Sa Kawali Imbis Mantika!’: Parents Share ‘Lutang’ Stories

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories. 

    While it’s true that mothers suffer from “mom brain” — being extra forgetful after the birth of their kids — dads are no exception, too! Perhaps it’s because of sleep deprivation and the endless list of tasks that come with caring for a child that ‘sabaw’ or ‘lutang’ moments inevitably happen.

    17 parenting fails from moms and dads

    On our Facebook page, we shared a mom’s funny but “worst mom brain experience” and naturally a lot of parents could relate! The comment section was quickly flooded with hilarious stories not just from mothers but from dads as well.

    If you need some cheering up, here are 17 of parents’ most ‘sabaw’ moments:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “‘Yung andyan na sa gate niyo si Shopee at Lazada delivery, ‘Wait lang kuya, wala pa akong bra!’ Takbo sabay hanap saan ko ba nailagay.” — Marianne R.

    “Pinabili ng pandesal sa tindahan nung umaga. Naalimpungatan kaya nag-bike ng walang bra!” — Ness A.

    “Buti nga bra lang nakalimutan mo, ako pati pambili!” — Iva G. 

    “Nag grocery ako sa supermarket. Ang dami ng laman ng push cart wala naman pala akong dalang pera!” — Charlene C.

    “Pumunta sa mall in a comfy dress tapos naka-tsinelas pa pala ako na dugyot. Sabi ng asawa ko, strategy ko raw ‘yun. Hindi ah! Excited lang akong lumabas ng bahay.” — Jhing G. 

    “Nailagay ko sa kawali ‘yung Joy imbis na mantika, kasi magkakulay sila ng package, tapos magkatabi kasi ang kalan at lababo.” — Je Ri L.

    “Nagluto ng sopas, kumain kami ng mga anak ko. Pagkatapos maghugas, saka ko naalala walang pasta shells ‘yung niluto ko. Masarap siguro. Hindi napansin eh.” — Mina V.

    “Hinahanap ko ‘yung cellphone ko. Hawak ko pala.” — Dhang N.

    “Magtitimpla sana ako ng kape ko kaso panay tawag ng anak ko sa’kin. Ayon. Bawat balik ko sa kusina, dagdag ako ng dagdag ng kape hanggang sa tinikman ko na. Grabe, pait!

    “Kahit anong dagdag ko ng gatas at asukal, mapait pa rin! Mapait, parang sinapit ko.” — Rose R.

    “Not my story, but my husband’s. Kanina lang, binilin ko sa husband ko na patayin na ang mga ilaw at pumasok na sila ng mga bata (4-year-old and 2-week-old baby) sa master bedroom. Nag-CR lang ako (may CR sa loob ng room).

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Paglabas ko, pumasok na nga sila at patay na ang mga ilaw, pero ‘yung 2 weeks old na bunso namin nawawala! Ang saya-saya pa nilang mag-ama, naglalaro sa iPad. Nang tanungin ko asan na ang bunso namin, naiwan pala sa living room!” — Rey C.

    “Nagsaing ako sa rice cooker. Nung kakain na kami, naka-ready na lahat! Pagbukas ko sa rice cooker, ‘di pa pala luto. Hindi ko napindot!” — Ivy D.

    “Gagala kami ng tatlong junakis ko. Siyempre, uunahin mo muna sila bago ang sarili. Nakarating na kami sa pupuntahan namin, sabi nilang tatlo, ‘Mama, gusto ko ng ice-cream.’ Bumaba kami ng tricycle.

    “Habang naglalakad ako, ‘Bakit ang sikip ng isang paa ko, pero ang luwag nung isa?’ Medyo malayo-layo na ako sa paradahan ng tricycle. Pagtingin ko, magkaibang sapatos pala suot ko.” — Mae A.

    “Nag-timpla ako ng Milo para sa anak ko, mga 2 cups din un. Nagtataka ako ‘yung anak ko tinitignan lang. Tinanong ko kung masarap, um-oo lang pero di nman binabawasan. Nung tinikman ko, ang alat! Iodized salt pla nailagay ko. — Kharen R.

    “‘Yung nagsaing ako pero wala pala akong nalagay na tubig, ayun sunog!” — Jhie M.

    “Kahapon lang, galit na galit si mister, namamaligno daw ata siya, hawak lang daw nya ung belt tapos bigla nawala.. e suot na niya!” — Marie J

    “‘Yung iinom ako ng kape, at sa halip na sa mug ko ilagay ung coffee powder e dun ko nailagay sa sabaw ng niluluto kong gulay.” — Ghrazey G

    “Counted ba ang nakalibot na kung saan-saan pero iisang kilay lang pala ang nai-drawing?” — Koo N.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Do you have your own mom brain or ‘lutang’ moment? Share it with us in the comments. Click here for hilarious distance learning stories from kids!

    What other parents are reading

Dishwashing Liquid Sa Kawali Imbis Mantika!’: Parents Share ‘Lutang’ Stories
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments