-
Sadyang napakagandang tignan ng batang nakangiti, lalo na kung malusog din ang kanyang mga ngipin. May mga bata kasing ayaw ngumiti dahil sa kanilang dental problem, tulad ng sungki na ngipin, na dala nila hanggang paglaki.
Ano ang sungki na ngipin?
Tinatawag na sungki ang ngipin na mali ang tubo o wala sa tamang linya kaya naiiba sa hanay ng iba pang mga ngipin. Kilala ito bilang crooked tooth sa wikang English at sa dental term na malposed tooth, sabi ng dentistang si Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim.
May paliwanag tungkol sa malposed tooth ang isang study na nailathala sa International Journal of Orthodontia, Oral Surgery, and Radiography. Ayon sa may akda na si Dr. Theodor Blum, tinatawag na malposed ang anumang ngipin na wala sa normal position.
Mga dahilan kung bakit may sungki na ngipin
Madalas nagsisimula ang pagsungki sa pagkabata, lahad ni Dr. Calimlim, at may ilang posibleng rason para diyan.
Genetics
Maaaring namamana ang pagkasungki, sabi ng punong dentista ng Calimlim Dental Clinic Marikina. Kaya kung may isa o higit kang sungki na ngipin, malamang ganoon din sa iyong anak.
Sang-ayon ang mga eksperto sa Orthodontics Australia, lalo na raw kung ang pagkakadikit-dikit ng mga ngipin (crowding of teeth) ay dulot ng “extra teeth” at “abnormally large teeth or small jaws.”
Punto pa ng mga eksperto, “When we consider that we get 50% of our genetic makeup from one parent and 50% from the other, it is little wonder that sometimes the teeth and jaws do not match correctly.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBukod sa crooked teeth, marami pa raw othodontic problems ang naiimpluwensiyahan ng genetics. Nariyan ang underbites at overbites. Bagamat kadalasang hindi maiiwasan, madali naman daw maitama ang ganoong mga problema.
Poor development of upper and lower jaw
Kapag hindi sabay ang paglago ng panga, halimbawa sobrang bagal ng itaas (upper jaw) kaysa sa ibaba (lower jaw), nirerekomenda ng mga eksperto ang agarang orthodontic intervention. Kailangan daw mapatignan mo na ang anak pagtungtong nito sa edad 7 o di kaya 8.
Pero kung minor bite problems daw at saka dental crowding, payo ng mga eksperto na puwedeng obserbahan muna at bantayan bago maipaayos ito bilang isang yugto ng treatment habang nakakaranas ang bata ng pubertal growth sa kanyang spurt years.
Early baby/milk tooth loss
Kilala sa mga tawag na baby teeth at milk teeth ang mga unang tumutubong ngipin ng bata. Nagsisilbi ang mga ito, ayon sa mga eksperto, na “space maintainers” para sa future adult teeth. Permanente na kasi ang adult teeth at, kung natanggal o kailangang bunutin, wala ng tutubong ngipin sa naiwanan nilang puwang.
Kapag masyado raw maagang natanggal ang baby tooth, umuusong ang katabi nitong ngipin at lumiliit ang puwang para sa patubo pa lang na adult tooth. Kaya mahalaga raw na ipatingin ang bata sa dentista at mabigyan ng solusyon. Isa raw diyan ang paglalagay ng space maintainer para masiguro ang espasyo para sa pagtubo ng adult tooth.
May paalala si Dr. Calimlim sa magulang: “Hindi dapat sabay-sabay na ipabunot ang milk teeth dahil ang milk teeth ang siyang nagbibigay gabay sa pagtubo ng permanent teeth.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosDugtong niya, “Ang maagang pagbunot ng milk tooth na hindi naayon sa takdang oras ay magdudulot ng pagsasara o matatakpan ng buto ang daanan ng permanent teeth. Kapag nangyari ito, mahihirapang tumubo ang permanent teeth na magreresulta sa pagsungki o kaya’y maiwan sa loob na tinatawag naming impacted tooth.”
Thumb sucking, tongue thrusting
Posibleng magdulot ng sungki na ngipin ang mga nakasanayang gawain ng bata, tulad ng pagsipsip ng daliri (finger/thumb sucking) at pagtutulak ng dila sa ngipin (tongue thrusting). Kaya sabi ng mga eksperto, kailangan ihinto ito paglampas ng edad 6 o di kaya 7. Magsisimula na kasing tumubo ang adult teeth.
Payo rin ng mga eksperto na huminto sa pagkagat ng kuko (nail biting) dahil nakakasira ito ng tooth enamel at puwede ring maging mista ng sungkit na ngipin.
Traumatic blow on tooth due to accident
Kung sa hindi inaasahang pangyayari ay tinamaan ang ngipin ng iyong anak, mainam daw na ipatingin siya kaagad sa dentista. Matutukoy ng dentista ang pinsala sa ngipin at mabibigyan ito ng tamang solusyon.
Mga paraan para maiwasan ang sungki na ngipin
Dahil kadalasang nagsisimula ang pagkasungki sa pagkabata, payo ni Dr. Calimlim sa magulang na dalhin ang anak sa regular checkups upang masubaybayan ang pagtubo ng ngipin.
Paliwanag niya, “Mayroon kaming mga isinasagawa upang maayos ang sungki na ngipin, tulad ng orthodontic treatment, veneers, crowns, at iba pang uri ng treatment, depende sa kaso. Kadalasan ay isinasagawa ito ng 12-14 years old.”
Basahin dito para sa gamot sa sakit ng ngipin pambata.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
Bakit Hindi Dapat Pangunahan Ang Pagbunot Ng Milk Teeth, Ayon Sa Dentista
Source: Progress Pinas
0 Comments