Bukod Sa ‘Tiis Lang,’ May Ibang Payo Ang Mommies Sa Pagpapasuso

  • Maraming buntis, lalo na kung sa unang pagkakataon, ang nagsasabing desidido at handa silang magpadede ng kanilang sanggol. Pero kapag nanganak na, doon lang nila nalalaman na hindi pala kasing dali ang breastfeeding kumpara sa nakikita nila sa commercial. Kailangan talaga nilang humanap ng paraan ng pagpapasuso na angkop sa kanila at kanilang baby.

    Hirap sa pagpapasuso

    Bahagyang ibinahagi ni Ryza Cenon ang simula ng breastfeeding journey nila ng anak na si Night Cruz dalawang araw pagkatapos niyang manganak noong October 31, 2020. Aniya sa caption ng Instagram post, “As a first-time mom, minsan nakaka-frustrate yung wala ka pang maibigay na gatas, kahit gusto mo magpa-breastfeeding kay Baby Night.”

    Nagpasalamat naman si Ryza sa kaibigan at kapwa artistang si Chariz Solomon, na naunang nanganak ng halos isang buwan, para sa donasyong breast milk. Sagana kasi sa gatas si Chariz sa tatlo niyang mga anak (basahin dito).

    Hirap din sa breastfeeding si Phoemala Baranda nang manganak sa kanyang ikalawang anak si Illya noong March 5, 2021. Halos 22 years raw ang agwat sa una niyang anak, na hindi niya napadede. Kaya parang first-time mom siya ulit.

    Kuwento ni Phoemela na noong una niyang subukan na padedehin si Baby Illya, wala masyadong lumabas sa kanyang dibdib. Lubha siyang naga-alala lalo na’t umiyak nang husto ang kanyang anak. Agad daw siyang komunsulta sa lactation doktor, at pinayuhan siyang mag-pump para makagawa ng mas maraming gatas.

    Sumang-ayon ang birthing coach na si Chiqui Brosas-Hahn, na panauhin din sa online event. Kailangan daw talagang habaan ang pasensya sa pagpapadede dahil hindi naman overnight natututunan ang breastfeeding. Meron nga raw mga mommy na inaabot ng ilang  linggo o buwan. Paalala niya, “Just keep pumping.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paraan ng pagpapasuso

    Sa kabila ng hirap, patuloy ang pagsubok ng mga nanay na magpadede dahil alam nilang maraming benepisyo ang pagpapasuso. Humahanap na lang talaga sila ng mga paraan para maibsan ang sakit at magpatuloy sa pagsubok, gaya ng ilang mommies sa Smart Parenting Village.

    Bukod sa “Tiis lang, lilipas din ‘yan,” narito ang kanilang mga payo.

    I-check ang latch ni baby, pati ang nursing position

    Sabi ng isang mommy, “Try researching about good latch, or proper latching on YouTube, at least man lang ma-lessen ang sakit.” Dagdag ng isa pa, “The key actually is a correct latch position. A common mistake is that it’s the nipple that the baby is latching kaya masakit and, worse, nagsusugat. If the latch and the position of how the baby latches are correct, it would be more convenient.”

    Sang-ayon ng isa pang mommy,  “Watch ka YouTube on how to properly position your baby during breastfeeding and also proper latch niya. Bring baby closer to breast, not breast closer to baby.” (Basahin dito para sa iba-ibang breastfeeding positions.)

    Kapag nag-latch ka raw kasi, dapat ang bibig ni baby ay nakabukas nang todo at nakakadede siya nang maayos. (Basahin dito para sa tamang latch.)

    Gumamit ng pump before mag-latch

    Tulad ng payo ng birthing coach na si Chiqui Brosas-Hahn at karanasan ng model-TV host na si Phoemela Baranda, maraming mommies na rekomendado ang pumping. Sabi ng isa sa kanila, “I-pump mo, momsh, para mejo ma-lessen ‘yung pain. When my LO was born, after two days, we bought a pump because I was crying in pain. After pumping, I tried to latch LO again, and the pain lessened.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag ng isa pang mommy, “Before mo pa-dede-hin si baby, mag-pump ka muna para kapag nagdede na siya sa’yo, ‘yung hind milk na made-dede niya tapos less sakit na din ng boobies.”

    May iba pang eksperto ang nagrerekomenda ng pumping pagkaraan ng six weeks ng exclusive direct breastfeeding kapag established na ang breast milk supply. (Basahin dito ang mga rason.)

    Magpahid ng moisturizer sa nipples

    Para naman maibsan ang kirot sa nipples, nagpapahid ang ilang mommies ng moisturizer. Paliwanag ng isang mommy, “I use nipple cream to moisturize the nipple. It eases the pain due to friction in the dede.”

    Nagbigay ng tips ang isa pang mommy: “Basain ang nipple and areola ng breast milk. I-hand-express then punas sa breast diretso. Mas maganda nakahiga.” Nagdagdag pa ng tips ang kapwa niya miyembro ng online community:  “On days na nakaka-feel ako ng konting discomfort kasi may days na malakas siya dumede and nagda-dry na ‘yung nipples, I put virgin coconut oil (VCO) after every latch. It works for me.”

    Mainam daw ang lanolin-based nipple creams at iba pang gawa sa natural ingredients, tulad ngexpressed breast milk at  VCO. Just apply a minimal amount and wipe away the excess before letting your baby latch.

    Subukan ang lactation massage

    Ika nga ng isang mommy,  “Pa-lactation massage po kayo. After ko pa-massage noon, laking ginhawa talaga and mas correct na latch ni LO dahil maayos na siyang nakakainom ng milk.”

    Sa kaso ng aktres na si  Yasmien Kurdi, hilot ang naging paraan ng pagpapasuso sa kanyang unica hija na si Ayesha Zara noong 2012. (Basahin dito.)

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Bukod Sa ‘Tiis Lang,’ May Ibang Payo Ang Mommies Sa Pagpapasuso
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments