-
Kung toddler na ang anak mo, marahil iisipin mo na kailangan mo na siyang bigyan ng potty training para convenient sa inyo pareho. Pero ang payo ni Janet Lansbury, isang American parenting educator at writer, subukan ang ibang paraan para matutong gumamit ng banyo ang anak.
Nagbigay ng paliwanag si Lansbury as kanyang blog. Aniya, hindi kailangan ng bata ang adult para matutong gumamit ng banyo. Ang kailangan daw ng bata ay “attuned, communicative” na magulang o tagapangalaga. Iyong magbibigay ng suporta at gabay sa bata na pagdaanan ang natural na proseso.
Sabi pa ni Lansbury, may tatlong dahilan kung bakit tutol siya sa potty training. Una, hindi raw ito talaga kailangan ng bata. Dagdag lang daw ito sa napakarami nang gawain ng magulang at lalo ka pang magiging stressed.
Ang ikalawang dahilan ay mapanganib o risky daw ang potty training. Puwede raw kasing maapektuhan nito ang “developmentally appropriate need” ng toddler. Dumadating raw kasi nang kusa ang pagnanais ng bata na matutong gumamit ng banyo, at kapag pinangunahan mo ito, puwede kang labanan ng anak.
Ikatlo, karapat-dapat o deserving ang bata na mapagtagumpayan ang paggamit ng banyo. Magbibigay ito sa kanya ng confidence para masabi niyang, “Ah, kaya ko ‘to!”
Mga palatandaang handa na ang toddler
Nagbigay din si Lansbury ng mga palatandaan na handa na ang toddler na matutunan ang paggamit ng banyo. Base raw ang mga ito sa pangaral ng child specialist na si Magda Gerber, ang founder din ng Resources for Infant Educarers (REI) na kinabibilangan ni Lansbury.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPhysical
Mararamdaman ng katawan ng bata na puno na ang kanyang pantog (bladder) at said na ang kanyang pandumi. Sangkot din dito ang kanyang muscle control.
Cognitive
Kusang malalaman ng bata na kailangan na niyang ilabas ang ihi o kaya ang dumi mula sa katawan, at kung ano ang dapat niyang gawin.
Emotional
Mararamdaman ng bata na handa na siyang iwanan ang ihi at dumi na nakasanayan niyang ilabas at makita sa diaper.
Sabi pa ni Lansbury, kadalasang huling dumadating ang emotional readiness. Ang batang “bright, sensitive, aware” ay kaagad daw maiintindihan ang paggabay ng magulang sa banyo. Pero may mga batang ayaw pang kumawala sa diaper, kaya pinipigilan ang pagdumi at nagiging constipated.
Mga puwedeng gawin ng magulang
Payo ni Lansbury na suportahan ang anak na natural nitong matutunan ang paggamit ng banyo. Magagawa mo ito sa tulong ng ilang mga hakbang.
Mula sa kapanganakan ng bata, isali ang bata sa pagligo, pagpapalit ng diaper, at iba pang gawain bilang active participant. Puwedeng sabihan mo siya kung anong ginagawa ninyong pareho at para saan iyon.
Maging ehemplo sa paggamit ng banyo para gayahin ka ng anak. Pero iwasan mo raw na pilitin ang bata na gamitin ang kanyang potty o ang banyo. Kaya siguraduhin na parating nandiyan ang kanyang potty sa anumang oras niya ito kailanganin.
Makakatulong din daw ang pagmamasid para malaman mo kung kailangan ng anak na umihi o dumumi. Pero respetuhin mo rin daw ang desisyon niyang magsuot pa ng diaper kung hindi pa siya handa sa banyo. Higit sa lahat, kailangan mo raw magtiwala sa kakayahan ng iyong anak.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Kung Nagbabalak Ka Ng Potty Training, May Paalala Ang Parenting Educator
Source: Progress Pinas
0 Comments