-
Editor’s Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.
Sa panahon ng pagbubuntis, hindi lamang kalusugan mo ang dapat na isaisip ngunit higit lalo ang development ng iyong baby. Kailangan mo ng pagkaing masustansiya at makapagbibigay ng sapat na nutrisyon para rin sa sanggol sa iyong sinapupunan. Kabilang diyan ang gatas para sa buntis.
Ano ang gatas para sa buntis?
Bukod sa mga prenatal vitamins, inirerekomenda ng mga ob-gyn ang pag-inom ng gatas para sa buntis nang mapanatiling malusog ang buong pagbubuntis. Tinatawag rin itong maternal milk, na isang supplement. May formula ng mga tiyak na nutrisyong kailangan sa pagbubuntis gayundin para sa lactation ang gatas para sa buntis gaya ng:
- Folic acid
- Choline
- Docosahexaenic acid (DHA)
- Iron
- Calcium
Ang maternal milk rin ang sumusuporta sa maayos na development ng baby sa sinapupunan. Ang pag-inom ng isang basong gatas araw-araw ay may malaking benepisyo sa iyong pagbubuntis.
Mga benepisyo ng gatas para sa buntis
Nagtataglay ang maternal milk supplement ng mga sangkap na mayaman sa vitamins, minerals, at iba pang nutrisyong kailangan ng buntis.
Taglay nito ang folic acid at choline na sumusuporta sa paglaki at tamang development ng nervous system ng baby kasama na ang brain.
Mayroon itong DHA na isang uri ng fat na mahalaga sa regulasyon ng hormonal changes na nararanasan ng buntis at nakatutulong din na maiwasan ang anumang abnormality sa baby.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNaglalaman ito ng iron na mahalagang mineral na kailangan ng buntis. Tumaatas ang dami ng napoprodyus na dugo kapag buntis at kailangan ng iron para makagawa ng maraming hemoglobin. Ang hemoglobin naman ang pangunahing component ng blood cells para makapagbigay ng tamang oxygen at nutrient sa ina at sanggol. Mahalaga rin ang iron sa brain development ng baby.
Mayroon din itong calcium para sa puso, buto, nerve, at muscles. Kailangan ito para sa maayos na development ng baby at masuportahan din ang mga pagbabago sa katawan ng buntis.
May taglay rin na fiber ang maternal milk para sa maayos na digestion nang makaiwas sa constipation na isang karaniwang problema sa pagbubuntis.
Epektibo rin itong antacid na makapagpapabawas ng heartburn at iba pang gastric ailments na nararanasan sa pagbubuntis.
Paano pumili ng tamang gatas para sa buntis
May ilang bagay na maaari mong ikonsidera sa pagpili ng maternal milk supplement.
- Tingnan ang mga sangkap nito at alamin kung may sapat na partner nutrients ito. I-check kung aling mga nutrisyon ang makukuha mo rito. Maraming uri ng vitamins na taglay ito at piliin iyong makapagbibigay sa iyo ng mas kailangan mong bitamina.
- Tiyakin na natural ang mga nutrisyong taglay nito sa halip na synthetic. Mas makabubuti na natural nutrients ang ma-absorb ng katawan upang matiyak na maganda ang epekto nito sa iyong kalusugan.
- Basahing mabuti ang label para malaman mo kung ano-ano ang sangkap na taglay nito upang matiyak mo kung ano ang okay para sa iyo.
- Piliin ang flavor na mas okay sa iyong panlasa. Tandaan na ang mga flavorings ay synthetic at maaaring hindi makabuti sa iyong baby. Humanap ng mas natural ang mga sangkap.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKapag ang buntis ay may limitasyon sa pagtatamo ng mga nutrisyong kailangan, nakatutulong ang maternal milk para makakuha ng minimum na level ng nutrisyong kinakailangan ng ina at sanggol. Pero kung higit pa ang nutrisyong kailangan mo, hindi lamang ang maternal milk ang iyong dapat maging prenatal supplement.
Tips ng mommies kung kulang sa budget
Pero ang mga gatas para sa buntis ay talagang may kamahalan din. Dagdag na gastusin din ito bukod pa sa mga prenatal vitamins na iniinom mo. Kung walang sapat na budget para sa maternal milk, narito ginawa ng mga mommy at ipinayo rin ng kanilang ob-gyn na binahagi nila sa Smart Parenting Village.
- Pag-inom ng non-fat milk o milk na mababa ang sugar content.
- Pag-inom ng Ovaltine o Milo lalo na kung nasusuka sa lasa ng maternal milk.
- Pag-inom ng soy milk ay makabubuti rin.
- Anumang klase ng gatas at samahan ng magaan na excercie at pag-iwas sa stress.
- Ipagpatuloy ang mga vitamins na nireseta lang ng doctor at kumain nang masustansiya. Huwag ding magpuyat.
Sa kabuuan, ang intensyon o layunin ng pag-inom ng gatas para sa buntis ay para matiyak na sapat ang nutrisyong ang isang mom-to-be. Mababa rin ang fat nito pero mas mayaman naman sa nutrisyon kaysa sa mga full-cream milk.
Sa kabilang banda, mabuti pa rin ang pagkonsumo ng mga nutrisyong kailangan ng isang buntis mula sa mga natural na pagkain na talagang pagmumulan ng mga vitamins, mineral, calcium, choline, DHA, at iba na kailangan sa pagbubuntis.
Kasama ang tama, sapat, at masustansiyang pagkain, angkop na exercise, at balanseng lifestyle, ang gatas para sa ina ay isang suplementong makapagbibigay ng maraming ding benepisyo sa iyo at sa iyong baby.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNgunit laging isaisip na dapat na matamo mo ang pang-araw-araw na kinakailangang nutrisyon at bitamina para sa isang malusog na pagbubuntis at para matiyak ding maayos ang development ng utak at katawan ng iyong baby.
5 Tips Ng Mommies Kung Di Sapat Ang Budget Para Sa Maternal Milk
Source: Progress Pinas
0 Comments