Bakit Hindi Advisable Ang Combination Pills Kung Breastfeeding Ka

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bagaman itinuturing na isa sa natural na paraan ng family planning ang exclusive breastfeeding sa baby mula pagkasilang nito, may ilan na sumusubok pa ring uminom ng pills bilang birth control. Isa sa madalas itanong kung pwede ba ang Trust pills para sa breastfeeding moms?

    May kamahalan ang pag-inom ng mga birth control pills at kakailanganin mo ng maraming suplay nito kung ito ang pipillin mong paraan ng family planning. Bagaman makakukuha ka rin nito sa health center sa inyong barangay na libre, mangangailangan ng iyong oras din ang pagpunta at pagpila roon.

    Ano ang combination pills 

    Ang pag-inom ng anumang pills ay nakaapekto sa menstrual cycle dahil sa pag-introduce nito ng ibang hormones sa katawan at napipigilan ng hormones na ito ang pag-ovulate. Dahil dito, nagagawang pigilan ang pagkakaroon ng buwanang regla.

    Isa sa murang pills na mabibili sa abot-kayang halaga ang Trust pills, isang uri ng combination pills. Ang mga ganitong pills na gumagamit ng kombinasyon ng hormones ay nagtataglay ng estrogen at progestin.

    Kapag ang progestin ay may kombinasyon ng ethinyl estradoil o estrogen, nagagawa nitong mapigilan ang ovulation, mapanipis ang uterine lining para hindi ma-fertilize ang egg, at magdudulot ng pagkapal ng cervical mucus para hindi maabot ng sperm ang egg.

    Trust pills for breastfeeding moms?

    Bagaman swak sa budget ang combination pills katulad ng Trust at talagang nakatutulong ito sa pagpipigil ng pagbubuntis, hindi ito advisable kung ikaw ay nagpapadede dahil sa epekto nito sa supply ng breast milk.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa karanasan ng mga umiinom ng pills na breastfeeding mom, napansin nila ang pagbaba ng supply o paghina ng breast milk na napoprodyus nila. Kaya hindi inirerekomenda sa mga breastfeeding mom ang pag-inom ng ganitong uri ng pills.

    Kung ibig mong gumamit ng birth control pills, humanap o mas mabuting piliin ang progestin lamang. Ang progestin-only methods ay nagtataglay ng hormone na progesterone. Epektibo rin itong gamitin para hindi mabuntis.

    Maaari din itong makatulong sa pagpaparami ng supply ng iyong breast milk. Dahil may taglay na hormones ang ganitong pill, hindi maiiwasan din na humalo ito sa iyong breast milk. Pero batay sa mga pag-aaral, hindi kinakitaan ng masamang epekto ito sa iyong baby.

    Ipinapayo ng mga doktor na bago uminom ng anumang pills ay may anim na linggo na o higit pa na napapasuso si baby para nakatitiyak na sapat ang dami ng napo-produce na breast milk. Kadalasan kasi may mga pills na nakapagpapahina ng milk supply.

    Non-hormonal birth control methods para sa breastfeeding

    Ang mga ito ay mas nakatitiyak kang hindi makaaapekto sa iyong breast milk supply.

    Condoms

    Itinuturing pinakaepektibong non-hormonal birth control ang condom. Wala itong epekto sa breastfeeding mom o kahit kay baby. Kaya lang ang breastfeeding ay nakapagpapababa ng estrogen level na nagdudulot ng vaginal dryness at irritation. Para maibsan ang ganitong kondisyon, maaaring gumamit ng lubricant gel.

    Diaphragm o cervical cap

    Isa manipis na soft silicon na simboryo ang cervical cap. Ipinapasok ito sa vagina bago ang pakikipagtalik sa asawa. Nababalutan nito ang cervix para hindi makapapasok ang sperm sa uterus. Wala rin itong epekto sa breast milk production.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Intrauterine device (IUD)

    Tinawag ding ParaGard ang intrauterine device. Ipinapasok ito sa loob ng uterus. Nagagawa nitong mapigilan ang pagbubuntis sa mahabang panahon. Isa itong aparato na ang hugis T at nababalutan ng copper wire ang plastic frame nito na nagpoprodyus ng inflammatory reaction na nakaapekto para sa sperm at egg kaya napipigilan ang pagbubuntis.

    Calendar o rhythm method

    Sa simula, mahirap na aralin ito dahil kailangan ng tiyaga at tamang pagtatala sa iyong menstrual history. Pero kapag nagawa mo ito madali mong malalaman ang panahon ng iyong ovulation at kung kailan ka fertile. Maiiwasan ang mga panahon na ito sa pakikipagtalik sa iyong asawa para hindi mabuntis.

    Kung talagang gusto mong ipagpatuloy ang breastfeeding para sa iyong baby, makabubuting iwasan muna ang paggamit ng mga combined oral contraceptive gaya ng Trust pills. Maraming uri naman ng contraceptive ang mapagpipilian mo na walang magiging epekto sa suplay ng iyong breast milk.

    Maaari ka pa rin namang uminom ng Trust pills o iba pang combination birth control pills kung tumigil na sa pagdede sa iyong ang iyong baby. Piliin ang epektibo pero hindi naman makasasagabal sa iyo bilang breastfeeding mom.

    Makabubuti ring kausapin mo ang iyong ob-gyn lalo na iyong makatutuwang mo sa breastfeeding journey mo. Siya ang makakapagbigay ng tamang payo sa pagpili ng epektibong birth control para sa iyo at sa iyong baby.

    What other parents are reading

Bakit Hindi Advisable Ang Combination Pills Kung Breastfeeding Ka
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments