Mga Safe Na Birth Control Method At Pills For Breastfeeding Moms

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isang mahalagang desisyon na gagawin mo pagkatapos manganak ay pag-uusapan ninyo ng iyong ob-gyn ang pills for breastfeeding na gagamitin mo. Kung gusto mong ipagpatuloy ang nursing, mahalagang ipaalam ito sa iyong doktor para mabigyan ka niya ng tamang payo sa birth control method na hindi makaaapekto sa supply ng iyong breast milk.

    Ang breastfeeding ay isang natural na paraan ng family planning sa pamamagitan ng lactation amenorrhea method o LAM. Nagagawa kasing pigilan ng exclusive breastfeeding ang pag-ovulate kaya hindi kaagad dadatnan ng regla ang mga breastfeeding mom.

    Pero hindi ito nagiging epektibo kung hindi tama ang pagsunod sa proseso o mga kondisyon nito. (Basahin dito ang dapat gawin kung breastfeeding ang balak na family planning.) Kaya naman ang ilang breastfeeing mom ay sumusubok pa rin ng ibang family planning method gaya ng pag-inom ng pills.

    Inirerekomenda na pagkaraan ng anim na linggo o higit pa na nagpapasuso ka sa iyong baby ang pag-inom ng anumang uri ng pills lalo na iyong nagtataglay ng hormones. Ito ay para matiyak na magiging maayos at sapat ang mapo-produce mong breast milk dahil may ilang hormone-based methods na nakapagpapahina ng suplay.

    Hormonal pills

    May iba’t ibang uri ng mga pills na iniinom para hindi o ma-delay ang pagbubuntis. Ang mga pills na nagtataglay ng hormones ay nakaapekto sa menstrual cycle kaya napipigilan nito ang pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ipinapayo ng mga eksperto na huwag uminom ng combination pills na may progestin at estrogen. Bagaman hindi nakasasama ang estrogen sa baby, nagagawa naman nitong pahinain ang milk supply ng breastfeeding moms.

    Progestin-only contraceptives ang preferred choice na pills for breastfeeding moms. 

    May mga hormonal pill din naman na hindi nakaapekto sa iyong pagpapasuso. Isa na rito ang hormonal intra-uternine device (IUD) o Minera na nagagawang hindi ka magbuntis sa matagal na panahon. Ipinasok sa loob ng uterus ang isang T-shaped plastic frame na siyang naglalabas ng kaunting dami ng progestin na pumipigil sa fertilization at implantation.

    Mayroon din naman na implant at injectables. Ang dalawang uring ito ng hormonal contraceptive ay gumagamit din ng progestin na safe para sa breastfeeding moms. Sa mga implants gaya ng IUDs, tumatagal ang ito nang tatlong taon.

    Para sa mga injectables naman kailangan mong magpa-inject kada tatlong buwan. Ang injectibles na contraceptive ay naglalabas din ng hormone progestin sa iyong bloodstream na pumipigil sa ovulation o paglabas ng egg cells. Nagagawa nitong pakapalin ang cervical mucus para hindi marating ng sperm ang egg.

    Side effect ng pills for breastfeeding mom

    Samantala, may nagiging side effect din ang ilang mga pills na iniinom at iinject. Magkakaiba ito sa bawat babae. Sabi ng mga mommy sa Facebook group Smart Parenting Village (SPV)iba-iba ang nararanasan nila sa mga pills na ginagamit nila.

    Ang iba ay tumaba raw sila simula nang gumamit sila ng injectables. Naranasan din nila na magtuloy-tuloy ang kanilang menstruations kaya naging low blood o bumaba ang kanilang dugo na kinailangan silang salinan. May nakaranas din ng matinding sakit ng ulo, katawan, at pelvic pain.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Karamihan naman sa mga breastfeeding sa SPV ay nagbahagi na Daphne pills at Exluton pills ang kanilang iniinom na walang nagiging problema sa kanilang production ng breast milk.

    Pipili ka talaga ng pills na gagamitin mo bilang birth control at susubukan mo kung alin ang mas hihiyang sa iyo dahil magkakaiba ang posibleng epekto ng mga ito sa bawat gumagamit. Magagawa mo lang ito sa tulong ng isang doktor.

    Kailangan din na lagi mong nasa isip ang pag-inom ng pills dahil kapag nagkamali nito o nakaligtaan mo ang pag-inom, hindi na epektibo pa, at sisimulan mo ulit sa umpisa.

    Natural family planning method

    Kung ayaw mo ng contraception, may mga natural method at non-hormonal method na wala anumang magiging epekto sa iyong gatas.

    Strandard Days Method

    Ito ay epektibo sa mga babaeng may regular na menstrual cycle. Gamit ang isang string na colored beads ay masusundan mo ang iyong cycle sa pamamagitan ng paglilipat ng itim na ring sa bawat beads. Ang Standard Days ay gaya rin ng calendar method na itinatala mo ang iyong menstrual cycle para malaman ang iyong fertility window.

    Basal Body Temperature (BBT) Method

    Ito ang temperatura ng iyong katawan kapag nagpapahinga. Nagdudulot ang ovulation ng bahagyang pagtaas ng basal body temperature. Maaaring maging fertile ka pagkaraan ng dalawa hanggang tatlong araw na napansin mong may pagbabago sa iyong temperatura.

    Billing Ovulation Method (BOM)

    Kilala rin ito na cervical mucus method. Ginagamit na batayan ang pagsusuri sa vaginal mucus para malaman kalian ka fertilite. Hindi ito gaanong nakabatay sa ovulation, mas tinitingnan dito ang patern ng fertility period sa uri ng vaginal discharge.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sympto-Thermal Method

    Kombinasyon ito ng BBT at BOM ang sympto-thermal method. Oobserbahan mo ang vaginal mucus at pagbabago sa temperatura ng katawan.

    Withdrawal Method

    Tinatawga din pull out method ang withdrawal method na ang layon ay maiwasan ang pagpasok ng sperm sa vagina. Pero sinasabi ng mga eksperto na hindi ito gaanong epektibo dahil maaaring mabuntis pa rin dulot ng pre-ejaculatory sperm.

    Barrier Methods

    Isa ang condom na ginagamit sa barrier method. Mas abot-kaya ang halaga, madaling gamitin, at mapoprotektahan ka sa anumang sexual transmitted diseases. Samantala, sa mga babae, ginagamit ang diaphragms at cervical caps na ipinapasok sa vagina bago ang pakikipagtalik sa asawa.

    Pero kung gugustuhin pa rin ang pag-inom ng pills for breastfeeding, inirerekomendang mas piliin ang progestin-only pills o mini-pill. Epektibo pa rin naman daw itong birth control basta nasusunod ang tamang pag-inom. Gayundin walang magiging epekto sa iyong pagpapasuso sa iyong baby.

    Ipinapayo din na makipagtalik sa mga asawa pagkalipas ng anim na linggo ng pagkapanganak. Hayaan munang manumbalik ang lakas ng katawan at mabigyan ng panahon ang uterus na gumaling. Pero ito ay para sa mga normal delivery. Kung ikaw ay cesarean delivery, mahalagang sundin ang ipapayo ng iyong ob-gyn.

    Basahin dito ang mga common misconceptions pagdating sa contraception at pregnancy.

    What other parents are reading

       


Mga Safe Na Birth Control Method At Pills For Breastfeeding Moms
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments