-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kilala ang hika (asthma) bilang isang sakit sa baga, kung saan malimit ang pamamaga (chronic inflammation) ng daluyan ng hangin sa iyong katawan. Nangyayari ito kapag nagkaroon ng exposure sa tinatawag na triggers. Kabilang diyan ang allergens, kaya mayroong allergic asthma.
Ano ang allergic asthma?
Ang allergic asthma, ayon sa mga eksperto sa Cleveland Clinic, ay isang “breathing condition where the airways you breathe through tighten when you inhale an allergen.” Pangkaraniwan daw itong uri ng asthma sa parehong mga bata at adults.
Allergen ang tawag sa anumang bagay na nagbibigay ng allergic reaction kung may allergy ka dito. Ang allergic reaction na ito ang tugon ng iyong immune system sa inaakalang panganib.
Kaya nagpapakawala ang iyong immune system ng chemical na immunoglobulin E (IgE). Layunin ng substance na ito na lumaban at protektahan ang iyong katawan. Ang problema lang daw kapag napadami ang IgE, sumisikip ang daluyan ng hangin hanggang hirap ka nang huminga.
Sabi pa ng mga eksperto, pangkaraniwan sa mga taong may hika ang allergic asthma. Ito raw kasi ang most common type ng asthma. Sa bawat 25 million na may hika sa United States, tinatayang 60% daw sa kanila ay dulot ng allergies.
Mga sanhi ng allergic asthma
Di tulad sa asthma na hindi pa tuluyang natutukoy ang eksaktong sanhi, bagamat malaki raw ang papel na ginagampanan ng genetics, maliwanag naman kung saan galing ang allergic asthma. Ito ay kapag nagkaroon ka ng exposure sa iyong natatanging allergen, na iyo ring “individualized trigger.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBalahibo ng hayop (animal dander)
May maliliit na balat ang balahibo ng hayop na mayroong protina, na siyang nagdudulot ng atake ng hika. Makikita rin ang protina sa laway, pawis, at langis ng mga hayop. Kabilang diyan ang pusa, aso, kabayo, kuheno, daga, at ibon, pati na mga ipis.
Alikabok (house dust mites)
Tinatawag na dust mites ang mga sobrang liit na insektong namamahay sa mga kurtina, punda, kama, pati na sa rugs, carpets, unholstered furniture, at stuffed toys. Ang mga insektong iyon ay nabubuhay sa pag kain ng human skin, flakes, at cotton. Dumudumi sila ng fecal pellets na nagdudulot ng allergic reaction sa mga may hika.
Bulo ng bulaklak (pollen)
Pollen ang tawag sa mala-pulbos na sangkap mula sa bulaklak at halaman. Ang mga pangkaraniwang uri ng pollen ay ang damong grass at weed. Kapag nilipad ang mga ito ng hangin at iyong malanghap, maaari kang atakihin ng hika.
Amag (mold)
Maituturing din na allergen ang amag o molds. Ang sobrang liit na mga fungi na ito ay nabubuhay sa mga basang lugar, lalo na kung may nakatambak na tubig. Mayroon silang airborne spores na umaaktong trigger ng asthma.
Pagkain (food allergy)
May mga partikular na pagkain na maaaring magbigay ng allergic reaction at magdulot ng hika. Kabilang diyan ang hipon at iba pang seafood, pati na peanut at chocolate.
Bukod sa allergens, may iba pang factors sa nonallergic asthma na puwedeng magpalala ng iyong kondisyon. Ito ay ayon naman sa mga eksperto sa American College of Allergy, Asthma, and Immunology (ACAAI). Ilan sa factors ang viral respiratory infections, exercise, irritants sa hangin, stress, drugs, certain food additives, at weather conditions.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMga sintomas ng allergic asthma
May apat na common asthma symptoms, ayon kay Dr. Paul Rilhelm M. Evangelista, isang espesyalista sa pulmonology medicine at interventional pulmonology. Nagbigay siya ng paliwanag sa webinar, na may titulong Usapang Asthma, na inorganisa ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP).
Paghuni (wheezing)
Kapag makipot ang daluyan ng hangin sa iyong katawan, mahihirapan kang huminga. Ang nangyayari tuloy, para kang naghihingalo at humuhumi gaya ng ibon. Wheezing ang tawag diyan.
Pag-ubo
Kapag naman sobrang kapal na ng mucus o plema sa iyong daluyan ng hangin, hindi mo mapipigilan ang maya-mayang ubo. Kadalasan pa nga pipilitin mo pang umubo sa sa pag-asang luluwag ang pakiramdam.
Pagkapos sa hininga (breathlessness)
Hirap ka nang huminga dahil nakukulong ang hangin sa mga daluyan dapat nito. Masyado na kasing makitid at puno ng plema ang mga ito kaya hindi makawala ang hangin.
Paninikip ng dibdib
Kapag makipot ang mga daluyan ng hangin sa iyong katawan, puno pa ang mga ito ng plema, at nakakulong na ang hangin, maninikip talaga ang iyong dibdib.
Para masuri kung meron kang allergic asthma, payo ng mga eksperto na magpatingin sa ispesyalista sa allergy, na tinatawag na allergist. Bibigyan ka ng allergist ng test para matukoy ang sanhi ng iyong allergy at saka ang tamang treatment para na rin sa asthma. (Basahin dito para sa karagdagang kaalaman sa asthma.)
Allergy Ba O Allergic Asthma Na? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto
Source: Progress Pinas
0 Comments