Huling Bilin Ng Anti-Vax Mom Na Pumanaw Sa COVID-19: Pabakunahan Ang Mga Anak

  • Bago tuluyang pumanaw dahil sa COVID-19 nitong August 16, 2021, hiniling ng isang nanay sa Texas, U.S.A. na mapabakunahan ang kanyang apat na anak. Hindi kasi siya bakunado at kontra siya noon sa anumang bakuna.

    Nagbago lang ang isip ni Lydia Rodriguez, isang 42-year-old piano teacher, nang unang magkasakit at pumanaw sa virus ang kanyang asawang si Lawrence, 49. Ito ay ayon sa ulat ng Agence France Presse.

    Dalawang linggo lang daw ang pagitan ng pagpanaw ng mag-asawa, na parehong hindi naniniwala sa COVID-19 vaccine at iba pang bakuna. Nang magbago ang pananaw ni Lydia, huli na ang lahat.

    Binanggit sa ulat na nagbigay ng interview ang pinsan ni Lydia na si Dottie Jones sa local TV station na ABC13 sa Texan town na La Marque. Kuwento ni Dottie, na isang nurse, matagal na niyang kinukumbinse si Lydia na magpabakuna pero hindi siya pinapakinggan.

    Dagdag pa ni Dottie na nitong nagkasakit na si Lydia ng COVID-19, at saka lang nito nakita ang halaga ng bakuna. Bago raw kasi sumailalim sa intubation ang pasyente, nagbilin ito sa kapatid na siguraduhing mapabakunahan ang mga maiiwang mga anak.

    Sabi nga ni Dottie, na may panghihinayang, kasama sana ni Lydia ang mga anak kung nagpabakuna lang siya noong may pagkakataon pa.

    Ayon sa ulat, dalawa lang ang nasawing mag-asawa na sina Lydia at Lawrence sa mga milyon- milyong tao sa U.S. na hindi pa nakakatanggap kahit isang dose ng COVID-19 vaccine. Ito ay sa kabila ng mabilis na pagkalat ng virus, lalo na ng Delta variant, na sinasabing most contagious.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Tinatayang 59.6% lang sa mga tao sa U.S. na pasado sa requirements ng COVID-19 vaccine ang kumpleto na sa bakuna. Marami raw kasing mamamayan doon na tutol sa malawakang kampanya ng gobyerno para sa bakuna. Kabilang diyan ang mga nakatira sa Texas, tulad nina Lydia at Lawrence.

    Sabi nga ng nurse na si Dottie, nakakadurog ng puso na maraming naniniwala sa maling impormasyon tungkol sa bakuna. Ang misinformation daw na iyon ang pumapatay sa mga tao, kaya kailangang mangibabaw ang katotohanan.

    Sinimulan ni Dottie ang fundraising campaign para sa mga naulilang anak nina Lydia at Lawrence. Nagsasalita rin daw siya para mahikayat ang publiko na magpabakuna. Aniya, puwede ring mangyari sa iba pang pamilya ang nangyari sa kanyang kaanak.

    Hindi raw niya tinatakot ang mga tao, bagkus gusto lang niyang maliwanagan ang lahat, lalo na sa bagsik ng Delta variant. Diin niya, “I am not trying to scare people. I just want people to understand this virus is real, and this Delta variant is more brutal that anything we’ve seen.”

    Ang Delta variant, ayon sa ulat, ang sanhi ng biglang pagtaas muli ng COVID-19 cases sa Texas. Karamihan daw sa mga tinamaan nito ay hindi bakunado. Pero nitong huli, nadadagdagan na raw ang mga nagpapabakuna.

    Dito sa Pilipinas, patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa Delta variant, partikular sa mga kabataan (basahin dito). May mga paraan para maprotektahan mo ang mga anak (basahin dito  at dito).

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Huling Bilin Ng Anti-Vax Mom Na Pumanaw Sa COVID-19: Pabakunahan Ang Mga Anak
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments